Chapter 16: Sander Del Rio

1.4K 65 14
                                    

Author's Note :

Sorry sa delayed kong utak huhu. Ito na! Haha!
-------------------------

Percy's POV

"Sh*t! Putragis! Sh*t! Pakshit! Sh*t!"

Napayuko na lang ako sa sandamakmak ng pagmumura ni Sir Red. Kotang kota na sya sa totoo lang.

Galit na galit sya dahil sa nangyari kanina. Ni hindi ko alam kung anong pinuputok nya. Sa nasunog na building ba, pagkaka-ICU ni A.D. o dun sa nasabi ko sa media.

He's so mad that I know he want to skin me alive right now.

"Everything was all your goddamn fault King! Lahat lahat ito!!" lapit nya sabay kwelyo sa akin.

"Youre one selfish, cold hearted, immature-"

"Sige Sir Red! Tuloy nyo!" sabat ko. "Sapakin nyo ko! Bugbugin nyo hanggang sa makontento kayo!" sigaw ko kaya tuluyan na nga nya kong sinuntok.

"Wala pa yan King! Kung pede ko lang basagin yang pagmumukha mo, binasag ko na!!"

"Sige!" hiyaw ko pabalik. "Ganyan kayo kasi wala na kayong pagkakakitaan diba? Yun naman ikinagagalit nyo hindi ba?! Wala na kong career at wala na kayong pera!!" sigaw ko at nakita ko kung paano manggigil ang panga nya sa galit.

Sinapak nya ko ng dalawang beses pa. Gusto pa sana nyang magwala kaso pinakalma nya ang sarili nya.

"Wag mo kong sagarin King! Wala kang alam!" duro nya.

"Ikaw ang walang alam! Ano bang problema mo?! Pera diba?! Diba?!"

"Pera?! Yun ba ang nasa isip mo?! Wala ka bang pakialam kay Andromeda?! Ano sa tingin mo ang kalagayan nya ngayon? Kasalanan mo to!"

"Kasalanan ko?" apela ko. "Ako ba ang nagsunog ng building? At pakialam mo kay Andromeda ha?! Kami ang nagkasama buong buhay kaya ako ang mas nakakilala sa kanya!"


"Wala ka talagang alam King! Antayin mo ang resulta ng imbestigasyon. Tignan natin kung hindi ka patayin ng konsensya mo!" huling bitaw nya ng salita at iniwan nya ko sa kwarto.

Shit. Napaupo ako pagkatapos.

Nagsama sama na ang lahat. Galit, pagaalala, pagtataka. Hindi ko na kaya ang ganito. Parang sasabog ang puso ko.

Hinugot ko ang dextrose na nakabit sa akin at lumabas ng kwarto ko.

"King! Bumalik ka sa higaan mo!" awat ni Sid na nakaabang sa pinto pero di ko pinansin.

I need to go to A.D. Now.

Hinahanap ko ang ICU para makita ang kalagayan niya. Si A.D ang mahalaga ngayon at wala ng iba.

"Nurse.." lapit ko sa nakasalubong ko. "Nasaan yung pasyente dito kanina?" tanong ko pero pagalit nya kong tinignan mula ulo hanggang paa.

Inirapan nya ko at umalis ng hindi man lang sinasagot ang tanong ko.

Hindi na ko magtataka kung bakit ganun ang inasta nya. Malamang buong Pilipinas galit sa akin.

Yung sinabi kong kinulong, pinosas at kinadena ko si A.D.. kulang pa ang galit nila. Kung damputin ako ng mga pulis ngayon, hindi ako manlalaban.

Iniisa isa ko na lang ang pangalan ng mga kwarto hanggang sa makita ang pangalang A. Santorca.

Pumasok ako at halos mapaluhod sa nakita ko.

Darn That Reality Show ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon