Chapter 11: Santol

2.4K 110 19
                                    

A.D's POV

"Takteng buhay to oh." bulong ko habang nakasapo ang noo gamit ang palad.

Tatlong araw na mula nun out of town taping at wala pa ring nararating ang pagpapa-cute ko. Wala na ngang progress, wala pa kong ibang magawa kundi ang makipagtitigan sa pader na to.

"Hi pader." tanong ko dito. "Musta na you? Ha? Ano? Kamustahin ko yun halaman?" dugtong ko sabay tingin sa halaman sa gilid.

"Tse! Alagain ka!" sipat ko sa nananahimik na paso.

"Haay." napabuntong hininga na lang ako sabay dungaw sa bintana ng mataas na condo building na to.


"Walanjo talagang buhay to. Malala pa ko kay Rapunzel na nakakulong sa mataas na torre ah." sabi ko sa sarili ko sabay tingin sa braso ko.

"Shems, ang puti ko na kakakulong sa airconditioned room. Talo ko pa ang naglaklak ng glutathione teh." kausap ko pa sa sarili ko kaya napasabunot na ko sa buhok ko.


Hala! Anong nangyayari sa akin?! Maluwag na yata ang turnilyo ko! Hindi ako makapaniwalang kinakausap ko ang sarili ko!! Naloloka na ko sa depresyon!!

Hindi na ko nagisip isip at tumayo ako para lumapit kay Percy na kasalukuyang nagkakape at nagrreview ng script.

"Uhh.. Hi!" kaway ko pero di man lang sya nag-angat ng tingin.

"Hi King!!" ulit ko pero dedma pa rin ang inabot ko.

"HI KING SABI EH!!" pangatlong tawag ko kaya padabog na nyang ibinaba ang binabasa nya.

"Ano?!" galit na sipat nya.

"Uhh.. ano kasi.."

"Ano ba?!" pagtataas nya ng boses.

"Uhh.. Pwede ba kong lumabas?" pagpapacute na tanong ko.


"Tsk. No." mariing sagot nya.


"Why?? " apela ko.

"Shut up Andrey. Ayoko ng makulit!!"

"Percy naman!"


"I said shut up!"


"Percy-" magpupumilit pa sana ako ng may magpipindot sa doorbell.


Sabay kaming natigilan ngunit sya na ang tumayo.


"Ako ang magbubukas, tumabi ka diyan." sipat nya kaya wala akong nagawa.


Binuksan nya at nakita ko ang gulat sa mukha nya. Nagtaka ako kaya lumapit ako.

"King sino-" tugon ko pero hinigit nya ko sa braso. Bukod dun, padabog din nyang isinara pabalik ang pinto.

"Oy ano ba!" reklamo ko pero ipinasok nya ko sa isang kwarto at ikinulong.

"Percy!!" katok ko at inihampas nya ang pinto pabalik.

"Be quiet or else I will lock you until tomorrow!" bulyaw nya kaya nanahimik ako.


Shems ayokong makulong hanggang bukas noh. Wala na kong nagawa kundi ang maupo sa kama nya at mag-antay.


"Sino ba kasi yong nasa pintuan?" tanong ko sa sarili ko.

Inilapat ko ang tainga ko sa pintuan ngunit wala akong marinig.

"Tsk." maktol ko sabay balik sa kama para mahiga.

---------------

Percy's POV

Darn That Reality Show ( COMPLETED )Where stories live. Discover now