Never Easy II

8.5K 99 13
                                    

FLASHBACK

"Babe, Miks." May pagkabothered na sambit ni Kiefer sa pangalan ko. Habang nakayuko sya at hawak ang kaliwang kamay ko. Nasa loob kami noon ng kotse when he suddenly pulled over. Tahimik sya after namin umattend ng mass sa Greenbelt Chapel. Supposedly kakain pa kami ng lunch after the mass pero sabi nya sa bahay na lang daw, which is really unusual.

"Why? Parang kanina ka pa di mapakali dyan. May problema ba?" I can already sense that there is something wrong. Actually, meron sana ako ipagtatapat sa kanya kaso mukhang bad timing.

"Miks, mahal na mahal kita. Lagi mong pakatatandaan yan. Anuman ang mangyari, know in your heart that I love you so much. Sa lahat ng babaeng minahal ko, sayo ko lang naramdaman yung tinatawag nilang true love. I am so me when I am with you." He was teary eyed. Humarap sya sakin sabay hawak sa magkabilang pisngi ko. Why all of a sudden sinasabi nya lahat ito sakin? Bakit parang ambigat ng kalooban ko? Lord, ano bang pinagsasabi nito? Hindi ko alam kung bakit hindi nagsisink in sa akin ang mga sinasabi nya? Dahil ba sa instinct ko na ang susunod na sasabihin nya ay magbreak na kami? Naramdaman ko na tumutulo na rin ang luha sa aking mga mata. At hindi pa rin nya inaalis ang pagkakahawak sa mukha ko.

"Miks, I think we need to give each other some space. I know I sound unfair pero kelangan natin itong gawin. Stupid, right? I wish I can tell you everything but at this point, I need to keep it all by myself. For our own good. " Para akong hihimatayin sa mga narinig ko. Bigla na lang akong humagulgol. Pero wala ni isang salita ang lumabas sa bibig ko. Pakiramdam ko naghahyperventilate ako pero pilit kong tinatagan ang loob ko. Ang tanging nasabi ko na lang sa kanya, "Iuwi mo na ako."

Hindi ko alam kung paano ako nakapasok ng bahay. Iyak ako nang iyak. Pagkababa ko sa tapat ng bahay, umalis na rin kaagad sya. Sinubukan nya akong suyuin sa loob ng kotse pero I gave him a cold shoulder. Madami pa syang sinabi pero wala akong naintindihan. Ang alam ko lang, tapos na, tapos na sa amin ang lahat.

Direcho ako sa kwarto ko. I locked myself right away. Alam kong nakita ako ni Mommy papasok. Siguro napansin nyang umiiyak ako at hindi lang muna sya nag attempt na lapitan ako. Probably to give me some breather.

Sa loob ng kwarto ko, doon ko na ibinuhos lahat ng hinanakit ko. "Why? Why Kiefer, why? Ano ba naging pagkukulang ko sayo?" We were so ok. We just celebrated our 2nd anniversary. We seldom fight coz I think I am the most understanding girlfriend. Petty quarrels? Yes, it really happens even to married people. But we never let the day pass na hindi namin ito nasisettle. Knowing Kiefer who is the sweetest, di ka matitiis nyan na di ka suyuin kahit minsan it's my fault din.

Ansakit. Sobrang sakit. Pagmamahal nga bang matatawag ang iwanan mo sa ere ang taong mahal mo? Kung alam mo lang Kief. Kung alam mo lang. Hindi lang ako ang iniwan mo, iniwan mo rin ang batang bunga ng ating pagmamahalan.

Nooooooo!!!! Was it really love? Or it was mere lust? Lalo tuloy gumulo ang isipan ko. Dumami ang tanong sa aking sarili. "Dahil kaya nakuha na nya ang gusto nya kaya bigla na lang syang nagdesisyon na humingi ng space? Or is he anticipating that what happened on the night of our anniversary will eventually result to this - na magbubunga ang aming naging kapusukan."

About two or three days ago, Nagpregnancy test ako. Positive lahat ang result sa tatlong beses kong pagtitest. Hanggang ngayon, hindi pa ako nagkakaroon to think na regular ang menstruation ko. I knew I am pregnant because I feel all the symptoms, based na rin sa mga nabasa ko.

Hindi ko namalayan nakatulog na ako sa kakaiyak. Sa sobrang pagod, emotionally and mentally. Namumugto ang mga mata ko.

"Mika, mika!" Si Mommy kumakatok. "Kakain na tayo anak. Andyan na ang Daddy mo."

