Chapter 12: Ceasefire dahil Holy week. Chos!

2.5K 98 17
                                    


A.D's POV

Literal na nalaglag ang panga ko sa pagpapalayas sa akin ni Percy.


"WTF??!!" tanging nasabi ko sa sarili ko.


Ano yun? Ganun ganon na lang?! He made me his goddamn assistant tapos biglang ayaw na nya kong makita?! Oh cmon! What the hell!!

I shook my head in denial. Hindi! No! Never! Hindi ako makakapayag na matatapos ang lahat ng paghihirap ko sa ganito! I will not let Percy go! I will definitely not repeat my same damn mistake ever again!!

Napaisip ako at naalalang binigyan nya ko ng hanggang bukas. It means I still have until tomorrow to change his mind.

Magdamag akong hindi natulog kakaisip ng plano kung paano mapapabago ang isip ni Percy. Andami kong naisip. Naisip kong patulugin sya gamit ang sleeping pills, lagariin ang paa nya para di makapaglakad at iumpog ang ulo nya hanggang magkaamnesia.

Naabutan na ko ng pagsikat ng araw kaya wala na kong nagawa kundi ang bumangon. Lumabas ako ng kwarto at nakita si Percy na syang natutulog sa sofabed.


Dont tell me this is the advantage of my last night? Ang matulog sa kama?Ang bait ng kumag hindi ba?

Dinaanan ko sya at dumiretso sa kusina. I started to cook so Percy had woken up.


"Anong ginagawa mo? Di ba sinabi kong ayaw na kitang makita?" lapit nya.

"You said I have until today. Ibig sabihin may oras pa ko. " sagot ko ng pabalang.

"Kung gayon ako na lang ang aalis." aniya kaya matapang kong inihinagis ang kutsilyo na bumaon sa pader sa taas ng ulo nya.

"Fck Andrey! Bubutasin mo ba ang bungo ko?!" bulyaw nya.


"Bubutasin ko kung yun lang paraan para mapirme ka sa unit na to!" hiyaw ko pabalik.

"Alam mo.." lakad ko sabay hugot sa kutsilyo na nakabaon sa dingding.

"Tutal papaalisin mo na lang din ako, di ko na kailangang magtimpi! Hanggang ngayon na lang ako kaya ako ang masusunod! Pag sinabi kong walang aalis, WALANG AALIS!!" sigaw ko kaya natameme sya.


"Crazy woman!" sagot nya sabay talikod at punta sa kwarto nya.

I just exhaled to lower the blood that rushed to my head. Alam ko nagmukha akong may saltik pero di ako makakapayag na itong nagiisang araw ko ay masasayang. Hanggat may paraan, gagawin ko!

Nagluto ako ng napakaraming putahe hanggang sa abutan ng tanghalian. Ngayon wala na kong pakialam sa laman ng ref nya. Inubos ko ang dapat ubusin.

I plan on making me stay by letting him know my importance. Siguro pag napagtanto nya ang kahalagahan ko, manghihinayang syang pakawalan ako.

Naligo ako at nag-ayos bago ihatid ang mga pagkain sa kanya. Hindi na ko kumatok at dire-diretso na lang na pumasok sa kwarto nya.

Nilapag ko ang tray sa kama ngunit tinitigan lang nya.

"Ano to?" sipat nya. "Ito ba ang balak mo kaya di mo ko pinaalis? Ang lutuin lahat ng laman ng ref at purgahin ako?!"


"Oo! Ngayon ubusin mo yan bago kita ulit hagisan ng kutsilyo!!" duro ko gamit ang sandok.

"At pag naubos ko, aalis ka na ba?!" tugon nya na nagpatahimik sa akin.

I suddenly felt hopeless. Pakiramdam ko balewala lahat ng ginawa ko. It feels like what I did and plan on still doing will not change his mind.

Darn That Reality Show ( COMPLETED )Where stories live. Discover now