[Chapter 33]:Annoying!

330 6 0
                                    

Shara Pov:

" Honey wait for me!!! Ang bilis mo maglakad! ". Huminto ako sa paglalakad ko ng mabilis. Pinabayaan kong maabutan niya ako. Nilingon ko siya sa likuran ko nang salubong ang mga kilay. " Sevix, okay na nandito na tayo sa School. Hindi mo na kailangan sabayan pa ako at ihatid sa room. Thank you nalang ulit sa paghatid, pero di mo na kailangan gawin pa iyan mamaya bukas o kailan pa man. I can handle myself okay! ". Ani ko.

" Sandali anu yun??? Sorry nakaearphone kasi ako ". Bwiset naman talaga Sethrevix oooh! Napangiwi ako sa sinabi niya. Ayaw ko nang ulitin tsk. Bahala na siya diyan! " Ang sabi ko thank you mauna na ako. At maghiwalay na tayo ng landas (at sana huwag na ulit magtagpo) ". Pabulong kong sinabi yung huli. Bago pa siya makasagot nag walk out na ako. Binilisan ko para di na niya ako maabutan.

Kaya lang kung minamalas ka nga naman talaga. Hindi ko napansin na mayroon palang balat ng saging ang naka kalat sa dadaanan ko kaya ang tendency nung maapakan ko ay nadulas ako. Sa bilis ng pangyayari nanlaki ang mga mata ko nag slow-mo pa nga ang paligid e. Sa pag-aakala ko na sasaluhin ako ng lupa ay hindi ko inaasahan na may iba sakin sasalo.

Sino pa ba edi itong Goddess na nasa harapan ko na wari mo na knight and shining armor ko. Yakap-yakap niya ako upang saluhin mula sa pagkakadulas ko. Napatitig ako sa kaniya habang nag slow motion pa din ang lahat. Maging ang gwapo niyang mukha nag slow-mo. Natauhan lang ako ng ngumisi siya ng kaunti. " Is this what you say that you can handle yourself? ". Tanong niya habang nakangisi.

Madali akong tumayo at lumayo sa kaniya. Inayos ko ang sarili ko kasi pinagtitinginan na kami ng mga tao. Paissue talaga itong si Sevix. " Totoo naman e kaya ko na sarili ko! Tsaka hindi ko kasalan na mayroon palang balat ng saging ang nakakalat at wala sa tamang basurahan ". Dipensa ko.

" Don't deny it Honey! Di mo kayang wala ako sa tabi mo ". Tugon niya. " (Laugh a bit) huwag ka ngang patawa Sevix aalis na ako! ". Paalam ko. " Iyan na ba ang thank you ngayon? ". Kuwestiyon niya. " Edi thank you! ". Sagot ko sabay irap sa kaniya. Narinig ko na tinawanan niya lang ako pagkatalikod ko sa kaniya. Naglakad na ako papalayo.

Hindi ko na narinig pa na sinundan niya ako hanggang sa makarating na nga ako sa room namin at sa loob nito pagkapasok ko laking gulat ko kasi nandun si Sevix. Hindi ako makapaniwalang nauna pa siyang makarating sakin dito sa room samantalang, ahh bakit ko ba pinapansin yun. So what kung nauna siya dito? Pinagtitinginan ako ng mga classmate ko pati ni Alola habang kinikilig silang lahat. Nakatayo si Sevix sa unahan at nakatingin din sakin.

May lahi siguro siyang kabayo at ang bilis niyang tumakbo? Ay oo nga pala bakla siya hehe too much ba sorry na agad! Paano ko nalaman na tumakbo siya kasi pawisan siya at halata yun sa noo niya at leeg. Nilapitan ko siya sa unahan dahilan upang ulitan kami ng mga classmates ko. Pero diko yun pinansin. " Anung ginagawa mo dito? Hindi ito ang room mo! ". Ani ko. " Hinintay ka, nakalimutan ko kasing mag good bye sayo Honey (Smile Genuinely) ". Sagot niya.

Hindi ko pinansin ang sinabi niya at sa halip tinignan ko ang white board namin at mayroon itong nakasulat na name namin ni Sevix. Iyong nakasulat na Sevix Love Shara. May padesign design pa nga na puso at doodle na mga emoticon. " Anu iyan? ". Itinuro ko yung isinulat niya. " Board! ". Pamimilosopo niya. Pinagsingkitan ko siya ng mata pero tiniwanan niya lang ako.

Sabay pisil sa pisnge ko. " Di ka na mabiro Honey haha. Di mo ba nagustuhan doodle ko? ". Tinignan ko ulit doodles niyang sinabi. Sabay balik ng tingin sa kaniya. " Alam ko pero trespassing ka. Alis na bawal Ezadera dito! ". Ani ko at itinutulak na siya papalabas ng room. " Sandali walang sinabi na bawal ang Ezadera dito ". Giit niya. " Puwes ngayon mayroon na ". Ani ko.

" Sandali lang Honey! ". Wika niya. " Anu pa bang kailangan mo Sevix? ". Irita kong tanong. " Paano kung ikaw! (Smirk*) ". Sagot niya. Tama bang bumanat sa harapan ng mga classmates ko edi kinilig nanaman ang mga ito. " Aisssh tigilan mo nga ako! Lumakad ka na room niyo! ". Utos ko. " Oo papasok na ako in one condition! ". Sagot niya. Eto nanaman kami sa kundisyon. " Anu nanaman ba yun? ". Tanong ko.

Akin Ka Na Lang Please!!! (Ezadera Series) CompletedWhere stories live. Discover now