TTE: 01

33 3 0
                                    

Chapter One: Recruitment



"Manang eto din po."

Tinuro ko ang dutch mill bago inabot ang bayad sa tindera. Kakatapos lang ng first quarter examination kaya heto kami nila Nova, inuubos ang aming mga pera sa pagkain.

Twenty minutes breaktime bago mag-check ng test paper sa Science ang ibinigay sa amin ng adviser namin. This is usually the routine after exam kapag ang adviser mo ay isang major subject teacher. Ang sabi rin ng mga dating estudyante ni Ms. Pilar na madalas siyang magpatulong sa pagche-check ng mga test papers.

It's not a problem, though. Nakaka-satisfy kaya mag-check ng papel lalo na kapag maraming tama dahil iwas sa pagsusulat ng correct answers.

"Tara na, Ri. Five minutes nalang, oh."

Nagpasalamat ako sa tindera bago sumunod kanila Nova. I can't wait to go home and sleep! Madali lang naman ang exams kanina dahil dalawang subjects lamang iyon. The Science exam was a piece of cake, simple digestive system and memorization lang. Sana ma-perfect ko para naman umuwi si daddy para mag-celebrate kasama ako.

While Ms. Pilar's busy dictating the answers to us, may biglang kumatok sa pintuan. Mukhang grade ten ang mga iyon dahil ang tatangkad.

"Good afternoon, Ma'am. Can we come in for the CAT recruitment?" Tumango si Ms. Pilar at sinabihan kaming makinig ng maigi sa sasabihin ng mga tao sa harapan.

"Good afternoon, everyone! I am Cadet Major Cruz, Vincent Louis M. I'm the Corps Commander of batch MATATAG," a well-built guy who has a three by two haircut said in front. He looks intimidating and very formal lalo na dahil naka-suot siya ng kanilang uniform sa CAT.

"We are here to recruit COCCs para maisabak sila sa isang specialized training. Kaya kung gusto niyo magsundalo, or you have the guts to be one, you can join us," he smiled and looked at everyone in the room.

Lahat kami'y tahimik na nakikinig. Napakaintimidating at nakakatakot ang tindig ng lalaki. Bagay nga siguro sa kanya ang posisyon na sinabi niya, kung ano man 'yon.

"Magbibigay kami ng list at papaikutin para kung gusto ninyong sumali, isulat niyo nalang ang pangalan niyo at section."

Umikot ang kasama niyang babae saka iniabot ang papel kay Gigi, isa sa mga kaklase ko. Pinagmasdan ko ang test paper na chine-chekan ko kanina. Why am I hesitating? Hindi ko naman tipo ang mga ganyang organization. From what I heard, military training 'yon. Ayaw ko namang pahirapan ang sarili ko, 'no.

I sighed as I reach for the paper, mabilis ko itong inabot sa katabi ko. Hindi ko maiwasang tingnan ang mga estudyante sa harapan. They look so good in their uniforms, so fit, so snappy and they look like the people who often gets respect. I wanna be one of those people. Mga taong karespe-respeto. Mga taong isang tingin mo palang, mapapa-wow ka dahil napakaganda ng tindig at postura.

Napansin ko ang titig sa'kin ng kaisa-isang babae sa harapan. She's wearing a white polo and black fitted pants that is somehow similar to a slack, or is it? I can't explain her uniform but it's similar sa mga uniporme ng mga lalaking kasama niya. Naka-bun ang buhok niya at may suot na cap na may anchor sa gitna.

Mukha nga siyang sundalo. Ang ganda pa niya kaya hindi mo aakalaing isa siya sa mga miyembro ng CAT. She winked at me bago bumulong sa katabing lalaki. Umiling ako bago alisin ang titig sa kanila. Awkward naman, ang hirap makipagtitigan sa taong nakasuot ng uniform na gano'n.



I was home by three in the afternoon. I did my usual routine like taking a quick shower, eating merienda and going through my dad's old stuff. My dad left us when I was ten, pinagpalit kami sa ibang babae na ngayo'y bumubuo ng pamilya kasama siya.

Training The EnsignWhere stories live. Discover now