Chapter 29: Release

13.1K 153 36
                                    

 

Adrian’s POV

 

“Ano?” Ang agarang tanong ko kay Sabrina, nanlalaki ang mga mata. “Sab, seryoso ka ba?”

Tumango siya at nagpatuloy sa pag-iyak. Pilit akong lumalapit sa kanya, pero patuloy naman siya sa pagdistansya sa akin hanggang sa makarating na siya sa pinakadulo ng upuan niya. Napailing naman ako, halos hindi makapaniwala sa mga nangyayari ngayong mga oras na ito.

“Sab, meron ba akong nagawang mali? Kung meron, please sabihin mo na. Hindi ko talaga makayanang nakikita kang nagkakaganyan.” Pagmamakaawa ko.

Tiningnan na rin niya ako sa wakas, pero hindi pa rin tumitigil sa pagtulo ang mga luha sa mga mata niya.

“Sadyang hindi ko na talaga kaya Adrian. I don’t want to continue being your second choice anymore. I don’t want to continue being the rebound. And I don’t to continue pretending to be happy when I’m not at all.”

“Sab, kaya naman natin ‘tong ayusin diba? Bakit ngayon ka pa susuko kung kailan nag-uumpisa na akong makapagbitaw? Kung kailan nag-uumpisa na akong makapagmove-on? Kung kailan nag-uuumpisa na akong turuan ang puso kong muling magmahal ng iba?”

Pilit siyang umiling sa direksyon ko.

“Adrian, please. Please stop giving me false hope. Alam ko namang kahit anong gawin ko, kahit anong kumbinsi mo sa sarili mo, at kahit anong pilit pa nating ipagpatuloy ang relationship na ‘to, hinding-hindi mo pa rin mapagtatakpan ang katotohanang kailanma’y hindi ako ang babaeng mamahalin mo. Alam kong habambuhay na lang na si Naomi ang nakatatak sa puso’t isipan mo. At alam kong kahit ilang taon pa man ang lumipas, tanging siya lang talaga ang makapagpapasaya sa’yo at ang tuluyang kukumpleto sa buhay mo.” Pagluha niya.

Sumikip ang dibdib ko, at niyakap ko siya nang sobrang higpit, nanghihinayang dahil sa kinahinatnan ng lahat-lahat. Hindi ko na talaga alam kung anong dapat kong gawin ngayong mga sandaling ito, kung lalaban pa ba ako para sa relationship namin ni Sabrina o sumuko na lang rin nang ganun-ganun lang. Hindi ko na talaga alam kung anong dapat na sundin ko, kung ang utak ko ba o ang puso ko. At higit sa lahat, hindi ko na talaga alam kung sino ang dapat na mahalin ko, kung si Naomi pa rin ba o si Sabrina na. Talagang naguguluhan na talaga ako nang sobra-sobra.

Pero sa totoo lang, kung ang puso ko ang papakinggan ko, alam kong iisa lang ang magiging sagot nito. At kahit alam kong masasaktan si Sabrina, kailangan ko talagang maging tapat sa kanya at sa sarili ko. Na wala nga talagang pag-asa para sa aming dalawa.

Dahil tama nga talaga si Sabrina.

Na kahit anong kumbinsi ko sa sarili ko at sa puso kong maghanap at magmahal na lang ng iba, tanging si Naomi pa rin ang mag-iisang babaeng mamahalin ko habambuhay.

At kailanman ay hinding-hindi ko siya magagawang palitan.

“Sorry talaga Sab. Sorry dahil pinaluha kita. Sorry dahil nasaktan kita. At higit sa lahat, sorry dahil hindi ko magawang mahalin ka. Sana mapatawad mo ako. At sana makahanap ka ng ibang lalaking magmamahal sa’yo nang lubusan at totoo. Ang lalaking karapa’t dapat na magmay-ari ng puso mo di tulad ko. At ang lalaking susuklian ang mga nararamdaman mo.” Sabi ko.

Lumipas ang ilang mga sandali, at nanatili lang akong niyayakap si Sabrina. Dahan-dahan rin naman siyang tumigil sa pag-iyak nang lumaon. At nang tuluyan na siyang kumalma, agad akong bumitaw sa kanya at dumistansya. Alam ko namang gusto niya munang malayo sa akin ngayon. Nilabas niya ang handkerchief niya, pinunasan ang mga luha sa pisngi niya at nilayo ang tingin sa akin.

Saktong-sakto, tumigil na ang pag-ikot ng Ferris Wheel. Isa-isang pinababa ang lahat ng mga nakasakay. Nang huminto na ito sa karwahe namin, nagmadaling lumabas si Sabrina, halatang hindi na talaga mapakali.

Nanatili na lang akong sumusunod sa kanya, naniniguradong hindi siya masyadong makalayo sa paningin ko. Nang tumigil na siya sa paglalakad, doon ko na lang namalayang nasa parking lot na pala kami, at malapit-lapit lang sa amin ang mga kasamahan namin, tila kami na lang ang hinihintay.

“Oh, ba’t ang tagal niyong dalawa? Nag-romantic ride kayo noh?” Pang-aasar ni Vince pagkadating namin.

Napatigil na lang siya sa pagsasalita nang makita niya ang ekspresyon sa mga mukha namin. Buti naman at hindi na niya kami tinanong pa tungkol sa mga nangyari. Alam naman niyang hindi ito ang tamang oras para magpaliwanag.

“Nag-ferris wheel lang kami.” Sagot ni Sabrina, sabay bigay ng isang pilit na ngiti. Lumingon siya at tumingin sa direksyon ko. “Sige Adrian, kay Gab na lang ako sasabay. Tutal, we live in the same house naman eh. Hassle naman para sa’yo kung ihahatid mo pa ako.” Sabi niya.

Wala na akong ibang magawa kundi ang tumango na lang. Nakita kong nakatingin sa akin sina Vince at Ervin, halatang nagtataka kung bakit naging ganito bigla ang turingan namin ni Sabrina. Tumango na lang ako sa direksyon nila. Mamaya ko na sasabihin sa kanila ang mga nangyari.

“Bye Adrian.” Pagpapaalam ni Sabrina, sabay takbo papunta sa pinsan niya.

“Bye Sab.” Sagot ko, at habang tinitingnan ko siyang tumakbo paalis, muling nanumbalik ang panghihinayang na naramdaman ko kanina.

Dahil nagawa kong saktan ang babaeng alam kong minahal ako nang buong puso’t lubus-lubusan.

My Sweet RevengeWhere stories live. Discover now