Seventeen

105K 2.6K 64
                                    

Jane:

Nag-aayos na ko para sa training ko sa elemento ng hangin. Sina Aira at Tyron ang magiging trainor ko sa pag-eensayo dahil hangin ang elemento nila.

"Jaaaaaane! Matagal ka pa ba jan? Aissh...", reklamo ni Aira. Err. Kahit kailan talaga mainipin itong prinsesang ito.

"Andyan na nga. ",sabi ko at bumaba na dahil mukhang inip na inip na sila.

"Oh..halina kayo.",pag-aaya ni Tyron nang makita na niya ako.

"Teka..San tayo magtrai-training?",sabi ko.

"Sa itaas.",sagot ni Aira.

"Ahhh....okay so pano tayo pupunta dun? ",tanong ko.

"Edi,lilipad! Tara na!",sigaw ni Tyron at Aira. Nagulat ako nung bigla nila akong hinigit at isinama sa paglipad nila.

"Ahhhhhhh!!!",tili ko. Ikaw ba naman ang higitin papalipad. Ang taas kayaaaa!

"Tumahimik ka nga. Nakakarindi eh. Inaalalayan ka namin kasi alam naming hindi mo pa alam kung paano gamitin ang kapangyarihan mo.",reklamo ni Tyron.

"Okay.Fine! Sino ba kasing hindi magugulat kung bigla-bigla na lang kayong hihigitin! Hindi niyo mn lang ako ininform! Grabe kayo! ",sabi ko na natatawa,na naiiyak na ewan. Huhu.

Tinawanan pa ko ng mga ito!

Pagkalipas ng ilang minuto ay nakarating na rin kami sa lugar kung saan ako magtraitraining.

Isang Cloud Field?

"Wooow! Yaaay! Ang ganda naman dito.",sabi ko.

Tumalon-talon ako at pumapalakpak pa. First timer kasi! Haha

"Hahaha! Para kang bata Jane. Promise.",sabi ni Aira.

"Hahaha! Oo nga! ", pagsang-ayon ni Tyron.

" Eh sa first time ko dito eh tsaka walang ganito sa mundo ng mga tao! Hahaha", sabi ko. Tuwang tuwa talaga ako. Halata naman ata! Hahaha

"Magsimula na tayo!",sabi ni Tyron.

Nagseryoso na kami at nagsimula na. Uhmm. I'm kinda nervous.

"Okay. First thing to do is makipag-usap ka muna sa spirito ng hangin o kung maswerte ka,ang dyosa ng hangin mismo ang makakausap mo. Just close your eyes,concentrate and feel the air around you.",sabi ni Aira.

"Okay.",sabi ko.

Pumunta ako sa pinakagitna at nag-indian seat. Pinikit ko ang mga mata ko at nagconcentrate. Pinakiramdaman ko ang hangin sa paligid ko.

Nung time na wala na akong marinig na ingay ay binuksan ko na ulit ang mata ko at nandito na naman ako sa pamilyar na lugar na ito.

Maraming maliliit na buhawi sa paligid at sa pinakadulo ay may napakalaking buhawi.

"Mahal na Prinsesa.",tawag ng babae sakin. Isang malambing na tinig ang aking narinig.

"Matagal kitang hinintay.",sabi niya.

Alam kong ang air goddess ito kaya agad akong naglakad papunta sa kanya.

Nung nasa malapit na ako ay may biglang humarang na gray na dragon sa harap ko.

Uh-oh...mukhang ito na ang sinasabi nila na pagsubok. Gooosh!

Agad siyang sumugod sakin at buti na lang talaga at naka-ilag ako.

"Waaaaah! Tulungan niyo po ako! Kahit tips man lang!",natatakot na sigaw ko habang ilag ng ilag. Sugod din kasi ng sugod ang dragong ito.

"Just think that the air power is already with you.",sabi ng Air goddess.

Elemental Kingdom: The Long Lost PrincessWhere stories live. Discover now