Forty-Eight

53.4K 1.4K 63
                                    


~~Jane's POV~~

"Sumuko ka na Miku! ",sigaw ko sa kanya.

"Wala iyan sa bokabularyo ko!",sigaw niya sa nakakatakot na boses na naman at sinugod ako.

"Evil Flame sword!",sigaw niya. Ginawa niyang nagbabagang espada ang baston niya. Malaking espada.

"Elemental Sword!",at nagsummon naman ako ng espada na meron ang limang elemento.

"Yaaaaaaaaah! ",sugod niya at nagsimulang ipatama sakin ang espada.

Panay salo naman ako at ilag.

"Hinding hindi mo ako matatalo! Yaaaah",sigaw niya

"Tingnan natin.",sagot ko naman at tumira ng Air Shurikens at hindi niya nailagan lahat kaya nadaplisan siya sa pisngi.

"Arrrrrrrrrgh!",ungol niya at mukhang galit na galit na ata.

~~Third Person's POV~~

Kapwa nakatapak na ang dalawa sa lupa at masamang nagtititigan.

Sumugod si Miku at patatamaan sana si Jane sa balikat ,buti na lang ay agad itong nasalo ng prinsesa.

Patuloy pang naglalaban ang dalawa. Puro tunog lang ng kanilang mga espada ang naririnig nila. At kapwa parehong seryosong seryoso sa kanilang labanan.

~*-*-*-*-*-*-*

"Ang ganda talaga ng prinsesa,pwedeng pwede nang maging asawa.",sabi ni Cyrus at ngumisi habang tumitingin kay Zach.

Tumunog naman sa tenga ni Zach ang mga salitang iyon. Nagalit siya pero nanatili pa rin siyang kalmado.

"Hindi ka nababagay sa kanya.",sagot ni Zach.

"Kung bagay kayo,mas bagay kami.",sabi niya.

"Walangya ka.",bulong ni Zach.

"Fire Blades!",tumira si Zach kay Cyrus. Nasalo naman ito ni Cyrus gamit ang kanyang Dark Shield.

Lumipad naman si Zach at tumira ng pinagsamasamang Fire Blades,Fire shurikens,at Fire Blast. Napakarami ang kanyang itinira kaya hindi nailagan ni Cyrus ang iba. Kaya siya ay nasugatan sa kanang bahagi ng bewang niya.

Napahiga si Cyrus kaya tumira si Zach ng Poisoned Fire Ball. Ngunit naiwasan ito ni Cyrus at tumira ng Dark shurikens kay Zach. Nadaplisan ang tuhod ni Zach na ikinatuwa naman kahit papano ni Cyrus. Pero kalaunan ay nagulat ang dalawa dahil bigla itong naghilom.

Bigla namang kinabahan si Cyrus.

Tumira ng Fire Punches si Zach na nagpatalsik kay Cyrus.

Pinuntahan naman siya ni Zach.

"Sa-salamat..A-at Pa-pa-patawa-warin n-niyo a-ako s-sa pang-t-tra-traydor n-na g-ginawa k-k*cough* ko. A-ayaw k-ko l-lang t-tala-g-gang m-masa-saktan a-a-ang p-pamilya k-k-ko. A-a-alaga-gaan n-niyo s-sana s-s-sila. Pa-pa-paalam.",huling habilin ni Cyrus at pinatay ang sarili.

"Kuyaaaaaaaa",sigaw ni Lily sa di kalayuan habang nakatingin kay Cyrus na unti-unting pinapatay ang sarili nang may malungkot na ngiti sa mga labi.

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*

"Water spikes! ",sigaw ni Oceane at pinatamaan si Lily. Nakaiwas naman ito at tumira din ng Dark Balls. Nailagan rin naman ito ni Oceane at tumira rin ng Water Knives.

"Water Bow and arrow.",nagsummon si Oceane ng Bow and arrow na gawa sa tubig.

"Dark Knives.",nagsummon rin si Lily ng mga kutsilyong may itim na kapangyarihan.

Tira lang sila ng tira at kapwa naiiwasan naman nila ito.

Hanggang sa dumating si Aira at tumira ng Air Spikes na nakadaplis sa kaliwang braso ni Lily.

"Two vs. One,huh? ",sabi ni Lily at ngumisi.

Nasa gitna ng dalawa si Lily.

Tumira si Aira ng Air Tornado pati na rin si Oceane ng Water Tornado. Kinontrol naman ito ng dalawa at pinagsamasama at nilagyan naman ito ng bagong dating na si Foresty ng Earth Spikes.

Pinakawalan na nila ito at itinira papunta kay Lily. Iiwas na sana siya nang hindi siya makagalaw.

"Aaaaaaaaaaah!",sigaw niya.

Kitang kita ng tatlo kung paano natusok ang puso niya. At lalong lalo na ang mga luhang pumatak mula sa mga mata niya. At ang ngiting hinding hindi na nila makikita kahit kailan. Ngiting nagpapasalamat.

*-*-*-*-*-*-*-*-*

"Freeze.",umiiyak na sabi ng hari habang nakatingin kay Miku. 'Para sayo lang ito anak.'

"Arrrgh! Bakit hindi ako makagalaw?! ",sabi ni Miku.

Sumemyas naman ang hari kina Jane.

Naiintindihan naman ni Jane at ng mga prinsesa at Prinsepe ang senyas na iyon at sinimulan na ang dapat gawin.

Gumawa ng bilog sina Zach,Foresty,Aira,Oceane at Jane. At gumawa ng napakalaking elemental ball sa itaas.

Zach-red(fire)

Aira-white(air)

Oceane-blue(water)

Foresty-green(earth)

Jane-sparkling white(spirit)

Nag-iipon ipon pa sila hanggang sa naging malaking malaki na ito.

Umiyak naman ang hari,reyna at ang prinsesa.

"Mahal kita kapatid pero k-kailangan ko tong g-g-gawin.",sabi ni Jane.

Itinira na nila ang Elemental Ball kay Miku at hindi naman ito nakailag dahil hindi ito makagalaw.

"HINDIIIIIIIIII!",sigaw ni Miku sa halimaw na boses.

"Mikuuuuu!",sigaw rin ng reyna. Tatakbo sana ito ngunit pinigilan ito ng hari.

Tumalsik si Miku at nabasag ang kanyang baston. Duguang bumagsak si Miku sa lupa at nawalan ng malay.

Tumingin ang mga natirang elementalians,fairies at guardians sa paligid ngunit hindi nila ito nagustuhan dahil sa nagkalat ang mga patay at duguang mga katawan. At mahahalata mo sa mga mukha nila ang pagod.

"BWAHAHAHAHAHA! Sa wakas! Nakatungtong ulit ako sa mundong ito!",panibagong malahalimaw na tinig ang kanilang narinig na nagpagulat sa kanila dahil mula sa lugar kung saan nakahiga si Miku ay may lumabas na......

To be continued....
Im not fine today. Hmm..
So it turnet out to be lame. I find this lame. But don't worry I'll edit this chapter as soon as I recover. <3
-sino o ano kaya yun? Comment down below. Ang makahula ay imemention ko sa next update.

Elemental Kingdom: The Long Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon