THE CONFIRMATION

8.3K 128 54
                                    

AT PRESENT TIME

(DANI's POV)

Saktong kakatapos ko mag-time in when I saw Micoi getting off that black Traverse Chevrolet. May kasama syang yaya, bitbit ang mga gamit nya. From where I am standing, hindi ko makita yung driver plus the fact na umalis na rin ito agad. Sinamantala kong lumapit sa kanila.

"Hello Micoi, good morning!" Bati ko.

"Hi teacher! Good morning! Teacher, this is Ate Isabel. Ate Isabel, she's teacher Dani."

"Hello po Mam Dani. Kumusta po kayo?" Bati ni Ate Isabel.

"Ok naman po ako......uhmmm, akin na po yang mga gamit ni Micoi, tulungan ko na po sya. Hindi rin po kasi kayo papasukin ng guard. Hanggang dito lang po kayo sa may gate."

"Ay ganon po ba? Eh saan po ba Ms Dani ang waiting area? Kasi aantayin ko na po matapos ang klase ng bata." Sabi ni Ate Isabel.

"Doon po. Kumaliwa po kayo dyan, direcho lang. Paglagpas po ng court, may makikita po kayong benches sa dulo."

"Pero kasi sabi ni Mika sa may aquarium daw kami susunduin. San ba yung aquarium?" Tanong ulit ni Ate Isabel.

Sa isip isip ko - Mika pala ha. Hmmnnnn! Slip of the tongue Ate Isabel? Tsk tsk!

"Ahh, dito po mismo yon. Yan po yung aquarium oh. Kaya lang kasi wala kayo uupuan dito. Kaya dun muna kayo sa waiting area. Balik na lang po kayo mamaya pag malapit na lumabas mga bata."

"Ok sige po Ms Dani. Ang ganda ganda mo pala. Kamukha mo po tatay nya... Este, magkamukha kayo ng tatay mo....hehehehe! Sige po. See you." Nakangiting paalam ni Ate Isabel at nagmamadali nang naglakad.

Napailing na lang ako sa tinuran nya. This is getting so interesting.

At naglakad na kami ni Micoi papunta sa Magone Dome.

We did the prayer and flag ceremony bago lahat pumasok sa kani-kaniyang classrooms.

This is it Dani!!!!

Kahapon pa ako balisa. Di muna ako nagkwento kay Mommy. Gusto ko muna makasigurado. Kahit nararamdaman ko na it will all boil down to that scenario - that Micoi is my brother's son, that he is indeed my nephew.

Finally, makikita ko na ang birth cert mo Micoi.

I collected all their birth and baptismal certs. Sinadya kong ipaibabaw ang kay Micoi.

Alas! It's confirmed. I didn't have to go through the whole page.

Nakita ko kasi kaagad na pangalan ng Mommy nya - Mika Aereen Marcalinas Reyes.

I wanted to make myself believe na baka kapangalan lang ni Ate Mika. Pero hindi eh. Napaka-imposible.

Inhale. Exhale. Dani, ang aga pa para maging emosyonal. Magtrabaho ka muna. Mamaya na ang pag-iemote. Dani calm down.

Habang may ipinapagawa akong activity sa mga boys, I decided to check on Micoi's birth cert again. Nicompute ko yung birthday nya. Kung January sya pinanganak, buntis na si Ate Mika when she left. Pero bakit hindi alam ni Manong na?!?! Oh shoot! Ang sakit sa bangs.

Ambilis ng oras. 5 o'clock na naman. Nagmamadali akong umuwi.

Pagkababang pagkababa ko ng kotse, hinanap ko kaagad si Mommy.

"Mommy!!!! Mommy!!! Sigaw ko.

"Hey, parang may sunog lang ah. Anong meron?" Mom answered me.

I immediately grabbed Mommy's arm and hinila ko papunta sa kitchen.

One Last Chance (A MIEFER Story)Where stories live. Discover now