Chapter 37: Another Rival

13.2K 167 38
                                    

 

Adrian’s POV

“Congatulations to all of the cast and crew for the very successful presentation!” Ang maligalig na announcement ni Ms. Pineda sa aming mga miyembro ng drama club pagkatapos naming ligpitin at ayusin ang aming mga ginamit na set-up para sa play kanina.

Halos isang oras na ang lumipas simula nung matapos ang aming presentasyon, at nanatili muna kami dito sa school auditorium para tumulong sa clean-up.

Agad na nagsingitian ang lahat sa isa’t isa at nag-umpisang magpalakpakan at maghiyawan nang marinig ang mabuting balitang iyon.

“Nakanaks! Ms. P, libre naman diyan oh!” Agad na hirit ni Joseph, na siyang gumanap bilang Paris.

“Oo nga, Ms. P! Sayang naman ang pinaghirapan namin kung wala man lang kaming reward!” Dagdag pa ni Francine Rodrigo, na kanina lamang ay umaarte bilang si Lady Capulet.

“Uy, Ms. P. Ililibre na kami niyan!” Pagpupumilit pa ni Marion, na pumapel naman bilang Benvolio.

Marami pang sumunod na mga mapanghikayat na pahayag galing sa ilan pang mga miyembro, na sa huli ay tinawanan na lamang ni Ms. Pineda.

“Sige na nga. Oo na.” Sabi niya, habang tumatawa pa rin. “Sa Sabado, siguradong-sigurado na yan. May blow-out tayo. Promise!” Pagpapangako niya sa amin.

Agad na nasundan ang anunsyo niya ng isa na namang malakas na hiyawan galing sa amin.

“Siyempre, halata namang hinding-hindi tayo matitiis ni Ms. P eh!” Asar naman ni Carlo sa kanya.

Mapaglaro namang binatukan ng animator at director namin ang kumag.

“Hay naku, etong si Carlo talaga. Ayaw mo atang ilibre kita eh.” Panunukso niya.

“Eh, si Ms. P naman! Joke lang yun noh!” Ang madaliang angal naman ni Carlo.

Tumawa na lang ulit si Ms. Pineda pagkatapos nun, pati na rin ang ilan sa mga kamiyembro namin. Mamaya-maya’y ipinagpatuloy muli namin ang paglilinis ng harapan at backstage ng school auditorium.

At pagkalipas ng halos isang oras, ay natapos na rin kaming lahat sa wakas.

“Thank you for the help everyone.” Nakangiting sabi sa amin ni Ms. Pineda. “And also, a job well done once again to all of you. Sige, it’s already getting late. Magsi-uwian na kayo. May classes pa naman bukas. See you all tomorrow, and be careful on your way home.” Pagdi-dismiss niya sa amin.

“See you tomorrow, Ms. Pineda.” Pagpapaalam rin namin sa kanya.

Pagkatapos nun ay unti-unti na rin kaming nagsilabasan ng school auditorium at dumiretso pauwi. Agad naman akong naglakad patungo sa parking lot ng school, na kung saan nakaparada ang kotse ko. Pero habang papunta palang ako doon ay bigla ko namang nakita si Naomi, na siyang tumatakbo palabas ng gate. Nagmadali naman akong pumasok sa kotse ko para salubungin siya doon.

Pinaandar ko ang engine at pinatungo ang kotse palabas ng gate. Agad ko naman iyon itinigil sa tapat ni Naomi at mamaya-maya’y ibinaba ang driver’s side window para matingnan siya nang diretso.

“Sumabay ka na sa akin.” Ang agarang alok ko sa kanya.

Halatang nagulat siya sa biglaang paglitaw ko, pero pagkalipas ng ilang sandali ay tumango na lang siya at pumasok na rin sa loob.

“Napansin ko lang, parang lagi mo na akong hinahatid pauwi these past few days ah.” Komento niya, sabay tingin sa direksyon ko.

Pinagkibit ko na lang ang mga balikat ko at binigyan siya ng isang mapaglarong ngiti.

My Sweet RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon