LIKE FATHER, LIKE SON II

9.4K 142 41
                                    

AT PRESENT TIME

(KIEFER's POV)

From Don Bosco, dumaan ako ng GB Chapel. I can't contain the happiness I am feeling. Kaya naman I wanted to give thanks to the Lord for all that He has done for me and my family.

After the mass, paglabas na paglabas ko pa lang ng Chapel, may mga fans na nag aabang, nagrequest magpapicture, hanggang sa dumami na sila at nagkagulo. Buti na lang may mga guards around the area, ayun, nacontrol naman nila yung mga tao at salamat dahil wala naman nasaktan.

Nag ikot ikot lang ako sa Greenbelt 5. Hindi na nga sana ako mag iikot because of what happened earlier pero parang may nagsasabi sakin to go around the place..At tama nga, may nakita akong magandang watch. Naisip kong bilhan si Mika para sa birthday nya. Actually meron na ako nabili sa Korea. But I found this watch really beautiful. Mahilig sa watch yon kaya sigurado magugustuhan nya 'to. Bumili ako dalawa para identical kami. Black nga lang sakin, white naman sa kanya.

Naghanap ako ng pwede namin kainan nina Dani.... Ahhh! Yakimix na lang. Dun na lang ako magtitreat.

On the way na raw si Dani. Malapit na rin si Thirdy.

Sina Mommy at Daddy susunod na raw. Busy pa sila.

Naisipan kong tawagan si Tito Migs.

Kala ko di nya sasagutin. Pagsagot ni Tito, naririnig ko si Micoi sa background. Umiiyak.

"Uhmmm, kumusta po kayo?" Panimula ko.

"I'm ok hijo. Kumusta na? Pasensya na ha. Maingay. Nagwawala kasi itong apo ko."

"Uhmmm, ok lang po. Bat po pala sya umiiyak, if I may ask? Ano po problema?" Tanong ko.

"He had his power nap at masama ang gising. Hinahanap ang Mommy nya. Palibhasa first time nyang maiwan sa amin mag isa."

"Alam po ba yan ni Mika? Nagkausap na po ba sila?"

Biglang natahimik si Tito Migs. Nagulat siguro sa sinabi ko. Ang buong akala nya ata wala pa akong idea. Binasag ko na ang katahimikan.

"Tito, kaya ako napatawag kasi gusto kong malaman nyo at ni Mika na alam ko na ang lahat....alam ko na po na may anak kami. Tito, hindi po ako manggugulo, gusto ko lang sana maayos namin ito at makasama ko rin sana ang anak ko. I really want to make up for lost the time." Medyo garalgal na ang boses ko. At pinipilit kong wag maiyak.

Tito Migs finally spoke. Bumuntong hininga....

"Wala akong masabi hijo. All I want is nothing but the best for my apo. Nanahimik kami because of Mika. Dahil yon ang gusto nya. We have so much respect for her that we did not want to meddle. Andaming nangyari throughout the years. But I'd rather not dwell on the past. Masaya ako na alam mo na, believe it or not."

At naikwento ko nga kay Tito Migs na nagkita na kami ni Micoi kanina. Pero sinabi ko rin na wala pa ako binabanggit sa bata na ako ang Daddy nya, bilang respeto ko sa kanila at kay Mika. Gusto ko kasi na kasama si Mika pag kinausap si Micoi tungkol dito,

"Uhmmmm Tito, baka po pwede kong ilabas si Micoi bukas after ng klase nya. Pero ibabalik ko rin po sya. Isasama ko na lang po siguro si Ate Sabel. Ok lang po ba.?" Dinig ko pa rin si Micoi, pagod na ata kakaiyak. Oh my Little man. It pains me to hear you crying :(

"Sige hijo. Walang problema. Ako na ang bahalang magsabi kay Mika." Assured Tito Migs.

"Tito, pwede ko po ba makausap si Micoi? Pakisabi po si Tito Kief. Salamat po."

"O sige hijo, hold on".

"Micoi, someone's on the phone. He wants to talk to you." Narinig kong sabi ni Tito Migs sa kabilang linya.

One Last Chance (A MIEFER Story)Where stories live. Discover now