PREPPIN'

10.8K 133 20
                                    


MIKA's POV

I can't help but get teary-eyed as I see my son having so much fun on his 7th birthday. Masayang masaya rin kami syempre ng Daddy nya dahil sobra niyang naappreciate yung inihanda naming surprise party para sa kanya.

Around 9pm na kami nakauwi. Sobrang napagod ang birthday celebrant. Kaya knockout ito agad di pa man nakakarating ng bahay.

Wow! Our young man is 7. I still can't believe it. Parang kailan lang noong ipinagbubuntis ko pa siya. Naalala ko tuloy, madalas akong umiyak noon. Hindi kasi naging madali yung sitwasyon naming mag-ina. Lagi akong sinasabihan ni Mommy, kung lagi daw akong umiiyak, magiging iyakin din daw ang baby ko. Pinilit ko namang wag umiyak eh pero sadyang napakahirap.

It was my personal decision na huwag nang ipaalam kay Kief at sa pamilya nya na magkaka-baby na kami, that was after niyang humingi ng space in favor of his career.

Halos magunaw ang mundo ko noon. Para akong mababaliw. Mahal na mahal ko kasi talaga si Kief. Siya ang first love ko. Siya lang din ang lalaking pinagkatiwalaan ko dahilan upang isuko ko ang lahat sa kanya. Pareho kaming naging marupok at mapusok. Hanggang sa nagbunga nga ito.

When we left the country, I was really devastated. I even had nightmares. I had sleepless nights.

Nang malaman kong "boy" ang gender ng magiging baby ko, sabi ko sa sarili ko, "he will only be the MAN I am going to love for the rest of my life, other than my Dad".

I had suitors, yes! But it was as if they never exist.

Hindi ko masabing hindi pa ako ready back then. Siguro hindi lang talaga ako interesado.

Ibinuhos ko lang lahat nang attention ko kay Micoi. Ipinangako ko sa sarili ko na palalakihin ko siyang isang mabuting bata, that I will pamper him with everything he deserves, na kahit wala syang makagisnang ama, he will still feel complete with my presence and the presence of my parents and sibling.

Habang lumalaki si Micoi, mas tumindi yung longing nya to see his Dad. But I never really likened the idea na magkrus ang landas nila ng Daddy nya. Natatakot kasi ako noon na baka kahit ang anak ko, ireject nya. Or baka kunin nya si Micoi from me. Kaya naman kahit anong pilit noon nina Mommy at Daddy na umuwi na kami ng Pinas, ayoko talaga. Gawa na rin marahil ng sobrang sama ng loob ko kay Kief, na kahit ilang taon na ang nakalipas, hindi ko sya magawang mapatawad. Matindi kasi ang pagkaawa ko sa aking sarili. Kief dumped me for some stupid reason. At hindi ko yon matanggap.

Maluha-luha akong inaalala ang nakaraan. Hindi ko kasi sukat akalain na kakayanin kong palakihin mag-isa si Micoi. Although andyan ang parents ko at si Ate Coi all throughout the years, iba pa rin pala yung may partner ka, yung masasabi mong may asawa ka, at yung anak mo may matatawag na ama.

Napabuntong-hininga ako habang tinititigan si Micoi na mahimbing na natutulog. Pinipigilan ko ang sarili kong huwag mapahagulgol.

Pagkatapos nga pala ng birthday ni Micoi, we have exactly a month naman to prepare for the wedding.

Oh my! Iniisip ko pa lang na andami pa naming kailangang asikasuhin, parang di ko na kakayanin. Ayokong maging Bridezilla please.

Tried to check my "To Do List" on the phone, bahagya kong pinunasan ang luha sa mga mata ko. Napapasinghot pati kasi ako.

"Babe, are you okay?" Tanong nya sa akin. Napansin ata ni Kief from the rear-view mirror na parang bothered ako.

"Bebe girl, okay ka lang?" Halos sabay namang tanong ni Ate Sabel, na siyang nakaupo sa harapan.

"Oo naman. Why?" Balik kong tanong sa kanila. Kunwari busy akong nagbabrowse sa phone ko. Ayokong tumingin kay Kief sa rear-view mirror. Halata kasing medyo namumugto ang mga mata ko.

One Last Chance (A MIEFER Story)Where stories live. Discover now