Episode 2: Present

2.9K 112 20
                                    

A.D's POV

Ako na ang mukhang gangster habang binabaybay ang hallway papunta sa opisina ng Presidente slash CEO slash COO ng network na to.

I reached his doors and violently opened it.

I scanned the room and oopsie.. There are at least 12 people inside and they're having a meeting.

Lahat sila sabay sabay na napalingon para tumingin sa akin.

Oh God, this is embarassing! Dahan dahan akong umatras dahil sa kahihiyang nagawa ko. Nasobrahan ata ako ng self confidence! Walang hiyang energy drink yon!

Isasara ko na sana ang pinto ng magsalita ang Presidente.

"Yes? Miss uhh..."

I looked at him and he's around in 60's I think?

Nag-isip sya at binulungan sya ng katabi nya. I shifted my eyes to him too and-

Ah! I know him! He's the Chief Financial Officer!

"Ah!" palakpak ng CEO at senyas sa akin.

"Queen Andromeda Santorca!" dugtong nya kaya napabuntong hininga na ako. Now, he knows my name. I pushed open the door and entered the room once again.

"Yes and im sorry sir. Babalik na lang po ako. Sorry ulit." pahayag ko kaso umawat sya.

"No.. No its okay.. you interrupted us anyways. May problema ba?" takang tanong nya kaya humugot ako ng lakas ng loob.

Jusko! Naglakas loob akong humarap sa Presidente kaya dapat panindigan ko!

"Uhh.. Well, I was about to go for the Chairman but then naisip kong dapat sa Presidente muna hindi ba?" panimula ko para obserbahan ang reaksyon nila.

"Yes.. Go on.." aniya kaya tumango ako.

"So going back, I am here to cancel all my commitments in this network. Bukod dun, nandito rin po ako dahil itatanong ko lang po sana kung ano ang mga dapat kong ipasa at kung magkano ang penalty-"

"Bakit ka aalis?" sabat nya.

"Uhh.. well--"

"Just tell your honest reason." sabat nya ulit kaya napabuga ako ng hangin.

"Well, honestly its because of the people here... the people here in this management have been mistreating me and I cant take it anymore. Di ako makatulog gabi gabi dahil-"

"Why are they mistreating you? Have you done something wrong?" kunot noong tanong nya kaya napakamot ako sa ulo ko.

Shoot! Paano ko ba sasabihing ako ang nagpabagsak ng network na to?!

Pasagot na sana ako ng bulungan nanaman sya ng katabi nya.

He nodded, joined his hands together and rested his chin on it.

"So iha.. youre that actor's girlfriend.. King Perseus Monte Carlo's?" tanong nya kaya tinama ko.

"EX Girlfriend." emphasizing the word EX.

"You left him and he pulled out his projects here?"

"Yes, kasi bitter sya." pilosopong sagot ko.

"And he encouraged all the other artists to leave and join him onto the other network as well?"

"Well.. Mga tropa nya yun.. so malamang sasama sila."

"Hay.." buntong hininga ng Presidente at sandal sa upuan nya.

"Miss Andromeda-"

"Andrey na lang po."

"Miss Andrey, to tell you the truth, ang pinag-mmeetingan namin ay ang pagsasara at pagbebenta ng network na to."

"Whaat?!" gulantang na tanong ko.

"Yes. In short, di mo na kailangan mag-resign. Also, di lang ikaw ang mawawalan ng trabaho dito kundi tayong lahat. And with that I stated, I think your penalty for the breach of contract will be unnecessary."

"Whaat?! Youre closing down this network?!" hiyaw ko para klaruhin ang lahat.

"Yes. Nalulugi na tayo. Wala ng tayong Operating income, wala ng Net income, wala ng assets, wala ng-"

"Shit!" mura ko kaya sinita ako ng isang matandang babae.

I looked at her and I recognized her as the Head of the Network's Licensing.

"Watch your words. We dont tolerate foul language here." aniya.

"Im sorry.. im just so shocked.." sabi ko na lang.

"I mean Ive known a lot of people here.. I mean Mang Tonio had been working here as a janitor for 20 years and he has 5 grandchildren. Anong papakain nya sa mga apo nya? Aling Marta has a son suffering from Polio.. how can she--"

"Wag mo silang isipin. Businesses fall.. maiintindihan nila." ani ng Presidente.

"Hindi hindi.. you don't get me.. its my fault right? Naririnig ko naman lahat ng empleyado dito.. pinag-uusapan nila ko.." pahayag ko at saktong napayuko naman sila.

"Cmon! Say it to my face! Ako ang may kasalanan diba?!" sigaw ko na.

"No iha. Its not your fault." pahayag ng Presidente kaya nailing ako.

"Just say it! Mas matatanggap ko kung aaminin nyo ng harap harapan!"

"Hindi nga-"

"I SAID JUST SAY IT!!"

"FINE! ITS YOUR GODDAMN FAULT!" sigaw nya sa wakas kaya napaluhod ako. Napatapal ako ng kamay sa mukha dahil sa pangingilid ng luha.

Damn. Even the President hates me! Ive fallen at isinanama ko pabagsak ang maraming tao.. Im such a despicable creature!

Lumapit sa akin ang CFO at tinapik ako sa balikat.

"Well iha. May tinatawag tayong one last chance." pahayag nya kaya napaangat ako ng tingin.

"Po?"

"Hear this out. King Monte Carlo's contract to the rival network expires today. Kung mapapapirma mo sya satin then maybe... just maybe.. all our asses might be saved right? What do you think?"

Inisip ko lahat ng sinabi nya at napakagat ako sa labi ko.

So he's saying na kung mapapapirma ko si Percy, masasalba ko ang lahat. Ganoon ba?!

Tumango tango ako at tumayo mula sa pagkakasalampak.

"Alright! Bring it on!" sigaw ko kaya nagpalakpakan silang lahat.

Inabot nila sa akin ang Terms and Contract na dapat pirmahan ni Percy at katakot takot na Good Luck ang natanggap ko.

Lumabas na ko ng opisina at saka lang ako napafacepalm.

I tried sinking everything in at ano ba yong pinasukan ko?! Why did I say yes?! Of course Percy would say NO!

Napasabunot na lang ako sa buhok ko! It seems like kahit sabihin ko pa ang mga salitang "Aja!" at "Fighting!" siguradong sa kangkungan pa rin kami pupulutin!

Lord Help me! Kahit buhay ng Presidente kargo ko!!

Darn That Reality Show ( COMPLETED )Where stories live. Discover now