[Chapter 36]:Let the battle begins!!!

285 4 0
                                    

Shara Pov:

" Shara gising na! Andiyan na mga sundo mo! ". Napalingon sa pintuan ng kuwarto ko. Si Kuya Shekel ata yun sumisigaw. " Kanina pa ako gising Kuya wait lang pababa na din ako ". Tugon ko tapos nagmadali na akong magpony tail ng ribbon sa hair ko. Pagkatapos nito ay lumabas na ako ng kuwarto ko at bumungad sakin ang mukha ni Kuya Shekel na may pasa. Kaya natigilan ako.

" Oh nyare diyan? ". Gulat kong tanong. Napatingin sa pasa niya sa gilid ng labi niya. " Wala lang ito, sige na bumaba ka na baka malate ka pa ". Sagot niya. " Anung wala e may pasa ka, gagawin mo pa akong bulag at tanga Kuya (roll eyes) hindi ka ba papasok? ". Umiling siya tapos tinalikuran na ako, papasok na kasi siya sa kuwarto niya. " Oo nice talking Kuya! ". Sambit ko.

" Grounded siya, okay ka na ba ". Napalingon ako sa nagsalita sa likuran ko. Si Kuya Shanon lang pala. " O-opo Kuya, nahuli naman na yung mga sira ulong nambastos sakin e. Thanks to you Kuya. By the way what happened to Kuya Shekel's lips, mayroon pasa! Napaaway ba siya ". Tanong ko about kay Kuya Shekel.

" Well actually not napaaway, nadamay lang siya. It's a long story kaya mamaya ko nalang ikukuwento sayo pagbalik mo.... baka kasi maghintay na din mga suitors mo sa baba! (Smirk*) ". Medyo kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Suitors? Wait kailan pa naging dalawa si Yanson? Tsaka andiyan na ba siya? " Haha sige na bumaba ka na! ". Utos ni Kuya tapos tinalikuran na din ako at pumasok na sa kuwarto niya.

Ako naman takang bumaba ng sala. Pagkarating ko sa sala ay halos matigilan ako paglalakad ko. Tama ba ako ng nakikita? Wait! Nakauwi na si Yanson! Pero nandito sila pareho ni Sevix. " I have to go. Thank you for the time. Susunduin kita bukas ha. Stay safe, pray before you sleep. I already miss you Honey ". Oo nga pala sinabi ni Sevix kagabi na susunduin niya ako ngayon.

Paano iyan, andito na din si Yanson. Bakit di niya man lang sinabi sakin na nakauwi na sila? Ay di ba nga sabi niya magugulat nalang ako nasa tabi ko na siya. Aissssh! Dami nila parehong pakulo. " Hi Baby! ". " Good morning Shara! ". Bati nila sakin pareho ng sabay. " Awkward!!! ". Bulong ni Mommy pero dinig na dinig namin.

" Good morning sa inyo, Yanson. Kailan ka pa umuwi. Bat di mo sinabi sakin (Naniningkit ang mata) ". Tanong ko kay Yanson. " Baby paano pa magiging surprise kung sasabihin ko sayo diba ". Sagot niya. Kung sabagay may point siya. " By the way anu ready ka na ba, pasok na tayo? ". Tanong niya na ikinatingin ko naman kay Sevix.

Pumungay ang mga mata niya na nakatingin din sakin, medyo nailang ako kaya ibinaling ko ang atensyon ko kay Yanson. " H-ha, sige. Tara na ". Pagkasabi ko nun narinig ko na tumikhim si Sevix. " Tita alis na po kami! ". Paalam ni Yanson kay Mommy. Nagbeso kami sa kaniya. " Drive safely ha Yanson. You too Sevix! ". Napatingin nanaman ako kay Sevix na bumeso din kay Mommy.

Sabay-sabay kaming lumabas na tatlo ng bahay at gate. Pinagbuksan ako ni Yanson ng pintuan ng kotse niya. Pero bago ako makasakay narinig ko na tinawag ni Yanson si Sevix. " Hey Trixie! ". Hindi lumingon si Sevix. " Trixie snubber mo! ". Sa pangalawang pagtawag ni Yanson ay lumingon na si Sevix. " Stop calling me Trixie. Kitams mo na lalaki ako diba! ". Pagsusungit ni Sevix.

" Sungit naman nito ke aga-aga. Oo nga pala bat ka napadaan ng ganitong oras kina Shara. Ahhh siguro akala mo papasok si Shekel anu? ". Hindi agad sumagot si Sevix sa halip sinulyapan niya ako. Sinagot niya ang tanong ni Yanson na di inaalis ang mga tingin sakin. " Oo akala ko kasi SASABAY SIYA SAKIN!!! ". hindi ko alam kung si Kuya Shekel pa ba tinutukoy niya o ako na.

Iniiwas ko ang mga tingin ko kay Sevix. Pumasok na ako sa loob ng kotse ni Yanson. Grabe! Yung death glare niya pamatay talaga. Usto lang akong lamunin ng buhay o ibaon sa lupa. Hindi na din nagtagal ay pumasok na sa loob ng kotse niya si Yanson. Na unang umalis ang kotse ni Sevix kaya naiwan kami kasi di agad umalis itong si Yanson. " Baby namiss kita ". Sambit niya.

Akin Ka Na Lang Please!!! (Ezadera Series) CompletedWhere stories live. Discover now