Chapter 3: An Unexpected Turn of Events

30.8K 421 34
                                    

 

Adrian’s POV

“This. Is. Your. Fault!” Agad na sigaw ni Naomi sa akin pagkalabas na pagkalabas namin ng classroom.

Sumilip si Ms. Javier sa glass window ng classroom namin at sinamaan kami ng tingin. Nakita kong kinagat ni Naomi yung labi niya. Halatang pilit niyang pinipigilan ang sarili niyang huwag sumigaw. Pero kung ako ang kasama niya, siguradong imposibleng mangyari yun.

“Tss. Manahimik ka na nga. Pareho naman tayong may kasalanan kaya wag lang ako ang pagbintangan mo.” Sabi ko. “Dahil kasi sa lakas ng boses mo at pinalabas tayo.” Dagdag asar ko.

Sinamaan na naman niya ako ng tingin. Ilang beses na kaya niya yan ginawa ngayon?

“Excuse me pero—” Umpisa niya, nang bigla siyang napatigil. Tumingin siya sa pintuan ng classroom. Nagpatuloy na si Ms. Javier sa pagbibigay ng introduction niya.

“Oh, ano? May sasabihin ka pa dapat diba? Ba’t mo tinigil?” Asar ko ulit.

Nag-eyeroll naman siya.

“Walang patutunguhan ang usapan na ‘to. And besides, wala ka rin namang kwentang kausap.” Sabi niya, sabay lakad paalis.

Kung ibang tao lang talaga yun, hindi ko na yun pinansin. Dededmahin ko na lang. Pero si Naomi Rodriguez ang pinag-uusapan natin. Paano ko kaya yun mahahayaan nang ganun-ganun lang?

“Oy, sa’n ka naman pupunta?” Tawag ko sa kanya. Nag-umpisa na rin akong maglakad pasunod sa kanya.

Tumalikod siya at tumingin sa akin.

“It’s none of your business. At pwede ba, wag mo nga akong sundan.” Sabi niya.

Napatawa ako.

“At ba’t naman kita susundan? Ang taas naman ng tingin mo sa sarili mo para isiping pag-aaksayahan kita ng panahon.”

Tinaasan niya ako ng kilay.

“Kung ganun nga, ba’t ka nandito?”

“Bakit? Ikaw lang ba ang pwedeng dumaan dito?”

“Whatever.” Sabi niya, sabay lakad ulit.

“Tss. Asar-talo.” Pabulong ko, pero malakas na rin para marinig niya.

Isa na namang masamang tingin. Hindi ko mapigilang mag-grin. Pikunin pa rin talaga kahit kailan.

“Oo nga pala. Ikaw ba yung tumawag sa akin kaninang umaga?” Tanong ko.

Tumigil siya sa paglalakad at tumingin sa akin.

“At ba’t naman ako tatawag sayo? Ang taas naman ng tingin mo sa sarili mo para isiping pag-aaksayahan kita ng panahon.” Sabi niya, sabay ngiti. Umalis na siya bago ko pa siya mapigilan.

Suplada. Mayabang. Mataray. Ibang-iba na talaga ang Naomi ngayon sa Naomi na niligawan ko noon. Anong nangyari sa masayahin, sweet at mabait na babaeng muntikan ko nang maging girlfriend? Isang witch ang pumalit sa dating anghel ko. Mali. Witch na pala siya sa simula palang. Tinatagu-tago lang nung una. Pero ngayon, hindi na nag-aalinlangang ipakita ang totoong kulay.

Dun na lang ako tumambay sa school garden para makatulog ulit. Hindi na ako umalis doon kahit nung recess. Nagising na lang ako nang pumunta doon sina Vince at Luis para mag-ayang maglunch.

“Saan si Ervin?” Tanong ko habang naglalakad kami papuntang cafeteria.

“Kasama si Ericka, kinakamusta si Naomi. Kanina pa kaya yun pinagkakaguluhan ng mga kaklase natin.” Sagot ni Vince.

