Forty-Five

49.5K 1.3K 25
                                    

Chapter 45

~Third Person's POV~~

Habang naghahanda at nag-eensayo ang lahat ay unti-unting dumidilim ang kalangitan. Naalerto naman ang lahat.

"Ito na! Ito na ang hudyat! Magsipaghanda na kayo! ",kanya-kanyang sigaw ng mga tao.

"Malapit na sila! ",sigaw ng isang lalaki.

Kanya kanya silang pwesto. May ibang nakaguhit ang takot sa mga mukha,may ibang may determinadong mata at may ibang gusto na atang magtaya. Magtaya ng buhay.

Kanya-kanyang labas ng mga sandata,hayop,fairies atbp.

Kanya-kanyang tayo ng matitibay na ilang layers na Force Shield ang mga palasyo pati mga paaralan.

Sa loob naman ng palasyo ng Elemental Kingdom.....

"Anak,mag-iingat ka. ",sabi ng Reyna sa prinsesa.

"Opo Ina,pangako.",sagot naman ng prinsesa at niyakap ang kanyang Ina.

"May tiwala ako sayo anak. Tara na? ",aya ng hari sa kanya.

"Tara na po.",ang sagot ng prinsesa.

Nagmamadaling lumabas ang mag-ama at nakita nila ang mga naglalaban-laban sa di kalayuan.

Nilabas na ng prinsesa ang lahat ng kanyang guardian,elemental animals,at fairies.

May sumugod agad sa kanyang mga dark wizards ngunit agad niya naman itong naiwasan at pinaulanan sila ng sangkaterbang pinagsamang elemento na singtulis ng kutsilyo.

Agad na naglaho ang mga ito at may sumugod na naman sa Prinsesa, mga mangkukulam na nakasakay sa walis at may hawak na mga lason.

Agad naman siyang nakagawa ng isang shield ng sabuyan siya ng isang mangkukulam ng lason.

"You witch! Blades! ",sigaw at pagkatapos ay tumira ang prinsesa ng mga blades ng iba't ibang elemento. Tinutulungan niya din ang mga mukhang nahihirapan sa labanan ,ang mga nahihirapan sa nakakalaban at mga malapit matamaan.

**Earth Kingdom**

Kanya kanyang kalaban ang lahat. Marami ng nasusugatan at marami na rin ang mga namamatay.

"Mahal na Reyna, Prinsesa! Mabuti pa't pumunta na kayo sa Elemental Kingdom. Marami na pong nasawi at hindi po maaaring pati kayo ay masaktan. At malapit na pong masira ang force shiels.Tara na po!",sabi ni Chad at tinawag ang kanyang dragon at sila ay sumakay.

Sa byahe ay maraming sumasalakay sa kanilang mga halimaw ngunit napapatay rin naman nila ito. At tagumpay silang nakarating sa Elemental Kingdom.

"Ina dumiretso kayo sa loob,Chad ihatid mo si Ina,tutulungan ko si Jane.

"Jane! ",tawag ni Foresty kay Jane at sinaluhan ito sa paglalaban.

"Foresty,anong ginagawa niyo rito? ",tanong ni Jane habang may pinatatamaang halimaw.

"Marami ng nasawi sa Earth Kingdom at malapit nang masira ang shield nmin dun. Nandoon si Ama upang patibayin ulit ito at para na rin hindi ito tuluyang bumagsak. Susunod rin ata sila dito mamaya. Argh Earth Punch! ",sabi ni Foresty at tumira nang malahiganting lupang kamay na humampas at sumuntok sa napakaraming evil elves at mga manananggal.

**Air Kingdom**

"Arrrgh! Langya kayong mga halimaw kayo! Air spikes! Air bladeees! Aiiiir Tornado! ",sigaw ng prinsesa Aira sabay tira sa mga lumilipad na halimaw at mga manananggal.

"Airabebs,chill ka lang. Nakakatanda yan,sige ka. Isipin mo lang na naglalaro ka para --opsss-- mukha ka nang bata ulit.",biro ni Tyron na abala rin sa pakikipaglaban.

"Hoy Ty! Grabe ka nakuha mo pang magbiro sa sitwasyong to ah! ",sabi ng prinsesa.

"Basta, ang mamamatay sa labanang ito ay napakapangeeeet at amoy imburnal! ",sabi ni Tyron.

"Yuck! Hinding hindi ako mamamatay! Tandaan mo yan! ",sabi ng prinsesa.

"Thats my girl! ",sabi ni Tyron at tumira ng malaking Air ball sa isang dragon.

"Prinsesa at Tyron,kailangan niyong pumunta sa Elemental Kingdom para protektahan ang prinsesa. Nandoon na sina Foresty at Chad. Pati na rin ang mahal na reyna dahil malapit nang bumagsak ang Earth Kingdom.",sabi ng butler namin.

"Pero kailangan kong protektahan ang kaharian ko!",sagot ng Prinsesa Aira habang nakikipaglaban pa rin.

"Kung mamamatay ang prinsesa,parang wala lang ang lahat ng pinaghirapan niyo.",sabi niya.

"Osige pero huwag na huwag niyong pababayaan ang kahariang ito,maliwanag ba?!",sabi ng prinsesa Aira at lumipad na kasama si Tyron at ang kanyang mga summons.

Ganun din ang ginawa ng iba pang prinsesa,selected warriors at ng prinsipe.

>>To be continued.

Elemental Kingdom: The Long Lost PrincessWhere stories live. Discover now