Chapter 7: Rian and Juliet

21.4K 306 20
                                    

 

June 22, 2010

 

Adrian’s POV

“Oy, bilisan niyo!”

“Dali, mag-uumpisa na!”

“Bilis! Baka hindi natin yun maabutan!”

Halos lahat ng mga nadadaanan ko, puro mga ganyan yung isinisigaw. Dagdag pa dun, majority sa kanila, mga lalaki. Hindi ko na kailangang manhula kung sino yung pinagkakaguluhan nila. Halata na rin naman diba? Yung tanong lang, ano na naman ang ginawa ng babaeng yun para magrambulan ang mga kumag dito?

Naglakad-lakad pa ako sa quad. Club activities period kasi ngayon. Kapag Martes at Biyernes, walang klase ang unang tatlong period. Lahat ng mga estudyante, kinakailangang pumunta sa club. Nasa basketball club kami nina Ervin, Vince at Luis. Madalas, training lang naman yung ginagawa namin kapag club activites period. Pero ngayon, free period kami dahil absent si Coach Ramos.

Nakita ko sina Ervin at Vince sa cafeteria, bumibili ng makakain. Ano ba yan. Ang aga-aga pa pero pagkain agad yung nasa isipan niyo!

“Swerte naman oh! Rian, libre mo kami!” Tawag ni Vince.

Lumapit ako sa kanila at sinapak si Vince sa ulo.

“Ulul! Ikaw ‘tong mayaman tapos ikaw pa yung nagpapalibre.” Sabi ko.

Tumawa na lang si Ervin. Hinimas-himas naman ni Vince yung ulo niya.

“Grabe naman ‘to oh. Mas mayaman ka kaya sa akin!” Reklamo niya.

Hindi na ako sumagot. Pumunta na lang ako sa counter tsaka bumili ng tatlong cheeseburger at tatlong lata ng Coke. Sige na nga. Nagugutom na rin naman ako eh.

Kumuha ako ng para sa akin at inabot yung natira kela Vince.

“Dali na nga. Wag ka nang mangiyak-ngiyak diyan.” Sabi ko.

Pagkalabas namin ng cafeteria, biglang may dumaang grupo ng mga lalaking nagsisipagtakbuhan.

“Ano na naman bang ginawa ng babaeng yun para mas lalo pang magkagulo ang mga lalaki dito?” Tanong ko kela Vince.

Napatingin sila sa mga nagtatakbuhan.

“Ah, baka papunta sila sa school auditorium. Kanina pa kaya punta nang punta ang mga tao doon.” Sagot ni Ervin.

“Bakit? Ano bang nangyayari doon?”

“Ngayon kasi yung audition ni Naomi para sa school play. Halos lahat ng mga schoolmates natin gusto siyang makitang magperform.” Sagot naman ni Vince.

“Tsaka narinig kong ang daming nagsign-up sa drama club para lang makapag-audition sa male lead. Halos lahat ata ng mga male students dito nagsign-up.” Dagdag pa ni Ervin.

Agad na may namuong kaba sa dibdib ko.

“Bakit? Ano ba yung gaganapin na play?” Tanong ko.

Nag-grin yung mga kumag.

“Parang Romeo and Juliet ata yung gaganaping play.” Grin ni Vince.

“At narinig kong merong mangyayaring kissing scene sa pagitan ng makakakuha ng role ni Romeo at ni Juliet.” Ngiti naman ni Ervin.

Alam kong pinapaselos lang nila ako. Alam kong isang patibong na naman ‘to ni Naomi para pahiyain ako. At alam kong hindi dapat ako maging apektado. Pero nang marinig ko ang mga sinabi nila, wala na akong pakialam kahit ano pa ang sabihin ng iba. Dahil isang bagay lang talaga ang nasa isip ko nung time na yun.

My Sweet RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon