Forty

56.9K 1.6K 52
                                    

Chapter 40

~~Jane's POV~~

Naglalakad na ko dito sa mala-paraisong daan. Sinusundan ko lang ang rosas.

Ano yun? Wow. May royal bridge na may magagandang bulaklak at may lights na colorful. At sa dulo nun, may isang hut na may mga fireflies sa paligid. At may mga bulaklak din at lights.

Pagkarating ko sa bridge ay may kumuha ng regalo ko. Dalawang lalaki na mga cutie.

"Saan niyo dadalhin yan? ",tanong ko.

"Kami daw muna po ang magdadala nito. Ibibigay na lang po namin sa inyo mamaya. ",sabi niya.

"Okay cuties. ",sabi ko at nagsmile.

Nagblush naman ang dalawa. Hala. Hahaha

Tinahak ko na ang daan ko at kadalakad ko ay nagglow-glow ang dinaraanan ko sabay ng pagtugtog ng musika. Katulad lang nung kanina. "A thousand years."

Sa paglalakad ko rin ay ang siyang paglakas ng tibok ng puso ko. At pagliliparan ng mga paru-paro sa tiyan ko.

Kinakabahan,pinapawisan at kung ano ano pa ang nararamdaman ko.

Noong maaninag ko na ang malaki laking kubo na open ang ibang parte ay may nakita akong bulto ng tao.

At noong nakita ko na ang likod niya,

Bumilis pa ang tibok ng puso ko.

At talagang sumaya ang kaloob-looban ko.

Ang warrior ko.

Ang kasiyahan ko.

Ang mahal ko.

"Z-zach? ",tawag ko sa kanya.

At sa pagharap niya ay parang tumigil ang mundo ko. Tanging bilis lang ng tibok ng puso ko ang naririnig ko.

"Princess Jane.",bati niya na nagpabalilwas sa diwa ko.

Lumuhod siya at hinalikan ang kamay ko.

"Z-zach..",tawag ko nang umiiyak.

"Sssh...wag ka ngang umiyak. Mababawasan ganda mo niyan. ",asar niya.

"Heh..s-salamat sa lahat ah. May paganito-ganito ka pang nalalaman. ",ako at hinampas siya.

"Hindi pa natatapos ang lahat.",sabi niya at sumenyas.

"Can I have this dance,my princess? ",sabi niya at ini-offer ang kamay niya.

"M-my pleasure.",sagot ko.

At sumayaw na kami kasama ng musika.

~

Ilang minuto din kaming tahimik na sumasayaw nang magsalita na siya.

"Alam mo Princess.",panimula niya.

"Jane na lang. Parang di tayo close eh.",biro ko para mabawasan ang awkwardness.

"Sinisira mo naman diskarte ko eh.",biro niya rin.

"Oh sige di na.",sabi ko.

Ang gwapo gwapo niya ngayon. Ay palagi naman.

"Ehem. A-a-alam mo J-j-jane,simula pa noong bata ako,ikaw na talaga ang hinihintay ko. Palagi saking kinikwento ni Ama ang tungkol sa pagkawala ng prinsesa. At nung pumunta ako sa mahiwagang salamin na naghuhula ng magiging tadhana ko,ang lumabas doon ay ang nawawalang prinsesa,pero wala pang mukha iyon dahil nga wala ka pa noon sa mundong ito. Naging cold ako dahil ayaw kong may lumalapit pa saking ibang babae,gusto kong ikaw lang ang babaeng kaka-usapin,ngingitian at patatawanin ko. Noong nakita kita,kahit di ko pa alam na ikaw ang prinsesa,agad bumilis ang tibok ng puso ko. Gusto kitang lapitan,kausapin at pasayahin ngunit nauunahan ako ng kaba. Pero ngayon,para sayo,ginawa ko tong lahat ng ito,nilabanan ko ang kaba at takot ko. Sa gabing ito,aamin na ko sayo prinsesa ko. Mahal na mahal kita,prinsesa. Mahal kita hindi dahil sa galing ka sa mga maharlika,mahal kita hindi dahil maganda ka. Mahal kita hindi dahil ikaw ang destiny ko. Mahal kita Jane bilang ikaw. Pag nandiyan ka,bumibilis ang tibok ng puso ko, nagkakaroon ng paru-paro ang tiyan ko. Korni mang pakinggan pero yun ang katotohanan. At ngayon,ssshh

...don't cry. Please.",mahabang sabi niya.

Naiyak na ko. Iyak ng kasiyahan. Hindi ko aakalaing ang taong mahal ko ay mahal rin ako.

"Z-z-zach..",sabi ko sa pagitan ng pag-iyak.

"Okay lang kahit di mo mabalik ang pagmamahal ko sa iyo. Basta ang----" pinutol ko ang pagsasalita niya.

"I love you! Okay? Kaya tumigil ka na sa kadadada jan. Mahal kita hindi dahil sa mahal mo ko. Mahal kita hindi dahil sa lahat ng ginawa mong to. Mahal kita hindi dahil sa gwapo ka. Mahal din kita Zach bilang ikaw. Kahit cold ka sa iba,napakabait mo naman sakin. At napakaprotective mo. At nakita ko rin sayo ang ideal man ko. Yung gagawin ang lahat para lang sakin. Mahal na mahal rin kita,Zach.",sabi ko.

Napatulala naman siya.

"Oy. ",tinusok ko ang pisngi niya.

Napabalikwas naman siya at sumigaw habang nagheheadbang at sumusuntok sa hangin.

"Hooooooooh! BEST DAY EVER! I LOVE YOU PRINSESA JANIA KO! ASAHAN MONG MAGIGING MASAYA KA SA PILING KO! PROPROTEKTAHAN KITA SA LAHAT NG MGA TRAHEDYANG MANGYAYARI SA BUHAY NATIN.",sigaw niya.

Bumalik naman siya sakin at niyakap ako.

"Hinding hindi kita sasaktan mahal ko. Tayo na diba? ",tanong niya.

"Oy! Oy! Ligawan mo muna ako.",sabi ko.

"Ano? Magpapaligaw pa ang Janey ko? Hahaha",asar niya.

"Bakit? Ayaw mo? Edi wag.",ako at tumalikod.

Niyakap niya naman ako sa likod.

"Oo na po. Ang dali naman magtampo nito.",lambing niya.

"Oh..tayo na ba? ",asar ko.

"Hindi pa nga.",siya at nagpout at tumalikod.

"Zachyyy! Oy! ",ako at lumundag sa likod niya.

"Hahaha. Nangugulat ka naman eh. Tara dun sa river.",sabi niya habang kinakarga pa rin ako.

Ang bango niya pala. *sniff* *sniff*

"Gusto mo amoy ko? Malapit na maubos kaka-amoy mo eh. Hahaha. Pero di bale na,ikaw naman ang umaamoy eh

",asar niya na ikinapula ko.

"Namula ka na niyan? Hahahaha",asar niya pa ulit.

"Huwag ka ngang mang-asar. ",ako,nang-iinit kasi ang pisngi ko. >/////

"Nandito na tayo."

Xoxoxox

-ImaJANEative

Elemental Kingdom: The Long Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon