Chapter 4

149K 3.7K 287
                                    

Jane's POV

Kasalukuyan kaming bumabyahe patungo sa bahay ng mga tumatayo kong mga magulang para magpaalam. Nakatingin lang ako ngayon sa labas ng kotse habang nakatulala. Hindi ko ata kayang iwan sila pero alam kong kailangan. Base sa mga nalaman ko, hindi ako normal. May nakokontrol ako na hindi nakokontrol ng normal na tao. Kailangan kong umalis para sa ikabubuti ng mga taong nakapaligid sakin.

Tahimik lang sa loob ng kotse dahil walang gustong magsalita. Nalaman ko ring magkapatid pala ang dalawa. Kung wala lang sana itong problema ko ngayon, kanina ko pa inasar si
besty.

Napabuntong-hininga na lang ako. Kaya ko ba talagang iwan sila? Sa pag-iisip pa lang niyan ay naiiyak na ako.

Mukhang kailangan kong kayanin pero mas mabuti na rin siguro ito upang mailayo ko sila sa kapahamakang dala ko.

"Nandito na tayo iha.", Ms. Fayr said softly.

Sa sobrang lalim ng isip ko, di ko namalayang nakarating na pala kami sa bahay.

"Ms. Fayr, sasama po ba kayo sa loob o hindi na?",tanong ko sa kanya.

" Sasamahan ka namin.",sagot niya sabay ngiting malungkot. Marahil ay alam ni Ms. Fayr ang nararamdaman ko sa panahong ito. Sino ba naman ang hindi malulungkot kung magpapaalam ka sa mga tumayong magulang mo simula pa nung sanggol ka pa lang?

Lalo pa at hindi ko ito plinano, sadyang kailangan lang talaga. Hindi naman makitid ang utak ko para hindi na lang tanggapin ang katotohanan lalo pa't nakita ito mismo nang dalawang mata ko. Kapag hindi pa ako magpapakalayo sa kanila, baka dadating ang panahon na masasaktan ko sila nang hindi ko sinasadya gaya nang nagawa ko sa mga lalaking iyon. At iyan ang kinatatakutan kong mangyari.

"Sige po. Maraming salamat.", sagot ko naman saka sinuklian rin siya ng isang pilit na ngiti.

Sabay kaming lumabas ng sasakyan. Niyakap ako ni besty. Napatulo naman ang luha ko dun. That's what I need that time, a hug.

Pagkabitaw namin sa isa't isa ay agad akong naglakad papuntang gate. Naiiyak na ako kahit hindi pa ako nakakapasok ng gate. Paano pa kaya kung kaharap ko na mismo ang Mommy at Daddy? Kakayanin ko kaya?

Napabuntong hininga na lang ako sa iniisip ko.

Nang nasa tapat na ko ay agad bumukas ang gate. Pagkapasok ko ay sinalubong ako ni Manong Robert.

"Maam, saan po ba kayo nanggaling? Alalang alala po ang mga magulang mo sayo. Pinapahanap ka na nga po nila sa mga pulis.",tanong niya na may halong pag-alala pero nginitian ko lang siya ng konti. Pilit kong itinatago ngunit hindi talaga maitatago ang sakit na nadarama ko. Hindi ko na napigilan ang namumuong luha sa mga mata ko. Agad na naman silang naglaglagan. Hays.

"O-okay l-lang po a-ako. Ito nga po pala si Ms. Fayr, kapatid ni Angie.",sagot ko saka pinakilala si Ms. Fayr. Kilala niya na si Angie.

"Hello po Manong Robert.", bati ni Angie. Tinanguan lang siya ni Ms. Fayr.

"Magandang araw po.", bati ni Manong Robert sa kanila.

"Nandito po ba sina Mommy at Daddy?" tanong ko habang pinipigilan ang mga luhang nagbabadyang tumulo.

"Opo, kahapon ka pa nila hinahanap. Alalang-alala sila sayo.", sagot ni Manong Robert.

"Sige po. Maraming salamat. Puntahan ko lang po sila.", paalam ko kay Manong.

Naglakad kami papunta sa malaking bahay.

"Ang ganda talaga ng mansyon ni besty. Grabe nganga pa din ako kada pasok ko dito.", puri ni Angie sa bahay namin.

"Mansyon nina Mommy at Daddy.", natatawang sabi ko sa mapait na tono.

Kumatok muna ako. Agad naman akong pinagbuksan ni Manang Loring. Bumungad sakin ang gulat niyang mukha.

Elemental Kingdom: The Long Lost PrincessWhere stories live. Discover now