Chapter 46

55.3K 1.6K 84
                                    

~~Jane's POV~~

Pumasok na muna ako sa kaharian at sa kwarto ko upang kunin ang isang bagay na parang may kaugnay sa pagkatao ko. Ang half-heart shaped na necklace ko na may girl na nakaprint.

Parang may nagsasabi sa kaloob-looban ko na dapat ko itong dalhin. Sa hindi ko rin malamang dahilan.

*-*-*-*-*-*-*

~~Oceane's POV~~

Ikalawang araw na ng labanan.Marami nang nasawing elementalians,may tatlo na ring kahariang bumagsak. Pagod na pagod na ang lahat.

Buti na lang at nandyan ang mga healers at energy boosters para kahit papano ay magamot ang mga sugat at magkaroon uli kami ng mga sapat na lakas.

Bigla na lang kumulog ng malakas kaya nagulat ang lahat at bigla na lang napa-atras.

"Ito na ata ang hudyat na malapit na ang kanilang pinuno.",sabi ni Foresty at tumira ng Leaf boomerangs sa kalabang papalapit sa kanya.

Kanya-kanya naman kaming tira sa mga kalabang lumalapit samin.

"AHAHAHAHA~!",tawa na nakakapanhindik balahibo!

Dalawang tinig na magkasama. Tinig na parang  mangkukulam at tinig na parang higante.

"AHAHAHAHAHA~!"

Napatakip naman kami ng tenga dahil hindi na namin mainda ang tinis ng kanyang boses.

Bigla na lang may tatlong  itim na mga dragon ang biglang lumipad galing sa itaas. Kaya agad naman kaming gumawa ng shield para kung sakaling sugurin kami.

Umikot-ikot lang ito.

"Ahahahaha~! Kumusta na ang kaharian at mundong dapat ay para sa akin?",sabi ng tinig na ngayon ay naging isang normal na malambing na lang. Isang napakalambing na tinig ng isang babae.

"Anong pinagsasabi niya? Nababaliw na ata.",sabi ni Aira.

"Tahimik! ",bigla nitong sigaw at bumaba na ang tatlong dragon.

AT hindi kami makapaniwala sa aming nakita. Hindi ko aakalaing tratraydurin lang kami ng dalawang ito. Itinuring namin silang mga kaibigan ngunit kalapastangan lang ang kanilang ipinalit doon.

"L-Lily? C-cyrus? B-bakit? ",hindi makapaniwalang tanong ni Jane.

"Ang tanga niyo lang kasi.",sabi ni Lily in a cold way.

Hindi pa namin nakikita ang mukha ng kanilang reyna dahil may takip ang mukha nito.

"Napakahayop mo! Napakasama! You traitor!",sigaw ni Foresty.

Nawala na ang shield at magkaharap na lang kami ng mga traydor na ito at ng kanilang tinatawag na reyna.

Ang reyna ay may dalang kahoy na may bungo sa ibabaw. Ang kulay ng butas ng mata ng bungo ay pula. At ang itim na bistida ng babae ay napapalamutian ng pula at itim na diyamante. At may itim na tela din ang nakatakip sa buo niyang mukha. At hindi mo maipagkakaila na      napakakinis at puti ng kanyang balat.

"Kumusta na ang susunod na reyna ng mga elementalians?",sabi ng reyna ng dark world sa isang malambing ngunit nakakatakot na tinig.

"Mabuti. Mabuting mabuti para patumbahin ka!",sagot ni Jane.

"Hahaha~! Talaga bang mapapatumba mo ko? Hmmm.. Tingnan natin.",sabi ng reyna.

"Konti na nga lang kayo ngunit nagawa mo pang magbiro? O biro ba talaga yan? O sadyang palusot lang? ",sagot ni Jane.

"Wala akong paki-alam dahil ako lang ang pinakamalakas!",sabi ng reyna na halatang galit na.

"Ikaw ang pinakamalakas,kung .wala. ako. dito!",sagot ni Jane at ngumiti ng mapang-asar.

Elemental Kingdom: The Long Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon