LIKE FATHER, LIKE SON

8.7K 126 53
                                    

AT PRESENT TIME

(KIEFER's POV)

I feel better now. Malaking bagay yung naibuhos ko lahat nang sakit na nararamdaman. I can't wait to see my son. Gagawin ko ang lahat para sa kanya. Maraming taon ang nasayang. Lumaki syang walang kinikilalang ama. I wonder kung paanong natiis yon ni Mika?

Thanks God for the new development. Lagi kong ipinagdadasal na magkita kami ni Mika, makapagsorry ako sa kanya. Hindi man nya tanggapin ang apology ko, wala na akong magagawa. I just needed to unload my emotional baggages.

And this time, na nalaman kong may anak kami, I have more reason to reach out, all for our son's welfare.

I am so excited to see you, Micoi. Daddy can't wait to play basketball with you.

Pagkaalis ni Dani, I made amends with Mommy for my rude behavior earlier. I'm not surprised she forgave me right away. In fact, she wishes me well. Sinabihan nya ako to go get Micoi and bring him here. Haha! Sabi ko, bawal yon. Ipapapulis ako ni Tito Migs pag kinuha ko ang bata nang wala pahintulot nila.

Around 10am, nakabihis na ako. Obviously, excited ako sobra.

Naisip kong magdala ng Mixers jersey ko. Sabi kasi ni Dani, mahilig din daw si Micoi sa basketball. At idol din daw nya si Kobe Bryant.

Ravenang Ravena ka nga anak.

"Dan pls check Micoi's shoe size if u get the chance" Text msge sent to Dani as I was in my way to Greenbelt.

"5.5 Manong. Laki paa for someone who's juz turning 7. Haha!" Dani replied.

"Ok. Gotcha! Thanks." Msge Sent.

Dumaan muna ako ng Greenbelt. Bought some stuffs for Micoi. 3 pairs of Nike rubber shoes ( na identical kami). Binilhan ko rin sya ng NBA COLLECTOR Series. Sana magustuhan nya. Yun lang muna para di sya mabigla.

*Sigh*!

I need to go to Don Bosco now.

Nanlalamig buong katawan ko. Too much excitement, I suppose.

Natraffic ako. At natagalan pa maghanap ng parking slot. Medyo late na ako sa napag usapan namin ni Dan. Patay!

I called up Dan, "San na kayo?"

"Manong, andun sila saglit sa football field. PE kasi nila at this time. Pero patapos na sila. After nila doon, uwian na nila. Sorry nawala kasi sa isip ko kanina na Monday ang PE nila eh. Inaway mo kasi kami..hehehe!"

"Sakto lang pala dating ko. Pwede na ba ako pumasok dyan?"

"Puntahan na lang kita Kuya. Para hindi ka sitahin ng guard."

"Ok, main entrance na ako. Dalian mo. Dami tao. Baka pagkaguluhan ako. Hahaha!" I was wearing shades and bull cap then.

Ayun na si Dani, papalapit na.

"Manong guard, Kuya ko po. Baka pwede po sya papasukin. Saglit lang po. Puntahan lang po namin yung anak nya, kasi ayaw sumama sa yaya. Umiiyak." Pakiusap ni Dani sa guard. Patay ka Dani. Liar! Hahaha!

"Ay sige Mam basta ikaw." Sagot ni manong at sumaludo pa samin.

Parang yun yung pinakamahabang nilakad ko sa buong buhay ko to think na anlapit lang naman ng football field from the entrance.

"Manong, ayun sya..." Turo ni Dani sakin.

"Saan dyan, andami nila." Nauutal na sabi ko at malapit nang maiyak.

"Ayun oh, yung nakaupo at naglalagay nagsusuot ng shoes, katabi nung malusog." Sagot ulit ni Dan. "Kita mo na?"

"Yun ba? Bat maputi?!" At nagawa ko pang magpatawa habang pasulyap sulyap kami ni Dan sa di kalayuan, di pa kasi nag aangat ng mukha si Micoi, busy nagtatie ng shoelace. Hindi pa rin kami makalapit at di pa sila dinidismiss ng kanilang instructor.

One Last Chance (A MIEFER Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon