CHAPTER 10

4.5K 55 5
                                    

Eliza POV

Adonis' father's condition improved so he was released from the hospital and taken home, my life is back to normal again. home, work and cry when i come home and i find katarina and Adonis flirting in the living room. Dapat ako 'yon, dapat yung kalandian niya kasi ako yung asawa at hindi si Katarina.

Maaga pa pero pumasok na ako sa trabaho ko kesa naman nandon ako sa bahay at pinapanood ang dalawa na nagsusubuan ng pagkain sa harapan ko.

Nasa sariling lamesa ako at inaayos lahat ng gamit ko para hindi makalat ng bumukas ang pintuan niyon at iniluwa ang isa sa co-worker ko.

"Eliza, nandyan ba si sir sa office niya?" tanong nito.

Umiling ako,"Wala, umalis siya kanina, bakit?"

"May babaeng nagwawala don sa labas ng office niya"

Agad akong napatayo sa sinabi niya at lumabas para tignan ang babaeng nagwawala, pagkarating ko sa office niya ay may babae nga doon na sumisigaw at gustong pumasok sa opisina ng boss ko.

"Ano ba! Papasukin niyo ko! Ako ang girlfriend ng boss niyo tapos ang kapal ng mga mukha niyong ganituhin ako! Gusto niyo bang masisante?!" Sigaw ng babae sa mga lalaking nakaharang sa harapan niya na nagtatrabaho din sa company ng boss niya.

Patuloy lang ang babae sa pag sigaw at pagtulak sa mga lalaking nakaharang sa harapan niya. Habang ako ay kunot noo dahil sa sinabi nito, girlfriend? Kelan pa nagka-girlfriend yung boss ko?

Linapitan ko ang babaeng sumisigaw-sigaw at tinapik ito sa braso dahilan para tumigil ito at matuon ang atensyon niya sa 'kin.

"Who the hell are you?!" Sigaw nito sa 'kin.

Kailangan talaga sigawan ako? ang panget ng ugali. Bumuntong hininga ako, "Miss, can you please stop? Nakakaistorbo ka ng mga nagtatrabaho at tsaka wala si sir diyan umalis."

"What?! No! It's not true!" Nagpumilit ulit itong pumasok sa loob ng opisina ng boss ko kaya muling humarang ang mga lalaki sa tapat ng pintuan nito."Magsialis kayo! Sesesantehen ko kayo mga hampas lupa!"

"Miss, bawal kang pumasok sa opisina ni sir hanggat wala siya diyan" sabi ko, "Umalis ka na lang please bago pa ako tumawag ng security"

Matalim ang mga mata nitong tumuon sa 'kin," How dare you?! Gusto mo din bang masisante!"

I sighed deeply again."Miss tumigil ka na-" naputol ang sasabihin ko ng may magsalita sa likuran namin.

"What's going on?" It was Matthew.

"Sir, sumisigaw-sigaw siya dito at gusto niyang pumasok sa opisina mo" sabi ko sa boss ko at tinuro ang babaeng matalim ang titig sa 'kin.

Tinignan naman ni Matthew ang babaeng tinuro ko.

"Who the fuck are you?" Kunot na noong tanong ni Matthew sa babaeng napatanga sa sinabi ng boss ko.

"You-you jerk!" Sigaw ng babae at dinuro si Matthew,"after what we did last night will you tell me that now!"

Halos lahat kami napatanga dahil sa sinabi ng babae kahit naman hindi direkta nitong sinabi alam na namin 'yon at mas lalo pa kaming napatanga ng marinig ang sinabi ng boss ko.

"Yun lang?" Matthew tsked,"Umalis ka na, kung ano man ang nangyare kagabi wala na 'yon, forget it." Sabi nito at naglakad papasok sa opisina nito.

Malakas na sinipa ng babae ang pintuan ng opisina ni Matthew at naglakad paalis. Napailing na lang ako at sinabihan ang mga chismosa't chismoso kong mga ka trabaho na bumalik na sa kanya-kanya nilang trabaho.

My Heartless HusbandWhere stories live. Discover now