[Chapter 42]:His not okay

233 5 0
                                    

Shara Pov:

" Yanson thank you for the wonderful Lunch ". Agad kong pasasalamat matapos niya akong pagbuksan ng pinto. " Wala yun, I enjoyed it. So paano baby I have to go? ". Paalam niya. " Di ka ba papasok muna sa bahay? ". Alok ko pero umiling siya. " I want too sana kaya lang mayroon pa akong aasikasuhin e. Babawi ako next time baby. Pero sa ngayon I have to go ". Bumeso siya sakin tapos Kiss sa cheeks.

" Drive safely Yanson at tsaka Sorry ulit ". Tumango naman siya. " I will baby thank you (Wink*) ". Babagya akong napangiti sa pagkindat niya. Sinimulan niyang patakbuhin ang kotse niya sabay busina. Ako naman ay tumalikod na sabay pasok sa loob ng bahay. Wala akong naabutan ibang tao maliban lang kay Kuya Shekel kay kina Manang.

Hindi pa din nakakabalik sila Mommy. Madali lang dapat sila kasi saglit ang byahe mula bantangas. " Ang agap niyo ata? ". Salubong agad sakin ni Kuya. Tumingin ako sa wall clock namin at ala sais na ng gabi. Naku po yari na sana huwag niya akong sermonan. " Nopasarap pamamasyal Kuya e sorry na ". Niyakap ko siya agad upang maglambing.

" Wait saan ka pupunta aber? ". Kumalas ako sa pagkakayakap ko sa kaniya. Pinameawangan ko siya sabay taas ng isang kilay. " May lakad lang kami nila Yanson! ". Tugon niya. Ah so ito pala yung importanteng aasikasuhin ni Yanson. Aissshhhh boys talaga. " Kuya pauwi na sila Mommy kaya dapat huwag ka ng umalis ". Pag pigil ko sa kaniya.

" Sandali lang kami tsaka babalik din ako agad. Manang I have to go na po! Shara don't leave dito ka lang sa bahay! I'll be back ". Malamang babalik ka pero anung oras. Hindi ko siya naawat pa. Kailan ba ako nanalo sa kaniya. Umakyat na muna ako sa kuwarto ko bumungad agad sakin si Shavix na gising at nilalaro ang mini squishy bone toy niya.

Kumpleto sa gamit si Shavix nang iregalo siya sakin ni Sevix at speaking of. Simula nang matapos ang Christmas party di na siya nag paramdam. Di kaya pinagsisihan na niya ginawa niya nung gabing yun o di padin niya malimutan kagaya ko at naalala pa din ito hanggang ngayon.

Naupo ako sa gilid ng kama ko kasi deadma lang naman ako kay Shavix. Busy siya sa paglalaro. Binuhay ko ang phone ko at saktong naiisip ko siya ay limang magkakasunod na text message ang natanggap ko sa kaniya. Bali sampo kasi tiglima sa sms at messenger.

Bubuklatin ko sana para basahin kaya lang tinatamad ako. Tsaka panigurado e mangungulit lang siya at baka kakamustahin niya lang si Shavix. Kaya ang ginawa ko pinabayaan ko ang phone ko na nakaon lang pati WiFi tapos abala na akong pumasok sa cr upang maglinis ng katawan ko at mag aayos ng pantulog. Nag half bath lang ako kasi sobrang kami.

After cleaning myself at magpalit ng damit humarap ako sa salamin para magsuklay. Smooth and soft naman buhok kaya madali lang nasuklay kahit mahaba. (Cring* Cring* Cring*) biglang tunong ng phone ko. First ring diko sinagot, second, third, forth, fifth, sixth, seventh, eighth, ninth and teth hanggang sa makalabing apat siyang bago ko sinagot kasi nakakairita na.

" Hello? ". Sagot ko sa tawag ni Sevix. " Ehem! H-honey a-asa-san ka? ". Medyo bulol niyang tanong. Bakit parang may sakit siya sa tono ng pananalita niya. " Sevix okay ka lang ba? ". Tanong ko. " S-shara he-hel-lp!!!! ". Pakasabi niya nun narinig ko na lumagapak na ang phone niya sa sahig kaya di ako nagatubiling bumaba sa sala. " Bunso anu mayroon nagmamadali ka ata? ". Ungkat ni Manang ng makita niya ako. " Manang si Sevix! ".

Hindi ko na hinintay pa ang sagot ni Manang. Walang pakundangan ko siyang kinaladkad sa katapat bahay namin sino pa ba edi sila Sevix. " Bakit anung nangyari kay Sevix? ". Tanong niya ng nasa harapan na kami ng gate nila Sevix. " Hindi ko din po alam Manang e. Manang ayaw sumagot! ". Door bell ako ng door bell pero walang nakakapansin.

" Ma'am Shara pasensya na po! ". Sambit ni Manong Guard na bagong dating lang. " Pasok po kayo! ". Wika pa niya. Agad kaming pumasok at ipinagtanong ko kaagad si Sevix kung nasaan. " Dito po ma'am Shara. Pasaway nga po e. Ang sabi po namin sa kaniya e dadalhin na namin siya sa doctor kaso nagagalit po siya. Ayaw niyang sumama at pumayag ". Hagas na kuwento ng isa sa mga maids nila Sevix.

Akin Ka Na Lang Please!!! (Ezadera Series) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon