[Chapter 23]:Love sick

315 6 0
                                    

Shara Pov:

Umuwi akong dala ang bigat at sakit ng mga sinabi sakin ni Sevix kanina. Aaminin kong kanina pa ako pinapaluha nito, hindi na nga ako makahinga ng maayos kasi ang bigat-bigat sa pakiramdam na pinipigilan mong huwag maiyak. Nakakapanikip dibdib ito na parang inaatake ka sa puso which Oo directly e. Hindi ako handa sa pagbaon ni Sevix ng pana sa puso ko. Nakakapanghina!

Mas lalo pa akong nanghihina ngayon dahil sa kapasawayan ko ay tuluyan nga akong nilagnat. Sobrang sama ng pakiramdam ko sabayan pa nung pagdadamdam ko sa mga sinabi ni Sevix. Kahit sino naman sigurong sabihan ng crush nila ng ganun nakaka baba ng tingin sa sarili. Nakakapanlumo!

Ito nga at nakahiga ako sa kama ko, hinihintay na dumating si Manang na kumukuha lang ng aroskaldo na niluto niya sa kusina sa ibaba dahil pagkarating na pagkarating ko nanghihina na talaga ko at nang icheck niya ako ay umabot sa 38.6 ang lagnat ko. Hindi naman ganun kataasan pero nilalagnat pa din ako.

Wala pa sila Mommy, Daddy, at Kuya Shanon dito sa bahay. Mayroon kasi silang aattendan na comprehensive meeting with their co business partners. Baka mamaya pa sila makakauwi. Pero sinabi na ni Manang sa kanila ang kalagayan ko. Papasalubungan nalang daw nila ako ng prutas kaya sa ngayon si Manang muna ang nagaabyad sakin. Nandito na din naman si Kuya Shekel kaso nagkukulong siya sa kuwarto niya.

Umawang sa pagbukas ang pintuan ng kuwarto ko. Mula sa labas pumasok di Manang dala na nga ang aroskaldo na gawa niya pa mismo. Naupo naman ako agad. " Uhmmm ". Wika ko habang tumatayo. Kasi sobrang ang bigat ng katawan ko tapos ang init-init ko pa. " Kumain ka muna pagkatapos ay inumin mo itong gamot okay? ". Wika ni Manang na tinanguan ko.

" Ayan alam mo naman kasing mahina ka sa ulan e naliligo ka pa ". Mahinahon niyang pagsasabi sakin. Naiintindihan ko na nag-aalala lang siya sakin. Kaso nangyari na e tsaka nandito na. " Ayan Manang pagsabihan niyo po yan. Masyado pasaway, hindi naman kaya ang sarili.... Wala din naman nagbago sa kanila ". May inis sa tono ng boses ni Kuya but his face is still calm down.

Napatingin kami sa kaniya. Nakasandal siya sa gilid ng pituan ko habang nakatingin sakin. " Kahit ikaw Kuya gagawin mo din ang ginawa ko kapag nag mahal ka na! ". Wika ko. " Mahal? Hindi ka bubuhayin ng pagmamahal mo sa kaniya Shara. Kung di lang ako nagtitimpi kanina baka nakaladkad na kita papauwi. May game ako kaya di ko magawang higitin ka kanina ". Tugon niya.

" Tama na yan! Shara bunso nag-aalala lang ang Kuya mo sayo, kagaya ko ". Pagtatanggol pa ni Manang kay Kuya. Nagpalitan kami ng tinginan ni Kuya. At bandang huli nag sorry ako sa kaniya. Wala siyang isinagot pero alam kong satisfy na siya dun. Narinig ko ang pagsara ng kuwarto niya means nakapasok na siya sa loob ng kuwarto niya.

" Alam mo bunso may punto naman ang Kuya Shekel mo e. Buwis buhay na ang ginagawa mo at hindi na tama yan! Maling paraan na yan ". Giit ni Manang. Napapout ako pagkasubo niya sakin ng Aros. Medyo napaso kasi ako tsaka natamaan ako sa sinabi niya. Para nga akong bata pero sa nabibig-atan talaga ako sa katawan ko. Hindi ko kayang ako lang ang kakain mag-isa. " Ginawa ko lang naman po yun manang kasi gusto ko mapatunayan sa kaniya kahit rain or shine kaya kong kaharapin malaman lang niya na mahal ko talaga siya ". Wika ko.

Tumango-tango siya sakin. " Oo naiintindihan naman kita pero Shara bunso lahat ng bagay ay may limitasyon! Hindi masama ang ginawa mo ang masama ay ang napapabayaan mo ang sarili mo ". Ani ni Manang na ikinatigil ko. Hugot kasi ito at realtalk. Obsess na ba talaga ako kay Sevix? I've never admit to my self na obsess ako kay Sevix pero sa mga ginagawa ko narerealize ko na Oo I am obsess with him to win his love.

Hinawakan ni Manang ang isa kong kamay pansamantala niyang ibinaba ang bowl ng aros at tinignan ako diresto sa mga mata ko. " Malakas ang tiwala mo sa sarili mo bunso at nakakatuwang ganiyan ang personalidad na mayroon ka. Pero kahit anung lakas ng paniniwala mo, Lahat ng tao napapagod! At darating ka din sa puntong iyon. Mapapagod ka din bunso ". Dagdag pa ni Manang.

Akin Ka Na Lang Please!!! (Ezadera Series) CompletedWhere stories live. Discover now