Chapter 39: Unworthy

12.8K 155 17
                                    

 

August 13, 2010

 

Adrian’s POV

“Oy Adrian. Sira-ulo ka, dito ka lang pala nagtatago!” Tawag sa akin ni Ervin, na siyang kasama si Vince, parehong papunta sa direksyon ng bench na hinihigaan ko doon sa back garden ng school.

Nanatili naman ako sa pwesto ko at hindi sila pinansin, hindi pa rin gumagalaw kahit naramdaman ko na ang paglapit nila sa akin. Ipinikit ko na lang ang mga mata ko at tinakpan ito ng komiks na dala ko, sinusubukang makatulog kahit ang sobrang ingay ng paligid ko.

“Oy, ulul. Wag ka ngang magtulug-tulugan diyan!” Sumbat naman ni Vince, sabay kuha ng komiks.

Iritado kong idinilat ang mga mata ko at binawi ang komiks mula sa mga kamay niya.

“Bwiset naman oh. Istorbo sa tulog. Kung pinagpunta kayo dito ng mga pakialamera niyong girlfriend para pilitin akong makipag-usap kay Naomi, malas niyo lang! Wala akong planong sumunod sa inyo!” Sabat ko naman, sabay talikod sa kanila.

Narinig ko ang sabay na pagbuntong-hininga ng mga asungot kong kaibigan.

“Eto talagang si Rian oh. Akalain mo kung makapagdrama, mas malala pa kesa sa babaeng nireregla.” Reklamo ni Vince.

“Tss. Rian, ba’t ba ang laki ng problema mo? Kakausapin mo lang naman si Naomi ng ilang sandali ah. Pakinggan mo muna kaya yung explanation niya bago ka mag-galit-galitan diyan.” Dagdag pa ni Ervin.

“Takte. Eh kung magsilayas na lang kaya kayo kesa gaguhin ako dito? Baka mas umunlad pa yung Pilipinas kung ginawa niyo yun!” Sigaw ko.

Napabuntong-hininga muli sila.

“Bahala ka na nga diyan, ‘tol.” Sabi ni Vince. “Dali na, pre.” Narinig kong sabihin niya kay Ervin, at mamaya-maya’y umalis na rin sila sa wakas.

Pagkalipas ng ilang minuto ay umayos ako ng higa, nasa itaas ang titig ko.

Kung alam lang sila nila ang mga nangyari, sa akin sila kakampi, hindi sa babaeng yun. Kung alam lang sana nila kung paano niya ako pinagmukhang tanga, hindi na nila dapat ako pinipilit na makinig pa sa mga walang kwentang paliwanag niya. At kung alam lang sana nila kung paano niya ako pinaasa sa wala, hindi na nila dapat ako ginagambala at iniintindi na lang.

Agad na naputol ang kaisipan ko nang marinig ko paglapit ng panibagong istorbo.

“P*tang ina. Kung kayo lang talaga yan Ervin at Vince, ipinapangako ko sa inyo, pag-uumpugin ko yang mga ulo niyo hanggang sa─” Biglaan naman akong napatigil sa aking panakot nang mamalayan kong hindi pala ang mga kumag kong kabarkda ang dumating.

Napaupo ako sa bench nang lumitaw si Naomi.

“Adrian.” Bati niya sa akin, nakatayo sa malayuan, halatang nag-aalinlangang lumapit.

Madali ko naman siyang sinamaan ng tingin.

“Anong ginagawa mo dito?” Demanda ko.

Naudlot siya saglit, pero mamaya-maya’y unti-unti na rin siyang lumapit sa akin.

“Wag kang mag-alala. I’m not here to give you any explanations.” Depensa niya. Ilang talampakan na lang ang agwat namin sa isa’t isa nang bigla siyang tumigil sa paglalakad at may inilapag sa harapan ko. “I’m just returning this to you.” Dagdag niya.

Napatingin ako sa kinatatayuan niya, at dun ko napansin ang nasa paanan niya.

“Diba sinabi ko na sa’yo na itapon mo na yan?” Sabat ko naman, iritang-irita na talaga.

My Sweet RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon