[Chapter 32]:Aagawin!

403 9 0
                                    

Shara Pov:

Walang kamalay-malay ang mga kasama namin ni Sevix dito sa nangyayari samin ngayon. Abala kasi sila sa pagkain samantalang kami abala sa pag-tatalo na dalawa. Wala akong nasabi o naisagot sa sinabi niya. Naspeechless ako kaya ang ginawa ko nalang e kumain ng kumain para huwag na din magpaulit-ulit sa isipan ko ang linya niyang iyon.

Sevix likes me? Imposible! Kaloka na bakla ito ang daming nalalaman. Kung alam ko lang na iyan magiging epekto sa kaniya nung chili steak hindi ko hinayaang maagaw niya iyon sakin. Nang mag time na, hinatid kami nila Ara at Sevix sa room. Pinagtitinginan ako ng mga classmates ko as usual. Diba nga issue na ako sa buong campus dahil sa post na yun ni Sevix.

Diko siya napakiusapan idelete ang pinost niya kasi nga habang nag uusap kami may nasabi siyang hindi kanais-nais I mean di kapani-paniwala. Tahimik lang akong nakaupo dito sa upuan ko, naghihintay na maubos ang oras at mag uwian na. Gusto ko na bigla mahiga sa kama ko tapos dun ko iisipin lahat ng kalokohan na nangyari sa araw ko na ito.
Naubos nga ang oras namin sa pakikinig ng mga lectures ng bawat subject teachers namin sa hapon na ito.

Pero ni isa walang pumasok sa utak ko. Kasi naman kahit hindi ko isipin ang sinabi ni Sevix kanina kusa nalang siyang pumapasok sa isipan ko. Nakakainis na nga e kaya atat na atat na akong para makalimutan ko na kung anu man kasinungalingan itong nangyari ngayon. " Ghurl, paano iyan saan ka sasakay wala si fafa Yanson! ". Tanong ni Alola sakin.

" Andiyan naman si Kuya kaya sa kaniya nalang ako sasabay! ". Sagot ko. Ayy maalala ko, baka makaalis na si Kuya ay maiwan ako. Need ko siyang puntahan sa college Department. " Alola samahan mo naman muna ako sa college Department o, magsasabi palang ako kay Kuya e! ". Aya ko na tinanguan niya agad.

Nakakailang hakbang palang kami ng matanaw ko na si Kuya Shekel. Napangiti ako ng husto, malayo pa siya e sumigaw na ako. " Kuya!!! ". Sigaw ko. " Oh andiyan na pala si Shekel e di na natin kailangan pumunta sa college department so Anu Ghurl una na muna ako ha ". Nagbeso na sakin si Alola sabay tuluyang nagpaaalam.

Inabangan ko naman si Kuya na makarating sa direksyon ko. Iyong aura niya pacool alam niyo yun, nakakairita haha but still cool. Kasi gwapo siya konti lang! haha. " Sup, Sis! Bakit? ". Cool niyang pagkakasabi. " Sinapian ka nanaman anu Kuya? ". Asar ko. " Shara kung wala kang magandang sasabihin mauuna ako. May gig pa kami ng banda ko! ".

Umigting ang tenga ko sa sinabi niya. Diko ata nagustuhan ang narinig ko. Bakit? Kasi sa tuwing may gig sila ng banda niya hindi siya nauwi agad sa bahay, diretso siya agad sa lugar kung saan sila tutugtog. Pero sana naman hindi ngayon ganun, sana uuwi parin siya kasi wala akong sasakyan. Tsaka tinatamad akong mag commute.

" May gig ka ngayon so hindi ka uuwi sa bahay? ". Tanong ko. " As usual diretso na ako sa venue ng concert namin! ". Sagot niya. " Hala e Kuya wala akong sasakyan! Hatid mo muna ako bago ka pumunta sa gig mo! ". Wika ko. " Shara kahit gusto ko malelate na ako pero kung gusto mo sumama ka nalang sakin at sabay na tayo umuwi? ". Umiling ako.

Hindi puwede. Wala naman kaming assigment. Pero hindi lang talaga puwede kasi alam ko naman after ng gig niya mambabae siya like hello ayaw ko nang may nakikitang mga babaeng malandi at nilalandi ang mga kapatid ko sa harapan ko plus ayaw ko din masaksihan ang kalandian nang mga Kuya ko.

Suwerte ko nga di ako nagaya sa kanila na mga malalandi. Kalalaking mga tao ang lalandi. Promise! Malalandi sila kaya huwag na huwag kayong mapofall sa mga Valtocris na lalaki babaero yun haha. Except from dad baka mawalan ako allowance e haha. " Ayaw ko Kuya kaya ihatid mo nalang ako saglit lang naman e! ". Pagpapaawa ko na. Sana umepekto. Hinawakan ko siya sa kamay niya pagkatapos nag pout ako na wari bang mas nagpapaawa pa plus pacute na din hehe.

Akin Ka Na Lang Please!!! (Ezadera Series) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon