Forty-Nine

60.6K 1.5K 46
                                    

~~Third Person's POV~~

" BWAHAHAHAHAHA! Sa wakas! Nakatungtong ulit ako sa mundong ito!",tawa ng isang nilalang.

Nagulat naman ang lahat dahil sa katawan mismo ni Miku ito lumabas.

"P-pinatay na kita noon! Bakit ka pa nabuhay?! ",gulat na tanong ng ama ni Jane.

"Paano ako nabuhay? Hmmm... Nang dahil lang naman sa isang babaeng sinaktan mo noon. BWAHAHAHAHA!",sagot ng nilalang.

"Sino?",tanong ng hari.

"Hindi ko sasabihin~. Hulaan mo~! Siya rin ang kumuha sa anak mong si Miku na ipinatangay mo sa dagat at inihalad niya ito sakin. BWAHAHAHAHA~! ",sabi sabay tawa ng Demonyo.

"S-si Marina?",gulat na tanong ng hari.

"Tumpak na tumpak!",sabi ng Diyablo.

~~King Lucius' POV~~

**Flashback**
------King Lucius @ 17------

"Lucius,napagkasunduan na namin na ipakasal na kayo ni

Nandito ako ngayon sa paraiso ng mga sirena. Dadalawin ko lang ang pinakamamahal kong kaibigan. Oo,ang aking bestfriend na sirena. Siya ay maganda at mabait.

"MARINA!",sigaw ko.

Ganyan lang palagi ang sinisigaw ko at dali dali na siyang pupunta sakin.

Pero bakit wala pa siya ngayon? Hmmm. Baka may inutos lang sa kanya ang ama niya. Ang pamilya kasi nila ang itinuturing na mga lider ng mga sirena.

Ilang minuto pa akong naghintay ngunit wala pa siya. Aalis na sana ako nang marinig ko siya.

"Lucius! ",tawag niya sakin.

Hinarap ko siya. Kitang kita sa mukha niya ang saya. At ramdam ko rin sa presensiya niya.

"Marina! Ang saya mo ata ngayon ah? Haha",natatawang tanong ko.

"Hahaha! Palagi kaya!",sagot niya. Umupo ako sa may bato,tinabihan niya naman ako. Nakikita ko ang ibang mga sirena na naglalaro at nagkukulitan. Para lang rin silang mga normal na elementalian,yun nga lang,buntot ang sa kanila. Magaganda sila at may nakakahalinang boses. Iba't ibang kulay na mga buntot,mga palamuti sa ulo at mga paa't leeg,may iba't ibang kulay ang mataas na wavy nilang buhok,at may mga damit na pantaas rin sila na puno rin sa palamuti. Si Marina ay may kulay bahagharing buhok na hanggang bewang niya ang haba at may pinagsamang kulay ginto at pilak na mga buntot na pagnasisinagan ng simag ng araw ay kumikislap. Siya ang pinakamaganda na sirena. Tinuturing nila siyang prinsesa dahil sa angkin niyang kagandahan.

"Ang ganda talaga dito. Ang sarap pa pakinggan ng mga musika.",sabi ko.

May grupo-grupo din sila. Sa isang side,mga musikero at mga sirenang tumutugtog ng harp. May mga sirena ding nag-aayos ng buhok. At may mga flirt2 din.

"Siya nga pala,may maganda akong balita. ",sabi ko sa kanya habang nakangiti.

Sana maging masaya siya para sakin.

"Ano ba yun? ",tanong niya.

"Huwag kang magugulat ah? Hahaha! Ikakasal na kami ni Jill.Si ama mismo ang nagsabi.",masayang pagbabalita ko sa kanya.

"Ta-talaga? M-masaya a-ako p-para sayo.",nauutal na sabi niya habang pumipiyok.

"H-hey.. Why a-are you crying? Did I say something wrong? ",tanong ko. Kaya ayaw kong sabihin sa kanya eh. Ayan tuloy,umiyak siya. Humihikbi na siya ngayon.

