Fifteen

124K 3.5K 209
                                    


Jane Mendez:

Ito na ang araw na ipakikilala ako sa mga taga-EW. At grabe ang kaba ko ngayon.

"Tara na anak?", tanong sakin ni Inang Reyna habang maingat na hinahaplos ang buhok ko. Nakasuot ako ngayon ng puting ball gown na napapalamutian ng mga diyamante,ginto at pilak. Ang buhok ko ay naka-updo. Nakasuot rin ako ng pilak na kapa.

Tapos na ang pagpapakilala sa iba pang mga Reyna,Hari,mga prinsesa at prinsepe.

At ngayon,ito na ang aming pagkakataon na magpakilala.

Inhale..

Exhale..

Inhale..

Exhale..

" Let's go. I'm ready Mama and Papa.", sabi ko at nginitian ang aking Ina at Ama.

Hinalikan ako ng dalawa pagkatapos ay tumingin sa messenger.

"We're ready.", sabi ng aking ama sa isang lalaki na parang butler.

May pinapatunog sila na parang tambol at pagkatapos ay mga torotot naman bago kami tinawag.

"Let's all welcome! The King and Queen of the Elemental Kingdom. ", sabi ng announcer. Unang lumabas ang aking mga magulang.

Yumuko ang mga tao kasunod ay nagpalakpakan. Huli akong ipapakilala dahil ako ang main character ng event na ito. Para sa pagbabalik ko ang party na ito.

" Hindi naman siguro lingid sa inyong kaalaman ang insidenteng nangyari ilang taon na ang lumipas. May isang traydor ang dumukot sa aming nag-iisang anak habang kami ay walang malay. Lubha kaming nagluksa noon dahil hindi namin ito mahanap-hanap. Ito ay NOON. Dahil ngayon ay nahanap na namin ang aming pinakamamahal na anak,ang inyong prinsesa,ang pinakamakapangyarihan sa lahat at ang magliligtas sa ating lahat. It's none other than The Long Lost Powerful Princess of the Elemental Kingdom!

Princess Jania Jin Rim!!",sabi ng aking ama.

At ito ang hudyat ng aking paglabas papunta sa terrace na makikita ang lahat dumalo. Naghiyawan ang mga dumalo dahil marahil sa saya.

Inilibot ko ang aking mga mata. Maraming elementalian ang dumalo sa kasiyahan.

Pagkatapos ng pagsasaya ay agad silang yumuko tanda ng paggalang.

"Maligayang pagbabalik Mahal na Prinsesa.", sabay na sabi nila.

Agad akong nagpasalamat at ngumiti habang kumakaway. Nagpalakpakan naman sila.

'Siya pala talaga yung prinsesa.
Ang ganda niya.'

'Isang dyosa.'

Ang ganda ganda ganda niya talaga.'

Nagbow din naman ako. Yung pangroyal. Tinuruan ako nila Ina kahapon.

Pagkatapos akong ipakilala sa mga simpleng mamamayan ay sunod naming pinuntahan ang Ball Room.

Doon ako kokoronahan. Nakahawak sa magkabilang kamay ko ang mga magulang ko. Masaya ako dahil doon.

----

Pagkatapos kong makoronahan ay agad akong pinuntahan ng mga elementalian at binati. Marami ang mga bumati sakin. Nagpapasalamat ako at ngumingiti tuwing pinupuri ako.

Pagkatapos ng batian portion ay agad akong pumunta kina Angie.

"Hello Guys!",pagbati ko.

Magbo-bow na sana sila nang pinigilan ko.

Elemental Kingdom: The Long Lost PrincessWhere stories live. Discover now