THE BIG DAY

3.2K 71 22
                                    


MIKA's POV

As I watched Kiefer's interview with Tito Boy and Ate Kris, I can't help but cry. Alam kong ingat na ingat din sya sa bawat salitang bibitawan nya dahil hangga't maaari ayaw niyang makasakit ng iba, particularly Trinca, pero higit ano pa man pinatunayan niya na sa kabila ng mga intriga at pambabatikos sa akin at ganon na rin sa kanya, naramdaman ko na handa nya akong ipaglaban. Labis kong naramdaman kung gaano niya ako kamahal.

Kaya naman during and after his interview, iyak ako nang iyak.

Kasama ko si Dani sa dressing room. Yakap yakap niya ako habang nakaupo sa isang tabi nang pumasok si Kiefer kasunod si Tito Boy at Ate Kris.

Kiefer held his hand. Napatayo ako.

Niyakap nya ako nang napakahigpit sabay hinalikan.

Naconscious pa ako noong una. Pero tumugon din ako sa mga halik nya kinalaunan.

Bakas sa mukha nya yung relief dahil sa wakas, tapos na.

Sa hinaba-haba ng panahon, ngayon lang kasi niya nasabi lahat nang gusto niyang sabihin lalo na yung so called "unfinished business" between him and Trinca.

He attempted to talk to Trinca prior to the interview, but she was not cooperative. We were actually willing to sit down and talk things out with her pero hindi pa siguro sya handang harapin at kausapin kami.

I am optimistic though na magiging maayos din ang lahat.

Days had past.

Kiefer and I became very, very, very busy.

Kaya naman wala kaming panahong isipin o pagtuunan ng pansin ang mga issues na walang tigil pa ring naglalabasan. It also came to us that Trinca did an interview sa kabilang istasyon to air her side of the story pero binalewala na lang namin ito.

Mas minabuti naming pagtuunan ng pansin ang nalalapit naming kasal.

Wow! This is it, pancit! Dalawang araw na lang at officially ay magiging Mrs Ravena na ako.

Everything is in place. As in, okay na lahat lahat.

Dumating na ang wedding gown ko. In fact, Michael is personally coming to dress me up.

Kief doesn't have any idea kung ano ang itsura ng gown ko, makikita niya lamang ito on the day itself para naman magkaroon ng element of surprise.

We are expecting only about 150 guests. Salang-sala na yang number na yan.

Pinagdebatihan pa talaga namin ni Kief. Sinabi ko naman sa kanya na ayokong maging circus ang kasal namin. Ayoko yung tipong hindi mo na halos makita kung sinu-sino ang mga pumunta.

Anyway, we will definitely have a post wedding celebration a week after the actual wedding and that will be in Philippine Arena in Bulacan. Doon, imbitado na ang buong Purefoods team, mga dating Ateneo Blue Eagles na nakasama ni Kief, mga Lady Spikers na naging teammates ko at iba pang mga kamag-anak namin, mga kaklase, teachers, mga kaibigan, ilang mga kaopisina at mga taong naging bahagi ng love story namin ni Kiefer na hindi makakasama sa Tagaytay, will be part of the post wedding party.

Wedding invitations were already distributed 2 weeks ago. May ilang hindi makakapunta gaya nina Ara and Gemini because of prior commitment. Pero siniguro naman nilang pupunta sila sa Bulacan.

As to the wedding ceremony and program, ipinaubaya ko na lahat kay Ate Coi at kay Ms Karina, our wedding organizer. Wala akong idea kung ano ang mga magaganap sa reception. Parang everything is a surprise. Ate Coi gave me a hint na may mga special guests daw na ikatutuwa namin ni Kief.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 15, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

One Last Chance (A MIEFER Story)Where stories live. Discover now