"M-marina. Patawarin mo ako kung may nasabi man akong mali", malungkot na sabi ko.

"Huwag m-mo kong i-intindihin.",sabi niya.

"Hindi pwede. Kaibigan kita Marina.",sabi ko.

"Yun na nga eh. Kaibigan mo lang ako. Wala pa bang hihigit pa dun? M-mahal kita Lucius.",sabi niya.

"A-alam mo namang h-hindi---",sabi ko.

"Pero handa kong isakripisyo ang buntot ko para sayo Lucius.",sabi niya.

Hindi naman ako nakasagot.

"Congratulations na lang. Sana maging masaya ka.",sabi niya at lumangoy na.

"Marina! Marina! ",tawag ko pero hindi na siya bumalik.

--End of Flashback--

"Bakit pati si Jin ay nawala?! May inutusan ka rin ba?! ",tanong ko.

"Aw ang prinsesang yan? Hahaha Oo naman! Kinulong ko na nga lang! Walang silbi yung babaeng yun. Sinabi kong patayin ang bata pero binuhay niya! ",sabi niya. Kasabay ng pagsigaw ng demonyo ay ang pagkidlat ng malakas.

"Sino ba an babaeng yon at nang mapasalamatan ko dahil may papatay pa sayo ngayon!",pang-aasar ko.

Mukha namang hindi ito umepekto bagkus ay ngumisi pa ito.

"Ako ang papatay sa kanya!",sigaw niya at kumidlat na naman. Habang nag-uusap kami ay nakikinig lang ang lahat habang alisto pa rin.

'Ama pumunta ka sa likod niya at dun mo siya asarin at kausapin habang ginagawa ko ang mga dapat kong gawin.',mensahe ng anak ko sa pamamagitan ng isip.

Sinunod ko naman at habang kinakausap ko siya ay lumalakad ako hanggang nakarating na ko sa likod niya.

--Jane's POV--

Kinakausap pa rin ni Ama ang demonyo habang ako ay sinasabihan na ang lahat sa gagawin.

May isa pa nga pala ako espesyal na kakayahan. Ang kakayahan na magtago ng enerhiya kahit gaano pa ito kalakas.

'Simulan niyo na'.-sabi ko.

Una akong pinalibutan ng mga Diyosa habang isa-isa silang pumasok sa katawan ko. Ang dalawang fairies ko din pinalibutan ako ng kanilang kapangyarihan.

Pagkatapos nila ay pinalibutan ako nina Zach,Oceane,Foresty at Aira. Sinenyasan ko sila. Nagkatinginan kami ni Zach,kita ko ang hesitation sa mata niya,nginitian ko lang siya. Ngumiti lang rin siya.

They started transferring element energies to me. Sa una ay magaan pa ito pero unting-unti ring bumibigat. Kaya ko to.

Sa katawan ko dumidiretso ang mga enerhiya ,mula sa katawan ko ay may proseso itong pagdadaanan bago mapunta dito sa elemental ball na hawak ko.kulay perlas ito. Lumalaki.

Naglalaban na sina ama at ang demonyo ngayon. Mukhang masyado nang nasaktan si Ama. Sinenyasan ko naman siyang umalis na sa likod ng demonyo. Mukhang naiintindihan niya naman.

"AHHHHHHHH",sigaw ko at buong lakas na itinapon sa demonyo ang bola. Natamaan naman ito at biglang lumiwanag ang paligid. Sobra itong nakakasilaw.

"AAAAGGGGGHHHHH!",malakas na sigaw ng demonyo.

Pagkatapos ng sobrang lakas na liwanag ay ang normal na pagliwanag ng paligid.

Naghihina ako. Nanghihina at pagod na pagod ang katawan ko. Hindi na kinaya ng katawan ko at natumba na ko. Buti na lang may nakasalo sakin.

"You will be okay.",sabi ni Zach pero ramdam ko ang kaba sa boses niya.

"B-bring m-me to M-miku. Please. z-zachey.",nanghihinang utos ko.

Elemental Kingdom: The Long Lost PrincessWhere stories live. Discover now