Chapter 13: Step One of Turning Back

2.2K 80 17
                                    

Percy's POV

"Yung totoo King? Hindi kayo ni Andromeda?!"

Tumingin ako sa kaklase kong chismoso at ngumiti ng mapait. Sige lang, sagarin mo pa ko. Nakita na ngang may jowa yung tao, nagtatanong pa.

"Nak ng buwaya King! Ano ba?! Taga Showbiz ka nga talaga!! Sagutin mo na lang!!"

"Nak ng buwaya ka din! Obvious ba na hindi! Isasampal mo pa sa akin eh!" hiyaw ko.

"Weeh!"

"Magtatanong tanong ka tapos hindi ka maniniwala! Pakamatay ka na lang kaya?!" apela ko.

"Eh paanong hindi ako maniniwala?! Halos magpalit na kayo ng mukha sa sobrang close nyo sa isat isa. Ano yan? Trip lang ang closeness nyo?!"

"Narinig mo na ba ang mga salitang Childhood friends at Friendzone?! Ito ang perfect sampol!!"

"Pero gusto mo yung babae?"

"Marco! Yun totoo?! Showbiz reporter ka ba? Commercial model lang ako! Hindi ako sikat!! Wag mo kong gisahin!"

"Jusmiyo Percy!!"

"Alright! Sige na! Sige! Gusto ko si Andromeda! May tama ako sa kanya! Masaya ka na?!"

"Ayun naman pala eh! Edi sabihin mo!"

"Basted na ko Marco! Baka di mo ba nahahalata?! Ayun yung boypren nya oh!!" sipat ko sabay nguso kay A.D at Sander.

"Kala ko ba childhood friend ka! Papabor sayo yan! Close kayo eh!"

"Kahit kaibigan ako, buhay yan ni Andromeda! Kung saan sya masaya dun na lang ako!"

"Eh paano naman ang kasiyahan mo? Ilang taon ka na bang ganyan? Sampung taon? Labing isa? O Labing lima?!"

"Nasasabi mo lang yan kasi wala ka sa sitwasyon ko. Kung ikaw sa lugar ko, wala ka ding magagawa."

"Edi sulutin mo na lang. Yung iba nga jan binubuntis para wala ng ayawan-"

"Marco!"

"Fine! Rape!"

"Ano ba!"


"Fine! Halikan mo na lang!!"

"Ewan ko sayo!"

"Mas ewan ko sayo! Mahina ka! Weak!" huling bulyaw nya sabay tayo at iwan sa akin.

Nailing na lang tuloy ako at muling tumitig kela A.D at Sander. Sulutin ba? Sounds cruel but I know Marco has a point.


Paano nga naman ang kasiyahan ko? Then I thought, pag naging kami ni A.D, pasasayahin ko rin naman sya. Walang talo. Pedeng pareho kaming magiging masaya hindi ba?

Tumayo na rin ako at di nagtagal lumapit sa dalawa.

"Excuse lang ha." banat ko kay Sander sabay upo sa tabi ni A.D.

"Ehem! Thesis!" parinig ko sa babae.

"Ha?" takang lingon nito.

"Thesis!" ulit ko sabay kurot ng mahina sa tagiliran nya.

"Aray naman! Pakialam ko! Mas importante to!" reklamo nya.

"Ah ganon?! May sardinas sa bahay!"

Darn That Reality Show ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon