Chapter 18: Magsawa kayo sa ka-dramahan ni King haha

1.4K 65 30
                                    

Author's Note:

Short update lang mga tsong. Thanks :)
--------------------

Percy's POV

Hindi ako mapakali kakaantay. Palakad lakad ako sa labas ng opisina ni Sir Red.

Mula nun nangyari ang insidente, hindi na nya ko hinarap. I know Ive been a jerk but I dont think I should be treated this way. Aba kahit papaano, may pinagsamahan naman kami. He has been my manager for years you know.


Matapos ang sampung taon- I mean mahigit isang oras, bumukas na ang pinto. Lumabas ang sekretarya ni Sir Red at sinenyasan akong pumasok.

"You may now come in Sir." aniya kaya nakahinga ako ng maluwag.

God. And I really thought he wouldnt talk to me. Sobrang effort na ngang makapunta dito, dapat lang makausap ko sya kahit papaano hindi ba?

Tumayo ako at pumasok sa opisina nya.

"Sir.." panimula ko ngunit wala syang reaksyon. Nakaupo lang sya at nakatuon ang atensyon sa pagsusulat.

Umupo ako sa harapan nya at bumuntong hininga.

"Cmon. Talk to me." pagpupumilit ko kaya itinaas nya ang tingin nya.

"Im breaching our contract. I cant handle you anymore." matigas na sagot nya.


"Alam na alam ko at obvious na naman pero hindi ako nandito para pagusapan ang trabaho ko."

"Then what?" supladong sipat nya.

"I know Im not in the position to ask for favors, pero may hihingin sana ako. Huli na to kaya please pagbigyan nyo na ko."

"Ano ba yan?" iritang tanong nya.

"I need you to organize a presscon for me."

"What for King? Bubuhayin mo pa ang issue. Just let this pass at makakalimutan ka din ng mga tao."

"Sir." madiin na sagot ko. "Hindi ako magpaparess con para sa career ko. Hihingi lang ako ng tawad sa mga tao. Lilinawin ko lang ang lahat. Itutuwid ko ang mga mali ko. Hayaan nyo kong linisin si A.D please. I want to come clean. Pinapangako ko na pagkatapos nito, hinding hindi nyo na ko makikita." pagmamakaawa ko kaya napabuntong hininga sya.


Napahilot sya sa sintido nya at napatingin sa akin.

"Im guilty.." sabi nya sa wakas.

"Ha?" pagtataka ko.

"Nanahimik ako pero hindi ko inakalang aabot sa ganito." paglilinaw nya. "I want to come clean too. May kasalanan din ako."

"Ano po bang-"


"That night Andrey broke up with you.. its because of me..."

"Ano?!" gulat na reaksyon ko. "May relasyon kayo? Takteng yan! Kelan pa pumatol si A.D sa matanda!!" bulalas ko kaya asar akong binato ni Sir Red ng kahit anong madampot nya sa lamesa nya.

"Aray!!"

"Umalis ka na kaya?!"


"Relax!" taas ko ng kamay ko kaya bumwelo sya para magpaliwanag ulit.

"Nung panahong hirap na hirap kayong pamilya.. mas pinili ni Andrey na bitawan ang relasyon nyo para makaahon kayo."

"Ano? Hindi ko maintindihan-"

Darn That Reality Show ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon