HAPPILY EXPECTING II

15.3K 150 30
                                    


"I'm looking forward to spending the rest of our lives together Babe. I can't even conceive of life without you. You're my one true love Babe. And I love you soooooo much!" Can't help but convey how much I love Miks.

"Babe, thank you for allowing me to keep you here in my heart. I love you too." She whispered as we hugged each other as if there were no tomorrow.

------------------------------------------------------------------------------------

MIKA's POV

4:15 AM gising na ako. And for the past days, I had trouble staying asleep.

Kief was still in his deep slumber. Kaya dahan dahan akong bumangon. Natawa pa ako coz when I pulled down our blanket, tumambad sa akin ang kanyang puwet. Haha! He's so naked. Good thing nakadapa sya. Hahaha! Kinumutan ko ulit sya. Ibubully ko sana kaso nakakaawa. Lokohin na raw ang lasing, huwag lang ang bagong gising. 🙊🙊🙊

Nakaramdam ako ng pagkalam ng sikmura. At para din akong masusuka. Gosh! Di ko maexplain my feeling. ahihi!

So I decided to take a shower first bago bumaba at magtingin ng makakain.

Pagbaba ko mga 5:30, I saw Mom and Dad doing their daily exercise. Halos patapos na ata sila. Kinawayan ko sila at binati ng magandang umaga. Dumirecho na ako sa kusina.

Manang Idot is preparing breakfast.

"Good morning Manang. Ano po breakfast natin dyan?" Tanong ko sa kanya.

"Good morning Be. Eto, Corned beef, scrambled egg, danggit, dried pusit, hotdog. Tsaka sinangag." Sagot ni Manang Idot.

"Wow! Sarap naman nyan Manang. Meron pa ba yung suka natin, yung masarap, yung Pinakurat?" I asked.

"Meron pa. Andyan sa may cabinet. Gawa na lang din ako ng kamatis, kasi yon ang gusto ng Daddy mo para sa danggit." Sagot ni Manang Idot.

"Manang, kakain na ako. Gutom na gutom na ako." Para akong batang nagmamakaawa kay Manang. Di na ako makapag-antay talaga. Naglalaway na ako.

"O sige, mauna ka na sa dining area at isusunod ko na tong mga niluto ko. Patapos na rin ata sa pag-iexercise sina Mommy mo." Wika ni Manang Idot.

"Tulungan ko na po kayo. Para mabilis." Nakangiting kong sagot.

"Haha! Gutom ka na nga talaga." Manang Idot.

"Opo, as in! Sabay na po kayo kumain." Yaya ko sa kanya.

"Naku, tapos na akong magkape at tinapay. Ok na ako doon. Lam mo namang pag umaga, di ako masyadong sanay kumain ng kanin." She smiled.

"Hello!!!" Bati ni Mommy.

"Hi Mom. Ayan, sakto, tapos na kayo. Sabayan nyo na akong magbreakfast Mom. I'm really starving." I said in jest.

"Sige, magshower lang ako saglit. Sunod na rin si Daddy." Mommy replied.

At habang inaantay ko nga sina Mommy at Daddy, nagpapapak na ako ng danggit. Wow! Ang sarap isawsaw sa pinakurat.

"Babe!!! Good morning! Grabe ha. Kumakain mag-isa. Di nagtatawag." Bati ni Kief.

"Oh gosh!.....Babe.....ginulat mo ako... Oi, ansarap ng tulog mo. Kaya di na kita ginising. Halika na. Breakfast na."

Lumapit sya sa akin sabay hinawakan ako sa magkabilang pisngi at hinalikan sa labi.

"Hmmmnnnn! Asim!" Sabi nya.

"Haha! Bad ka. Nagpapapak kasi ako nitong danggit." I said.

"Ano yan Babe?" Turo nya sa sawsawan ko.

One Last Chance (A MIEFER Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon