Eleven

121K 3.2K 91
                                    

Jane Mendez:

Kasalukuyan akong nakahilata sa sofa habang nakatulala. Paano ko nga ba kasi mapapalabas ang mga fairies ko kung kapangyarihan mismo ay wala ako? May guardian fairies summoning kami at problema ko kung ano ang gagawin ko.

"Anong problema mo besty? Bakit parang pasan mo ang mundo sa itsura mo?",natatawang tanong ni Angie.

Nilingon ko siya nang may pag-aalala sa mukha ko. Naging seryoso naman ang mukha niya at umupo sa sahig katapat ko.

"Hindi ko alam kung paano yung pagpapalabas ng Guardian at Protector Fairies. Di ko nga alam paano magamit ang kapangyarihan ko kung meron nga ba talaga. " naiiyak kong sabi. Nginitian lang ako ni Angie.

"Ano ka ba besty. Huwag kang panghinaan ng loob. I know you can do it. Just trust yourself.",sabi niya sabay tapik sa balikat ko. Napabuntong-hininga na lang ako sa sitwasyon ko ngayon.

Hindi ko maiwasan ang hindi panghinaan ng loob lalo na at wala akong ideya sa paggamit ng kapangyarihan.

"Tumayo ka na.",sabi niya at inalalayan ako sa pagtayo. Tuwing naiisip ko ang problema ko,nanghihina ako.
---

Lumipas ang isang araw,wala pa rin akong maisip na gagawin. Patay ako nito! Kahihiyan na naman ang matatanggap ko. Bahala na si .. si.. ah basta! Bahala na!

"All students of Greink Magwer Academy,please proceed to the arena right now. All stu........."

Oh myy! Ito na. Ito na talaga. Shems. Feeling ko bibitayin nako. Kinakabahan talaga ako.
Naglalakad ako habang hinahaplos ang mga kamay kong nanlalamig.

Ang arena ay yung may mga nagtataasang bleachers na nakapalibot sa mismong field.

Ano nang gagawin ko. Yung mga kasama ko ay sobrang excited dahil nga makikita na nila ang mga fairy nila samantalang ako mukhang biyernes santo.

"What's with the Face? Hahaha",natatawang tanong ni Zach. Pake niya ba. Eh sa kinakabahan ako eh!

Hindi ko na lang siya pinansin.

*sigh* Naka-ilang buntong-hininga na ba ko. Hindi ko na nabilang. Nanlalamig rin ang mga kamay ko at may paru-paro na rin sa tiyan ko.

Nakarating na kami sa mga upuan namin. Agad naman kaming umupo. Marami na rin ang mga studyante dito. Mga ka-batch lang namin ang magpeperform today samantalang ang mga lower years ay nandito lang para masaksihan ang mga pangyayari.

May naririnig na naman akong tawa. Lumingon ako sa parte ni Zach at aba! Pinagtatawanan na naman ako. Not really a super duper laugh but a chuckle. Soft chuckle. Pero hindi niyan mawawakli ang katotohanan na pinagtatawanan niya pa rin ako. Hmp.

"Why are you laughing?",naiinis na tanong ko sa kanya. Humalukipkip ako para maitago ang nanginginig kong mga kamay. Nakakainis siya. Huahua. Ikaw ba naman ang pagtawanan sa Life between Death moment ng life mo. Maiinis ka talaga.

"You're so cute",sabi niya sabay kurot ng pisngi ko. Nakangiti siya habang ginagawa yon habang ako ay pumapanget! Siya ay gumagwapo habang ako ay pumapanget sa pagkurot niya. Ang unfair! Hmp.

"Ouch.. it hurtsh!",sabi ko. Yung dalawang pisngi ko kasi yung kinurot niya.

"Ehem! Shocking but Oh..How sweet! Right students?",natutuwang sabi ng Emcee habang pumapalakpak-palakpak pa na parang bata. Sino kaya ang tinutukoy nila?

Todo kantyaw naman ang mga studyante. Typical students but the difference is they are extraordinary. They have powers.

Pagtingin namin sa field ay siya namang pamumula ng pisngi ko hindi dahil sa kinurot ito ni Zach ngunit dahil lahat ng ginawa namin kanina ay nakita ng buong students. Oh my ghad! Nakita nila ang pagka-inis ko da prinsipe nila! Humayghad!

Elemental Kingdom: The Long Lost PrincessWhere stories live. Discover now