[Chapter 9]:It hurts!

486 13 2
                                    

Shara Pov:

" Bilisan niyo dali! ". Akit ni Naomi samin. Nandito kami ngayon sa park ng school. Kakalunch time lang at tapos na kaming kumain. Anung ginagawa namin dito sa park? Wala lang, sinusundan lang naman namin si Sevix. Kasama niya kasi ngayon yung friend niyang bakla. Hindi siya sumama kina Kuya Shekel na nasa canteen.

Mukhang nag boy hunt si Sevix dahil nanunuod sila ngayon ng mga naglalaro ng Soccer sa karatig na field nitong park. " Ang yummy ng mga soccer player. Kung ako sayo Shara sa kanila nalang ako ". Ani ni Naomi. Pinagsingkitan ko siya ng mata. Anu bang pinagsasabi nitong si Naomi.

" Kahit anung yummy nila wala akong pake. Kay Sevix ko lang ang atensyon ko wala ng iba! ". Giit ko. Nag hands up naman si Naoimi dahil sa sinabi ko. " Okay! Okay! Nagsasabi lang naman e! Bakit parang kasalanan ko pa! ". Ginaya niya pa talaga si Bea Alonzo, napailing naman ako.

Iniiwas ko na sa kaniya ang atensyon ko. Masusi kong minatyagan si Sevix kasama yung bakla niyang kaibigan. " Wala ba silang klase at nandito sila! ". Bulong ni Alola. " Obvious ba, kitams naman nanlalaki sila anu ". Sagot ni Naoimi. " E anu na gagawin natin ngayon. Kailangan madala natin si Shara at Sevix sa iisang lugar lang! ".

Tama kayo ng nabasa kay Alola. Plinano ko na makasabay sa Lunch si Sevix ngayon kaso nalaman ko na maagap silang nag letera kaya nalate na kami ng labasan. Hindi ko na siya naabutan mag lunch. Kaya di ko na din nakita pa kung kinain niya ba yung pagkain na ibinigay ko ulit sa kaniya. Yeppp! Simula kahapon ay itutuloy-tuloy ko na ang pagpapadala ng pagkain kay Sevix sa ayaw at gusto niya.

" Wag kayong mawalan ng pag-asa. Kung di sila nagkasabay kumain ngayon. Puwes magkakasabay silang mag cutting! ". Ansabe? Sabay-sabay kaming napatingin sa minsanan lang mag share ng opinion niya, walang iba kung si Dana. " Cutting? Ayaw ko mag record ng ganun anu ". Giit ko.

Hinawakan niya ako sa tigkabilang balikat ko. " Shara kung gusto mo talagang mapansin ka niya. May mga bagay na dapat mong isakripisyo kasama na dun ang pag-aaral ". Wait! Napasobra naman ata ang idea nitong si Dana. Lumayo ako sa kaniya. " A-anu bang sinasabi mo Dana. Gustuhin ko man makasama si Sevix pero kung tungkol sa pag-aaral. Di ko puwedeng piliin si Sevix ". Ani ko.

Natigilan siya. Inirapan ako ng Ate niyo. Abat attitude din pala itong si Dana. Ay siya nga pala ang pinakang attitude samin haha. " Masyado kang banal! ". Buwelta niya. Masisise niya bang good girl lang talaga ako. Bubulyawan ako ng mga kasama ko sa bahay lalo na ni Dad kapag nalaman niyang ang cutting ako. Baka nga ma grounded pa ako e.

" Bukas nalang kaya natin ito gawin! ". Bigla kasi akong kinabahan sa sinabi ni Dana. " Walang klase mamaya di mo ba alam ". Singit ni Naoimi. Kaya ba nandito sila Sevix kasi walang klase ang lahat ng levels. " Hindi saan mo naman nasagap yan? ". Nginisian niya ako. " Alam mo naman chismosa ako pagdating sa mga ganiyan e! Busy mga teachers natin for up coming Foundation ng school. Mayroon silang meeting from 1 pm to 4 na yun! Kaya carrybells na tayo dito. Perfect timing na Shara ".

Ibinaling ko ang tingin ko kay Dana. Nakataas ang dalawa niyang kilay. " Anu tinitingin mo diyan. Ayaw mo sa ideya ko diba! ". Ani niya. " Hehe ikaw naman akala ko kasi may klase ". Sinuyo ko ang babae. " So ganito! Kailangan magkasama yung dalawa ni Shara at Sevix ngayon! Shara pumunta ka sa field ". Utos yun ni Dana.

Kahit nag aalangan ako e sinunod ko nalang si Dana. Lumakad ako sa field mag-isa samantalang sila ay naiwan sa puwesto namin kanina sa ilalim ng malaking puno ng mangga. Ang sabi niya maglakad-lakad lang ako dito. Wala na siyang sinabi pang iba na gagawin ko. Maya-maya pa nang lingunin ko sila ay mayroon bola akong natanaw na hawak ni Naomi. Sinenyasan nila akong huminto sa paglakad kaya huminto nga ako. At pagkahinto ko pumorma si Naomi sa pagbato.

Akin Ka Na Lang Please!!! (Ezadera Series) CompletedWhere stories live. Discover now