ITOCY 4

4.7K 132 1
                                    

Hannah's POV

"… Miss Hannahria Crystalline Carson, our top student last semester, let's give her a round of applause." Nabalik ako sa realidad ng marinig na tinawag ang pangalan ko sa stage.

"Best, hinahanap ka na ng mga professors natin. Kailangan mo daw mag speech."

Napatawa nalang ako dahil kay Mich. Ganito palagi ang opening program pagkatapos ng semestral break, tradisyon na ito ng university kaya hindi na pwedeng mawala. Mas nagiging masaya din ang opening ng klase dahil sa program na ito.

"Umakyat ka na, sige na Hannah wag ka namang kill joy." Ungot ni Meryl.

Napapailing na naglakad ako paakyat ng stage, hindi ko talaga maintindihan ang trip ng dalawang yun paminsan minsan.

"Good morning students... Pasensya na at kailangan na naman ninyong makita ang mukha ko dito sa stage. Alam ko nagsasawa na kayo sakin, hayaan ninyo next year iba na naman ang tatapak dito."

"Hindi ka namin pag-sasawaan miss president."

"Ang ganda mo talaga Hannah, ang swerte siguro ng boyfriend mo."

"Pakasalan mo ako miss president!"

"Keep up the good work miss president, the student council is ready to support you."

Ilan lang yan sa mga komento na natanggap ko mula sa mga kapwa ko estudyante.

"Anyways, kamusta naman ang sembreak ninyo?"

Napuno ng ingay at tawanan ang loob ng gymnasium sa loob ng kalahating oras. Hindi ko napigilan ang pagsilay ng matamis na ngiti mula sa aking mga labi habang nakatingin sa masasayang mukha ng bawat estudyante.

"Gusto ko lang sanang sabihin. Bilang huling taon ko dito sa paaralang ito. Maraming salamat sa pagsuporta at pagtitiwala ninyo sa akin, sa lahat ng estudyanteng naririto ngayon maraming salamat sa pakikiisa at paglahok sa mga proyektong inilalatag namin para sa eskwelahan." Pumunta ako sa gitna at sinenyasan ang mga kasama ko sa student council na umakyat sa stage.

"Mula sa akin hanggang sa kahuli-hulihang board of director ng student council government, maraming salamat sa lahat. Stay safe at ipagpatuloy ninyo ang pagaaral ng mabuti. See you around the campus. Student council president, Hannahria Crystalline Carson together with the student council committee, now signing off."

Pagkababa namin ng stage ay saka pa kami nagkaroon ng kaunting dramahan. Hindi ko malilimutan ang mga karanasan ko sa paaralang ito. I'm thankful that I chose this university for college, and if I'll go back to the past I wouldn't change my decision of going in this university.

Nag-uusap usap pa kami ng may maramdaman akong kamay na humawak sa pala-pulsuhan ko.

"Hannah, kailangan nating mag-usap." Sabi ng lalaking nasa likuran ko.

Nilingon ko si Alec at malamig siyang tiningnan. Hindi pa ba niya nakukuha ang gusto kong mangyari? Hindi ko alam kung anong ang paguusapan naming dalawa pero tumango nalang ako at sumunod sa kanya.

Dinala niya ako sa dorm room namin, kaming dalawa lang ang tao doon lalo na at halos lahat ng estudyanteng ay nasa gymnasium. Umupo ako sa sofa walang babalang tinitigan siya sa mata.

Ang kulay asul niyang mga mata na parang hinihigop ka papuntang kaibuturan nito. Ang mismong mga matang tinapunan ako ng nandidiri, malalamig at pagkasuklam na mga tingin. Ang mga mata ng pinakamamahal kong asawa.

"Ano ang pag-uusapan natin Alec?"

"Kailangan nating umuwi ng mansion bukas, pinapatawag tayo nila mommy at daddy."

"Ah, talaga ba? Ilang araw daw ba tayo doon?"

"Mga dalawang araw lang naman. Ayusin mo na ang mga gamit na dadalhin mo, aalis tayo bukas ng madaling araw."

"Hindi ako magtatagal sa bahay ng parents mo, Alec. Sasabihin ko lang ang announcement ko pagkatapos ay aalis na din ako. May importante kaming research na gagawin nila Mich at Gio."

"Hannah, ano ba ng nangyayari sa'yo. Hindi ka naman kumukontra kapag may mga okasyon tayong pinupuntahan."

"Pasensya ka na, Alec. Gusto ko sanang pagtuunan ang responsibilidad at pag-aaral ko dito sa university. Graduating na tayo, mas magiging busy nga pala ako sa susunod na mga buwan."

"Teka lang, Hannah!"

Naglakad na ako papunta sa pinto. Pero may sinabi ako sa kanya bago ako umalis sa lugar na yun.

"Let's file an annulment after we graduated. Wala naman patutunguhan ang relasyon natin. After that, lets treat each other like a stranger."

Hindi ko alam kung paano ko nasabi ang mga bagay na yun. Ang tanging alam ko lang ngayon ay gusto ko nang makawala sa relasyong ito sa lalong madaling panahon. I feel empty inside, parang tumigil na sa pagtibok ang puso ko.

Just the thought of setting him free hurts me a lot. Pero kung gusto kong maging masaya at maging masaya din ang buhay niya, yun ang dapat kong gawin.

Kailangan ko siyang palayain para matapos na ang paghihirap ko, kailangan ko siyang palayain para sa ikabubuti ng buhay naming dalawa.

"Hannah? Anong nangyari, bakit ka umiiyak?" Nag-aalalang tanong ni Meryl.

"Mami-miss ko lang ang campus na 'to, ang mga professor at mga estudyante."

Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako. Agad kong niyakap ang pinsan ko at umiyak ako ng umiyak. Wala akong ganang bumalik sa gymnasium at makilahok sa opening ceremony.

Nanghihina akong naglakad papuntang dorm ni Mich, dito muna ako matutulog. Ito naman talaga ang orihinal na dorm room namin ni Meryl noong hindi pa kami nagpapakasal kaya pwede parin kaming matulog dito kahit kailan namin gustohin.

Umalis si Meryl para puntahan si Jacob, I just sneak away from her. Alam kong sasabihin niya kay Jacob ang kinaroroonan ko kung ihahatid pa niya ako at sasabihin ng mokong na yun kay Alec kung nasaan ako. That's the least thing I want to do right now. Gusto ko lang munang mapag-isa at kalimutan ang lahat-lahat ng mga nangyayari sa paligid ko. Gusto ko munang makalimot kahit sandali lang.

I'm Tired of Chasing youWhere stories live. Discover now