[Chapter 37]:Sevix Confession!

324 8 1
                                    

Shara Pov:

Today is Saturday, gusto niyo pa bang ikuwento ko sa inyo nangyari kahapon. Sige kaso tinatamad ako lalo na wala lang naman ginawa ang dalawa ni Yanson at Sevix kundi magpaligsahan nga. Tinotoo ni Sevix ang mga sinabi niya. Handa siyang makipaglaban kay Yanson para sakin.

Which is di ko naman sila sinang-ayunan. Bahala sila sa mga buhay nila. Ngayon nga ay nanahimik ako sa bahay. Pinagmamasdan ko si Kuya Shekel na grounded pa din hanggang ngayon. Naalala niyo yung promise sakin ni Kuya Shanon na ikukuwento niya ang nangyari kay Kuya Shekel kung bakit may pasa ito. Ayun naudlot kasi di umuwi si Kuya Shanon. Nag over time siya sa company at for sure sa condo niya siya natulog.

" Alam ko ng gwapo ako kaya huwag mo na akong titigan! ". Napairap ako bigla sa sinabi niya. Assumero din isang ito. " FYI Kuya Di kita tinititigan. Curious lang ako diyan sa pasa sa labi mo! Kailan ka pa naging bulakbol ha? ". Iniwas niya ang mga tingin sakin at nag focus sa paglalaro ng PS4 sa TV dito sa sala. " Di ako ganun! ". Sagot niya.

" E napaano nga iyan kung di ka nakipag bugbugan.... nag attend ka lang ng gig niyo nangyari na yan.... Siguro isa yan sa mga jowa ng mga babae mo anu! Sinasabi ko na may kahihinatnang di maganda pagiging play boy mo! ". Wika ko na di niya pinapansin. Ganda niya kausap. Binalot kami ng katahimikan ng mga ilang segundo.

" Mabuti nga sana kung lalaki gumawa nito napatulan ko pa, bwiset! Umaawat na nga lang ako nadamay pa. That crazy freaking bitch! Tsk! ". Iritado niyang kuwento. Wait! So it means babae nakasapak sa kaniya. Nang mag sink sa utak ko ang narinig ko humagalpak ako sa pag tawa na ikinatingin niya sakin habang nakakunot ang noo.

" Sabi ko na pagtatawanan mo lang ako like Kuya Shanon and others. Pare-pareho kayo tsk.... ". Iritado pa din niyang sambit. Ako naman e walang pakealam kung mag usok ang ilong niya sa inis dahil pinagtatawanan ko siya. " Gosh Kuya, sinuntok ka ng babae HAHAHAHAHA Grabe! Isang breakdown yun para sa Shekel Valtocris! ". Iniriin ko yung full name niya.

" Stop it Shara hindi nakakatuwa. Puwede ba kinakalimutan ko na nga lang diba! ". Suway niya sakin pero di ako huminto. " So ang totoo hindi ka talaga grounded kasi kaya ka hindi pumasok dahil alam mong kakalat sa nation wide ang nangyari sayo dun sa gig mo! That's so embarrassing for Shekel Valtocris! ". Asar ko pa.

" Wala ka na dun. Diko nga pinakealam buhay mo ng ligawan ka ni Yanson e. Balita ko hinarana ka niya kahapon na tinutulan naman ni Sevix! (Smirk*) ". Agad akong natigilan sa narinig ko. Okay fine he got me na agad. " How did you know that? Oh Yeah you're Shekel nga pala, Aisssshhh! Ewan ko ba diyan sa mga kaibigan mo, wala na atang magawa sa buhay ". Ani ko na ikinatawa niya.

" Can't imagine na pati bakla magagawa mong maging lalaki ulit! ". I know he was talking about Sevix, dahil ito lang naman ang kaibigan niyang bakla except for Ara. " Baklang Manyak! ". Wika ko pero pabulong. " Anu? ". Taka niyang tanong. " Sabi ko baklang maarte! ".

Tumawa ulit siya. " E paano na iyan sinong pipiliin mo sa kanilang dalawa. For sure si Sevix! ". Tumahimik ako sandali. " Of course not! ". Sagot ko. " You mean hindi siya at si Yanson ang sasagutin mo? ". Umiling ulit ako. " Wala Kuya I mean ewan ko bahala na. Malay mo diba wala naman pala talaga sa kanila! ". Tugon ko. Napatango-tango naman siya. Hindi sa nag papaasa ayaw ko lang sumugal tsaka ayaw ko lang na mag bigay motibo.

" It seems like you really move on to Sevix! ". Wika niya nanaman. " Oo naman anu, tama na ang thirteen years! ". Saad ko. " Nagkibit balikat siya. " Sabi mo e ". Pag sang-ayon niya naman. Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa coach pagkatapos lumakad siya papalapit sa direksyon ko. Inilapit niya ang mukha niya sa bandang tenga ko. " Don't choose one of them cause I know them both ". Bulong niya para mapahabol tingin ako sa kaniyang papunta sa kusina.

Akin Ka Na Lang Please!!! (Ezadera Series) CompletedWhere stories live. Discover now