[Chapter 34]:Trouble!

268 6 1
                                    

Shara Pov:

Four days ago na pero hindi pa din bumabalik si Yanson. Minsan ko nang tinanong si Kuya Shekel tungkol dito at nabanggit niya na baka one week ngang absent si Yanson kasi mayroon itong mahalagang ginagawa kasama ang family niya.

Chinachat ko din or message si Yanson. Madalang siyang makapag reply pero kahit na paunti-unti e nagagawa niya pa din akong pangitiin at pakiligin. Parati pa din siyang bumabanat. Namimiss ko na talaga siya!!! But don't get me wrong ha. Miss ko lang siya parating kasama, nasanay na din kasi akong nandiyan siya parati sa tabi ko.

(Cring* Cring* Cring*) nagulat ako ng biglang magring ang phone ko. Nakalimutan ko pala siyang i-silent. Nagkaklase pa naman si Sir Edd sa calculus. Napatingin ang ilan sa mga. classmates ko sakin lalo na si Alola. " Ghurla, phone mo nag ring! ". Sambit niya. Itinaas ko ang kamay ko at tinawag si Sir Edd. Mabilis niya akong nilingon. " Yes, Ms. Valtocris? ". Tanong niya.

" Emergency call lang po, puwede ko po bang sagutin? ". Paalam ko at tumango naman ito. Mabilis akong tumayo at lumabas ng room. Medyo lumayo-layo ako sa room namin. Nagtago ako sa gilid nito kung saan walang tao. Sinagot ko na ang tawag ng di tinitignan kung sino ba ang tumatawag sakin.

" Hello? ". Pangunguna ko. " Hello baby! ". Nang marinig ko ang boses niya napatakip ako ng bibig sa tuwa. " Yanson? ". Diko mapigilan mapangiti. " Miss me? ". Tanong niya na ikinasingkit ng mga mata ko tapos nakapout pa ako na akala mo e nakikita niya reaksyon ko. " Ikaw na play boy ka kailan ba uwi mo? ". Naiiyak kong wika sa kaniya.

Tumawa siya sa kabilang linya. " You really miss me ha!! Haha ". Sambit niya. " Off course not! Wala lang talaga sakin nangungulit ". Ani ko. " Asus denial pa! Sabihin mo miss mo na ako! ". Pagpupumilit niya. Naparoll eyes ako saka siya sinagot. " Fine I miss you pero just a little bit lang ha ". Ani ko sabay tawa namin pareho.

Magkasundo na magkasundo na talaga kaming dalawa. Miss ko naman na talaga siya e kaso syempre ayaw ko lang aminin sa kaniya. Lumaki pa ulo nito e hehe. " Haha don't you worry miss na miss na din kita baby ko! Sorry di na ako nakapag paalam ng maayos sayo. Ayan tuloy di mo ako nakakasama. Biglaan kasi itong lakad ng family namin e. But soon uuwi na din ako. Diko na kayang di ka nakikita e! Nakakabaliw na malayo ako sayo ". Sambit niya.

" Tumigil ka nga! Alam mo may klase ako tapos bigla ka nalang tatawag sabay babanatan mo lang ako! ". Giit ko na kunwari ay naiinis sa kaniya pero ngiting-ngiti naman ako. " Hala Sorry! Akala ko kasi wala kayong class ng ganitong oras. Tsaka balita ko abala ang school sa upcoming Christmas party! ". Ani niya. " Hindi pa naman ganun! O sige na baka magtaka na teacher ko ang tagal tagal ko dito sa labas! Umuwi ka na ha.... ". Pagpapaalam ko.

" Opo, magugulat ka nalang andiyan na ako sa tabi mo! ". Wika niya. " Ewan ko sayo! Sige na bye na ". Tugon ko. " Haha Bye Baby I love y---- ". Naputol yung pagsasalita ni Yanson ng mayroon biglang umagaw ng phone ko mula sakin. Salubong ang kilay kong tinignan siya. Basta-basta lang ba hablutin ang phone ko sakin. " What are you doing here? May klase ka sa loob ah! ". Galit niyang sambit.

Bakit siya pa ang galit tsaka tatay ko ba siya para pagalitan ako. " Nagpaalaam ako sa teacher ko tsaka pakealam mo ba. Akin na nga iyang phone ko Sevix! ". Nung aagwin ko na ito sa kaniya inilayo niya ito mula sakin tapos kinuting-ting niya ang phone ko without asking my permission. " Hoy! Anu ba akin na yan ". Giit ko sa kaniya. " Lumabas ka ng room mo during of discussion ng teacher niyo para lang sagutin ang tawag ng lalaki! ". Halata sa tono ng boses niya ang pagkainis.

Anu bang nangyayari sa kaniya. " E anu naman sayo ngayon. Tsaka hindi lang naman basta lalaki yan. Si Yanson yan anu, friend mo! at suitor ko! ". Niriinan ko talaga yung suitor sa kaniya. Napansin ko ang pagigting ng panga niya. So what kung mainis siya, bakit ba kasi siya nagkakaganiyan para siyang timang. Ang weird niya na talaga.

Akin Ka Na Lang Please!!! (Ezadera Series) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon