Chapter 26: A King's Downfall

1K 44 27
                                    

A.D's POV

Pakiramdam ko namatay ako sa pangalawang pagkakataon.

Pakiramdam ko nawala nanaman ang huwisyo ko... nawala nanaman ang gana kong magpakita ng emosyon.

I felt like a total loser. Yun tipong ang saya saya ko na sana pero wala akong napala sa huli. Yung tipong nanalo na sana ako sa lotto pero pumalya ang huling numero.

What Percy had said hit my soul bigtime. Ngayon ko lang natanggap. May punto ang pakiusap at rason nya. Ang pinagtataka ko lang, bakit hindi ko binaba ang sarili ko kanina? Bakit nagmatigas pa ko?

I stood to what I believe in. Ako lang ang naging tama sa paningin ko at hindi ko man lang sya nagawang pakinggan.

Nilingon ko si Sander at nakatingin na pala sya sa akin.

Sadly, his face shows pity. Puro awa ang nakabakas sa mukha nya.

He wished for my happiness and yet, I failed him. Dinala nya ko kay Percy pero wala akong naayos.

Lumapit sya ng upo sa tabi ko at bigla na lang akong niyakap.

Pakiramdam ko nabuksan nya ang puso kong namanhid kanina.

His hug is comforting. Yung para bang ang sabi nito eh: Sige lang, iiyak mo lang.

Bumigay na nga ko at tuluyan ng umiyak.

"Sorry.. sorry.." iyak ko sa kanya.

I don't know why Im saying sorry to him. Marahil siguro di ko nasabi kay Percy kaya sa kanya ko sinasabi.

Akala ko ubos na ang luha ko kanina ngunit marami pa pala.

Hindi ko alam kung ilang oras na kong umiiyak. Marahil kung ilang oras ang byahe ng Maynila papunta sa probinsya nila Percy, ganon katagal.

Huminto na ang sasakyan matapos ang maraming oras at napabuntong hininga na lang ako. Pinipilit kong tumahan dahil nandito na ako sa amin.

Im now back in my parent's house.

Sa totoo lang gusto kong sisihin ang mga magulang ko at sabihing sila ang may kagagawan sa lahat ng nangyari sa amin ni Percy pero wala akong gana.

I think Im broken enough. Marami na kong kaaway. Ayoko ng madagdagan pa.

Nagpaalam si Sander at sinabing magpahinga muna ako. Tawagan ko lang daw sya ano mang oras basta kailangan ko.

I now entered and saw my Mom and Dad in the Living Room. I looked at them and suddenly my frustrations are gone.

Napagtanto kong Magulang talaga sila. Ngayon lang ako naliwanagan. Parents will get mad at their children but they will never forsake them.

Kung anong nangyari sa amin.. sa akin.. kung anong nagawa nila kay Percy, alam kong para sa akin yun. Ako pa rin ang nasa isip nila hanggang sa huli.

And besides, binigyan din naman nila ako ng kalayaan. Siguro nga tal°gang hindi lang kami ni Percy para sa isat isa.

Maybe its not always Queens are meant for Kings. And maybe Perseus and Andromeda cannot be destined for real. I mean they're a myth right? Who would believe they can be real?

Grabe na ang pagkabitterness ko isip isip ko. Kahit pangalan namin, napagdiskitahan ko na.

Napansin ako ng mga magulang ko na nakatayo sa gilid kaya tinawag nila ako.

Darn That Reality Show ( COMPLETED )Where stories live. Discover now