[Chapter 20]:F.D of F.D

279 7 0
                                    

Shara Pov:

Yehey!!!! Today is the FD of FD. Gets? Mean niyan is First Day of Foundation Day. Remember, nabanggit ko sa inyo na One week ginaganap ang kapanganakan ng E.S.A at ito ang unang araw nang isang linggo. I'm here na at school. Wearing my bonggang outfit. Maong high waist pants with matching T-shirt na green dahil green theme nang all Grade 12 students.

Bawat year level ay mayroon nakaassign na kulay kaya madali namin manonotice kung anung year level ang isang tao. Bukas na din ang lahat ng booths ngayon na ang mga collage mismo ang namamahala. Sabi ni Kuya Shekel sakin kagabi nang magkausap kaming dalawa about dito nga sa Foundation day, nabanggit niya sakin na ang magiging booth na ihahandle nila is Marriage na talaga naman patok na patok sa lahat ng booths.

Mayroon samot-saring fan games ngayon na inihanda ang mga SC o ang mga student councils na siyang katulong ng mga teachers sa pag oorganize ng event na ito. Ngayon First Day ang program lang na nakalagay ay Team building pero mayroon munang magaganap na Zumba competition each year level. That's why nandito kaming lahat sa Gym. Kasama na rin dito ang bonggang Yell presentation each Year Level.

Mga nagkakaingay ang mga estudyante dala ng kaexcitetan sa gagawing activity at dala na din tuwa dahil no assessments, thesis, reportings, at misa ni teacher ang magagaganap ngayon maliban lang sa isa kundi ang pagsasaya. Puro kasiyahan lang muna kami ngayon pampatanggal stress sa mga nagdaang buwan.

" Galingan natin G-12, di papatalo Luntian!!!! ". Sigaw si Naomi. Pabida talaga siya kahit kailan haha hindi biro lang mahilig talaga siya sa mga ganito. Yung daig pang nakikibaka sa lakas ng boses niya. Nagsigawan ang lahat ng Grade 12 dahil sa kaniya. Nilabanan naman kami kaagad ng mga Lower levels pero ang pinakang pinoponterya namin ay ang Collage Department. Kulay Pink ang first year Collage sila which is gustong-gusto ni Sevix. Tapos Light blue, Apple Green, at Dark pink na ang sumunod form second to forth year collage.

Hindi ko pa nakikita si Sevix magbuhat kanina nang dumating akong school. Pero si Ara nagkasalubong na kami sa hall way. Nagbatian at kamustahan pa nga kami e kaso sandali lang kasi nagmamadali siya. Sabi niya pa nga sakin mayroon daw siyang ichichika pero mamaya nalang daw kapag nagkita ulit kami kasi malelate daw siya sa booth nila gagalitan nanaman siya ni Sevix dahil ito daw ang Class President nila sa room kaya strict tsaka mayroon pa siyang atraso kay Sevix kaya need niya talagang bumawi. Mainit ulo nun kay Ara e haha.

" Parinig naman sa Yell nang mga Grade 7 students!!!! ". Full pack of energy na sigaw ng Mc na nasa stage. Naghiyawan muna ang mga Grade na talaga naman nakakatuwa. Ang kocute nila. Kasali din naman ang Primary pero bukod ang mga palaro nila samin kasi mga baby pa sila. After mag Yell ng Grade 7 ay sumunod na ang Grade 8, 9, 10, 11 at nang kami na ang mag Yell ay iningayan pa namin ng todo sa Gym.

May pa drum at pausok pa kaming nalalaman. Yung usok namin napaeffect ay made by powder alam niyo yun, pulbo HAHAHAHA. Mayroon din kaming patorotot at banner. Oh diba tinodo talaga namin ang effort dahil palaban kami, hindi kami papatalo. Pumito muna si Naomi ng tatlong beses bago namin sinimulan ang pagkanta sa Yell namin.

" Hindi kami Pula, hindi kami dilaw, hindi kami Asul, hindi kami Pink, hindi kami Kahel kami ay Luntian! Luntian! Luuuuntian!!! Move give way Luntian is on the way2x (Drum roll) Kami ang lutian hindi magpapatalo, Handa anu man laban kami ay di susuko, Go Luntian Go Go Go Luntian Go Go Go Luntian Go Go Go Go Luntian Go Go!!! Viva Luntian!!!!!........ PINK!!!! Beast mode ka na ba???? Sa malamig sa malamig Hey! Hey! Hey! Hey! Sa malamig sa malamig! Hey! Hey! Hey! Number One! Number One! Ang Luntian!!! Hey! ".

Full pact of energy para sa performance namin ng Yell. May kasamang panghahamon din para sa Pink team ng Collage. Bigay todo kami dahil mayroon din prize ang mananalong Yell.

Akin Ka Na Lang Please!!! (Ezadera Series) CompletedWhere stories live. Discover now