Nakalimutan ko bang sabihin? Oo, yung kambal ko ang girlfriend ni Ervin. Kaya nga nainis yung kumag sa akin kanina eh. Alam niya naman kasing inis din ako sa kambal kong yun.

“Adrian, pwedeng magtanong?” Sabi sa akin ni Luis.

“Ano yun?”

“Naging kayo ba ni Naomi Rodriguez?”

Bigla akong napatigil sa paglalakad. Tumingin si Luis sa akin. Si Vince naman, napailing.

Nung first year lang kasi nag-umpisang mag-aral dito si Luis kaya hindi niya alam yung namagitan sa amin ni Naomi. At base sa nangyari kanina sa classroom, siguradong kahit sinong di nakakaalam ng nangyari noon mag-aakala ring ganun yung relationship namin.

Tumawa ako nang pilit.

“Yung supladang babaeng yun? Ba’t ko naman yun magiging girlfriend? Magkabaliktad muna yung langit at lupa bago yun mangyari.” Sabi ko.

Nagbuntong-hininga si Luis.

“Ah, akala ko naging kayo na. So okay lang naman sayo kung ligawan ko siya diba?”

Hindi ko namalayang nanlaki na pala ang mga mata ko sa sobrang gulat. Kahit si Vince napatingin na rin sa kanya.

“Liligawan mo siya? Gusto mo yung babaeng yun?” Hindi ko mapigilang tanungin.

Ngumiti si Luis.

“Oo naman. Maganda siya. Interesting yung personality. Tsaka nalaman kong siya pala yung naging valedictorian dito simula pre-school hanggang middle school. Kung tutuosin, hindi ba’t normal rin namang magkagusto sa tulad niya? Besides, kung hindi na ako gagalaw ngayon, baka maunahan pa ako ng iba.” Sabi niya.

Nagkunwari akong hindi apektado.

“Hay naku. Wag ka nang masyadong umasa. Siya yung tipo ng babaeng mang-iiwan agad. Pero kung yan yung gusto mong gawin, bahala na lang sayo.” Sabi ko.

“Thanks bro.” Sabi ni Luis, naka-grin. Nauna na siyang pumunta sa cafeteria.

“Sure ka bang okay lang talaga sayo?” Tanong ni Vince sa akin.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad.

“Siyempre naman noh. Wala naman akong pakialam sa babaeng yun.” Sabi ko.

Dahil mas may pakialam ako sa posibleng sagot niya kay Luis. Dalawa lang naman kasi ang posibleng mangyari. At base sa ginawa ng babaeng yun noon sa akin, either papaasahin niya lang ang kaibigan ko o tatanggihan na lang nang diretso.

Hindi na nagsalita ulit si Vince. Papasok na kami ng cafeteria nang makita namin si Luis, na biglang pumunta sa table nina Ericka. At sa harapan pa mismo ni Naomi. Halos lahat ng mga tao doon nakatingin sa kanila.

“Naomi Rodriguez, pwede bang magtanong?” Sabi niya.

Mukhang gulat rin si Naomi sa biglang paglapit niya.

“Ano yun?” Tanong niya.

Ang nagpagulat talaga nang tuluyan sa lahat ng tao sa cafeteria nung araw na yun ay ang biglang pagluhod ni Luis.

“Naomi Rodriguez, pwede bang manligaw?” Tanong niya.

Nanlaki ang mga mata ni Naomi. Natulala sina Ericka sa kanila. Kahit ako nabigla rin.

“Umm…” Umpisa ni Naomi nang biglang napunta sa akin ang titig niya.

Alam kong tinitingnan niya kung anong magiging reaction ko. Pinilit ko ang sarili kong magmukhang hindi apektado pero ang hirap gawin nun. Kasi apektado nga talaga ako. At kahit makasarili mang isipin, gusto kong tanggihan niya ang alok ni Luis.

Biglang may namuong ngiti sa mga labi niya at napatingin siya kay Luis. Hindi ko na kailangang hulaan kung ano ang magiging sagot niya.

“Sure, why not?”

My Sweet RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon