Chapter 5: Jealousy Conspiracy

25.8K 352 20
                                    

 

June 21, 2010

 

Adrian’s POV

 

Hindi ako nagseselos. Hindi ako nagseselos. Hindi ako nagseselos. Ilang beses kong inulit-ulit sa utak ko nung araw na yun.

Hindi ko alam kung gaano katagal ko na ‘to ginagawa. Kaninang homeroom period pa ata ‘to nag-umpisa. Fifth period na ngayon. Kaya mga limang oras ko na rin ‘to inuulit-ulit.

Pumasok si Ms. Sarmiento, yung English teacher namin. At tulad ng mga teacher namin na naglecture bago sa kanya, may dala-dala rin siyang bouquet of flowers. Roses na naman. Pero ngayon, puti yung kulay.

Hindi na masyadong nagreact ang mga kaklase namin. Mukhang nasanay na rin. Isang linggo na rin naman kasi paulit-ulit na nangyayari ‘to. May papasok na teacher, tapos may dala-dalang either bouquet of flowers o box of chocolates. Minsan nga, pareho pa tapos may extra pang regalo.

“Another bouquet of roses to Ms. Rodriguez.” Tawag niya.

Tumayo yung seatmate ko at pumunta sa harap. Kinuha niya yung bouquet at tumingin kay Ms. Sarmiento. Niyuko niya yung ulo niya.

“Sorry for the inconvenience Ma’am.” Sabi niya.

Tumango si Ms. Sarmiento at ngumiti.

“Okay lang yun Ms. Rodriguez. It’s no inconvenience at all.” Sabi niya.

Tumango na rin yung seatmate ko at pumunta sa likod ng classroom, na kung saan nagkukumpulan ang halos hindi na mabilang-bilang na mga regalo dahil sa sobrang dami. Halos lahat kasi ng mga lalaki sa school, kahit mapalower level o higher level, manliligaw na niya.

Siyempre naman, alam niyo na kung sino yung tinutukoy ko diba? Sino pa kaya ang makakakuha ng ganitong klaseng atensyon maliban sa kanya? Siyempre, ang tinutukoy ko ay walang iba kundi si Naomi Rodriguez.

“Tss. Kadami-dami kasi ng manliligaw pero wala rin namang sinasagot.” Pabulong kong sinabi pagbalik niya.

Sinamaan niya ako ng tingin. Mukhang naging habit na rin niya yun kapag kinakausap ako.

“Pakialam mo ba kung sasagutin ko sila o hindi.” Ang mapait niyang salita.

“Tss. Aminin mo na kasing plano mo lang silang paasahin. Hindi ba’t yan naman talaga ang ginagawa mo kahit noon pa?” Sabat ko.

Tinaasan niya ako ng kilay.

“For your information Mr. Adrian Hilario, hindi ko sila pinapaasa. At dagdag pa dun, wala akong pinaasa noon, wala akong pinapaasa ngayon at wala akong papaasahin sa future. At wag ka ngang makapag-akusa diyan as though ako yung salarin.”

“Bakit? Hindi ba’t ikaw naman talaga?”

Nag-eyeroll naman siya.

“Whatever. There’s no point in trying to reason out with you.” Sabi niya.

“Aminin mo na kasi yung totoo. Na tama nga ako. At ikaw yung nagpaasa.”

Napatawa siya bigla.

“At ba’t ko naman aakuin ang isang bagay na hindi naman ako ang gumawa? At bakit ba ganyan ang tono ng pananalita mo sa akin? Parang nagagalit ka pa. Wag mong sabihing nagseselos ka?”

Pilit akong tumawa.

“Ako? Magseselos sa isang katulad mo? Gumunaw muna yung mundo!”

“Wag kang mag-alala. Malapit na rin naman ang 2012. Hindi na ganun katagal yung hihintayin mo!”

My Sweet RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon