Chapter 18: Guilt Streak

15.2K 164 14
                                    

 

Naomi’s POV

 

“Barbeque time people!” Ang sabik na sabik na announcement ni Ericka pagkatapos naming iset-up ang mga kakailanganin for tonight’s cookout.

Agad na nagtipon ang lahat sa food table at kumuha ng kani-kanilang kakainin. Naunang pumunta sa grill sina Ervin, na nagsisiksikan pa habang nagluluto. Buti naman at tatlo yung nalatag na grill, or else baka hindi na nakapagluto yung iba. Soon afterwards, everyone was already eating their share of shish kebabs, barbecues and burgers.

“Nga pala, saan si Rian? Hindi ba’t birthday celebration niya ‘to? Ba’t missing yung celebrant natin?” Biglang tanong ni Luis.

Napatigil ang lahat sa pagkain at napatingin sa kanya.

“Nasa loob siya. Nakakulong sa kwarto niya. Ayaw lumabas.” Ang agarang sagot ni Ericka, sabay kagat sa burger na hawak-hawak niya. Halata talagang walang pakialam yung babaeng yun sa kambal niya. Ni hindi man lang apektado na wala siya doon.

“Ano ba yan! May nangyari ba sa kumag na yun at nagdadrama siya nang ganito? He’s missing all the fun!” Reklamo naman ni Vince.

Agad akong nawalan ng gana pagkatapos niyang sabihin yun. Suddenly, all the food that we were eating became unappetizing to me. I no long felt the hunger I’ve had earlier. A gut-wrenching pain immediately formed in the pit of my stomach. Bumigat rin ang dibdib ko.

Because I knew the reason why Adrian wouldn’t want to join us.

I knew the reason why he’s isolating himself from us.

I knew the reason why he’s not happily celebrating with us.

At dahil yun sa akin.

Napatingin si Ericka sa akin. Alam niyang merong problema sa pagitan namin ni Adrian. Pero iniwasan ko ang tingin niya. Ayoko munang pag-usapan ang nangyari kanina.

Even though dapat masaya ako dahil nakapaghiganti na ako kay Adrian, I didn’t feel victorious at all. Instead, I feel worse about myself. It’s as though yung nagawa ko kanina was unforgivable. But it was all for my plan of revenge naman. Wasn’t that my main goal? To get revenge on the guy who first broke my heart? Pero why don’t I feel joyful now that I’ve accomplished that goal?

I tried to hide my discomfort from the others. Buti naman at nakatingin ang lahat kay Ericka kaya walang nakapansin. At buti naman at hindi na rin nakatingin si Ericka sa akin. It’s much better kung hindi na malaman ng iba. The less people who know, the better.

“Bahala na siya. Magdrama siya if he wants. I already told him to go down if he wanted.” Sabi ni Ericka. Nilapag niya yung plato niya sa mesa at pumasok sa loob ng villa. May dala-dala na siyang sparklers at firecrackers pagkabalik niya. “Anyways, let’s commemorate this celebration with a blast!” She cheered.

Nagsipagkuha na ang mga kasamahan namin ng kanya-kanyang sparklers at firecrackers. Pretty soon, nag-umpisa na ang putukan at ingayan. On the other hand, lumapit naman si Ericka sa akin at tinabihan ako.

“Anong nangyari?” Tanong niya habang nakatingin sa akin.

Iniwasan ko pa rin ang titig niya at tumingin na lang sa sparkler na hawak-hawak ko.

“I finally got it.” Sabi ko, breathless. “I finally got my revenge.”

Ericka shrugged her shoulders.

“Eh ba’t parang hindi ka pa masaya? That’s what you wanted from the start diba?”

Napailing ako. Hindi ko namalayang may namumuo na palang mga luha sa mga mata ko.

“That’s the problem.” Sabi ko, lumuluha na. “I’m not happy about it at all. Pakiramdam ko nga, ako ang pinakamasamang tao sa balat ng lupa dahil sa ginawa ko. Masama ba talagang maghiganti sa taong bumiyak ng puso ko?” I cried.

Ericka patted my shoulder and whispered comforting words to me. Pero kahit gawin niya yun, hindi pa rin nawala ang mabigat na pakiramdam sa dibdib ko. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit nagiguilty ako. Hindi ko rin maintindihan kung bakit remorseful ako. Regretful. Self-loathing.

Revenge is supposed to be sweet diba?

Pero bakit parang ang bitter ng pakiramdam ko ngayon?

My Sweet RevengeWhere stories live. Discover now