Chapter 33: Pick-up Confessions

14.7K 217 39
                                    

 

August 9, 2010

 

Adrian’s POV

“Uy, dali! Bilisan niyo na!”

“Kailangan nating humabol! Baka magsarado pa ang registration!”

“Dalian niyo! Baka lalo pang humaba yung pila dun!”

Yan ang mga sunud-sunod na tawagan ng mga kamiyembro ko sa basketball club pagkapasok na pagkapasok ko sa gym nung umagang iyon. Wala pang limang segundo ay nagsitakbuhan na ang mga kumag palabas, halatang nagmamadali. Aakalain mo tuloy na artista ang pinagkakaguluhan. Pero kung tutuosin, parang artista na rin naman yung babaeng yun sa sobrang kasikatan niya dito sa school.

Mas lalo lang lumakas ang ingay sa labas, at meron na naman akong narinig na grupo ng mga nagsisipagtakbuhang mga estudyante. Umpisa kasi ng school fair namin ngayon kaya wala kaming mga klase. Kung tutuosin, dapat nga nag-eenjoy kami ngayon sa mga booth at mga stall ni sinet-up ng iba’t ibang mga clubs, lalo na dahil kakatapos lang ng mga exams namin kama-kailan lang, pero malas lang talaga ng mga miyembro ng sports clubs dahil kailangan pa naming magtraining para sa mga dadating naming mga games laban sa ibang school.

Pero base sa kaganapang nasilayan ko kanina, mukhang walang magaganap na training ngayon. Hay naku. Ano na naman kasing kababalaghan ang nilikha ng babaeng yun?

“Ano na namang ginawa ni Naomi at nagkakagulo ang mga asungot dito? Tsaka hindi ba dapat may practice match ngayon? Ba’t naman nagsipag-alisan ang mga ka-team members natin?” Tanong ko kela Ervin at Vince, na naiwang gumagawa ng stretching exercises doon.

“Ah, Rian. Nakarating ka na pala.” Bati sa akin ni Ervin. “Kaka-announce lang kanina. Mamayang hapon na lang daw yung practice match.” Sagot niya.

“Bakit naman ni-reschedule bigla?”

“Kanina pa kasi nagrereklamo ang mga ka-team members natin.” Sabi naman ni Vince. “Unfair daw kasi kung umaga yung training natin. Hindi daw sila makakapag-participate sa contest na hinohost ng cheerleading squad sa school auditorium.”

Napatunganga ako sa kanilang dalawa.

“Anong contest?” Demanda ko.

Nagtinginan ang dalawa at agad na nag-grin.

“Kahit kailan, Adrian. Wala ka talagang kamuwang-muwang sa mga nangyayari sa paligid mo.” Asar ni Ervin.

“Hay naku. Expected na talaga yan kay Rian. Puro si Naomi na lang kasi ang laman ng isipan niyan.” Dagdag pa ni Vince.

Nagtawanan pa ang dalawang kumag pagkatapos nun. Binatukan ko naman sila dahil sa sobrang inis.

“Pwede ba, kesa pagtripan at pagtawanan niyo ako, sagutin niyo na lang kaya ang tanong ko, noh?” Sabat ko.

Hindi pa rin nawawala ang mga grin sa mga pagmumukha nung dalawa.

“Pick-up Battle yung hinohost nilang contest.” Ngiti ni Vince. “Kahit anong grade level pwedeng sumali, basta’t lalaki ang participant.”

“At sa bawat pick-up battle na magaganap, merong corresponding Neneng B na isa sa mga members ng cheerleading squad.” Sabi naman ni Ervin. “At yung mananalo, bibigyan ng pagkakataong makadate ang cheerleader na gumanap bilang Neneng B sa round na yun.”

“At sa unang round ng pick-up battles, si Naomi ang Neneng B.” Sabay pa nilang isinambit, mas lalo lang lumaki ang mga ngiti.

Agad ko namang ipinag-untog ang mga ulo ng dalawa.

My Sweet RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon