Chapter 9: Perseus vs. Andromeda

2.9K 103 43
                                    

Percy's POV

"Pst Isidro."

"Yes King?" lapit naman ni Sid.

"Bigay mo kay Andrey." utos ko sabay abot ng kabundok na pagkain sa kanya.

Kita ko kung paano matulala si Sid sa dami ng pagkaing inabot ko. Lahat kasi ng klase ng ulam na nakalatag dito sa long table ay nilagay ko sa plato at styro.

"Kay Andrey lahat?" hindi makapaniwalang tanong nya.

"Bakit may reklamo ka?" angal ko.

"Oo! Bakit hindi ikaw ang mag-abot sa babae? Nakaupo lang yung chicks dun oh! Kaw ng mag-abot! Paniguradong magkakabalikan kayo!" giit nya.

"Nakikipagbalikan ba ko?!" singhal ko.

"Ay hindi ba?"

"Hindi! Andami mong alam! Basta abot mo na lang!" bulyaw ko kaya dali dali syang tumakbo sa lugar ni A.D.

Narating nya at inabot nya ang mga pagkain sa babae. Bukod dun, ngumuso pa sya sabay turo sa kinaroroonan ko kaya shit! Lumingon pa tuloy si A.D!

Hindi lang yon, double shit! I felt my heart skip cause A.D smiled for me! Sapol! Ito yung ngiting gustong gusto kong makuha sa kanya! Ngiting mas matamis pa kaysa nun kay Sander!!

Kahit puro tapal ng band-aid ang mukha nya, hindi ko maipigilang di matulala. Hanggang ngayon nakangiti pa rin sya kaya ako na ang naunang umiwas ng tingin.

Tragis yan! Kulang na lang sumabog ang mukha ko sa sobrang pula at init!

Tumalikod na ko at dali daling lumayo para malimutan ang mukha nya.


Binilisan ko pa at kabog puso akong pumasok sa RV ko.

"Shit.." bulong ko pagka-upo. Damn you A.D. for making my heart beat this way!

Nahiga na lang ako at pilit na kinalimutan ang nangyari kanina.

Hindi ako makalimot. Hindi ako matahimik. Pakiramdam ko gusto kong bumalik sa akin si A.D.

Im feeling like want her back... I so want our old relationship and I cant afford to see her with some other random guy.

Napaisip tuloy ako kung bakit ba ko nagmamatigas ng ganito. Dahil lang ba sa iniwan nya ko? Ang babaw ko nga naman.

When did I become this frigid? Sanay naman akong suyuin si A.D ah. Bakit ngayon pa ko nagmamatigas?

Then I decided, tama! This should stop! Kakausapin ko na si A.D!

Lumabas ako sa RV at hinanap sya. Agad ko syang namataan at humugot ako ng lakas ng loob.

I talked to myself. "Umayos ka Percy! Si A.D lang yan!" bulong ko sa sarili ko sabay lakad palapit.

Malapit na ko ng mapahinto ako sa paghakbang ko. Teka. Pwedeng mali to. Isip ko.

Im reacting on impulse. Nagpapadala lang ako sa sitwasyon. Kailangan akong magisip. Hindi ako basta basta pedeng makipagbalikan sa kanya.

I remembered my loss and I cant bear to experience it once again. Pag naulit yun, surebol magpapakamatay na ko.

I looked at A.D and I suddenly had this feeling of doubt. Can I trust her still? Sinaktan nya ko ng sobra, paanong magtitiwala pa ko sa kanya?

"King!!" tawag ni A.D ng mapansin nya ko.

Lumapit sya at humawak sa kamay ko.

"King thank you kanina ah. Alam mo bang sobrang saya-"

Darn That Reality Show ( COMPLETED )Where stories live. Discover now