"Lord, give me strength na sabihin kina Mommy at Daddy itong situation ko. Please Lord." I could only pray.

"Sige Mom, sunod na po ako. I'll be there in 5 minutes." Sigaw ko sa Mom ko.

Nag ayos muna ako bago ako bumaba. Pero halata pa rin na umiyak ako. I needed to remove my contact lens and wear my glasses instead. Para di masyado obvious.

"Halika na anak. Umupo ka na dyan." Pagyaya sa akin ni Mommy.

"Are you ok, miks?" Tanong naman ni Dad.

"Uhmmmm, ok lang po ako. Kain na po tayo. Ansarap ng ulam ah." May halong kaplastikan kong sinabi. Yeah, masarap ang ulam but I really dont feel like eating. Bumabaligtad ang sikmura ko.

Bigla na lang akong humagulgol sa harap ng hapag-kainan. Hindi ko na kayang sarilinin lang ito. That time, si Mommy nasa tapat ko tapos si Daddy nasa kabisera. Nagkataon si Manang Idot, na kasama namin sa bahay, nandun para magserve ng Juice.

"Manang Idot, iwan mo muna kami. We need some privacy. Salamat." Pakiusap ni Mommy.

Tumabi sa akin si Mommy sabay himas sa likod ko. Ang daddy ko, nakatingin lang at hindi umaalis sa kinauupuan nya. Tahimik. Nakikiramdam.

"Im so sorry, Mommy, Daddy. I am so sorry!" Iyak ako ng iyak. Hindi ko alam kung paano ko uumpisahan.

"Sabihin mo ang lahat nang gusto mong sabihin anak, makikinig kami." Yumakap sa akin si Mommy.

"Buntis po ako!" Namamaos na ang boses ko. Nakayuko ako habang sinasabi ko ito sa mga magulang ko. Luha, pawis, sipon, halo halo na.

"I am so sorry. I failed you. Please forgive me." Niyakap ko na ng husto ang Mommy ko while my Dad is emotionless na nakaupo pa rin sa kabisera. Alam kong galit sya pero nagtitimpi lang sya. I have the greatest parents , I know. But Dad is the kind of person whose principle is to do the right thing all the time. Yung tipong mahihiya kang gumawa ng mali dahil napakabuti nyang tao. He is definitely against pre-marital sex. He was never against Kiefer, in fact, my family loves Kiefer as much as they love me. But Just the thought of me getting pregnant out of wedlock and not graduating yet from College is a sin, as far as my Dad is concerned.

My Dad being the VP for Finance and Administration of SMC (San Miguel Corporation) is being looked upon not only by his colleagues but also by the society, given his many achievements in the corporate world as well as his unending charity works for the less fortunate. He is indeed a man of few words. Napakabait nya. Pero iba syang magalit. Iba.

I saw my Dad stood up. Salubong ang mga kilay. Kunot ang noo. Bagay na matagal ko nang hindi nakikita sa Daddy ko. Napakasama kong anak. I felt so guilty na sinira ko ang tiwala ng mga magulang ko.

"Dad, forgive me. I beg of you to please give me a chance. I promise, I will exceed your expectations. Ngayon ko kailangan ang support nyo, support nyo ni Mommy at ni Ate. Kief broke up with me. " Hinabol ko ang Daddy ko sabay lumuhod ako sa harapan nya. Mommy was crying too. Ito yung eksenang akala mo sa telenobela lang nangyayari.

Dad came down to me and hug me so tight. Paulit ulit akong nagsosorry.

"Ssshhhh! It's ok, it's ok. Aayusin natin ito. Everything will be alright. I love you anak. Mahal ka namin ni Mommy. Whatever it is that you are going through, andito kami. Di ka namin iiwan." That's my Dad's assurance. He was teary-eyed. Halatang pinipilit nyang magpakatatag. I knew with my current condition , hindi na magawang magalit pa ng Daddy ko. Hindi na nila ako inusisa kung ano ang nangyari sa amin ni Kiefer, kung bakit humantong sa hiwalayan. All they wanted is for me to move forward. They told me na palakihin namin ang anak ko the best way possible, despite the fact na wala syang ama.

-----------------------------------------------------------------------------------------

PS: Sorry guys, bibitinin ko muna kayo onti, medyo busy lang sa work. But definitely, I will be back with more pasabog. ahihihi! Thanks!

One Last Chance (A MIEFER Story)Where stories live. Discover now