Chapter 20: Beast Mode pa more

1.2K 46 15
                                    

Author's Note:

I'm baaaacckkk!!!
------------------------------------

Two Years Later.

Percy's POV

"Kuya! Oyy Kuya!!"

Natauhan na lang ako sa hampas ng mga dahon sa mukha ko.

"Ano ba?!" iritang sipat ko kay Argos.

"San nga kasi to idedeliver?! Kanina pa ko tanong ng tanong eh!" turo nya sa sandonesang basket ng Dalandan.

"Isakay nyo dun sa truck papuntang Maynila! Sinabi ko na yan kanina eh!" hiyaw ko at sinimangutan lang nya ko.

"Lagi na lang Beast mode." rinig kong bulong nya habang papalayo sa akin.

Nailing na lang tuloy ako sa ugali ng batang to. "Leche to." isip isip ko.

Nagpakawala na lang ako ng buntong hininga at tinanaw ang lupang naipundar ko dalawang taon na mula nung mga nangyari.

Yes. Two years had passed.

Dalawang taon na mula ng kunin si A.D sa akin at dalawang taon na din mula ng iwanan ko ang pag-aartista.

Binenta ko kung anong merun ako at ibinuhos ang lahat para bilhin ang lupang to na nasa isang malayong probinsya.

I just decided to run an orchard slash farming business. Aba kahit wasted ako, di ko naman hahayaang magutom ulit ang pamilya ko.

Gayunpaman, mas pinili ko na dito. Isang tahimik at malayo sa nakasanayan kong buhay.

No regrets since the business is good. Ang tanging pinagsisihan ko lang ay ang pagsuko kay A.D.

Oo. Duwag na kung duwag pero di ko na rin tinangkang bawiin sya sa mga magulang nya. Naisip ko na lang, Oh Nabawi ko ulit. Paano naman ako makakabawi sa mga nagawa ko?

Better live our separate lives ika nga.

Pero kahit ganun, walang araw na di ko sya naisip. Lagi akong natutulala kakaisip sa kanya totoo lang. Hindi na rin ako makausap ng mga tao. Ewan ko lang kung nasa utak pa nilang lahat ang mga nagawa ko o takot lang talaga sila sa akin at baka masigawan ko.

Sabi nga sakin ni Argos. Si Beast mode.

Jusko. Magiging matandang lalaking masungit na ata ako. kusot ko sa mukha ko ng lapitan ng nanay ko.

"Anak, tulala ka nanaman."

Nangisi na lang ako at nagkibit balikat.

"Forever na ata akong ganito." biro ko kaya piningot nya ko sa tainga.

"Ikaw talagang lalaki ka! Ang bata bata mo pa! Wag mong sayangin ang buhay mo! Wag mong parusahan ang sarili mo! Maging masaya ka!"

"Joke ba yan Ma?" sagot ko. "Wala akong karapatan maging masaya. Naalala nyo ba ang mga nagawa ko? Inaantay ko na nga lang ang burol ko eh!"

"Wag ka namang ganyan anak! Matagal na mula nun nangyari sa inyo ni A.D. Nakalimutan na yun ng lahat! Wag kang maging marahas sa sarili mo!"

"Ma, anong nalimutan?" depensa ko. "Nakauupload kaya sa YouTube! Jusko ang daming views at puro bashers pa ang nagcocomment!" sagot ko kaya natahimik sya.


Nailing na lang ako at pabiro syang siniko.

"Hayaan nyo na ko Ma. Kaya ko ang sarili ko." paliwanag ko kaya ngumiti sya ng pilit. Tinapik na lang nya ko sa balikat at iniwan na.

Darn That Reality Show ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon