Chapter 38: The Reason Behind It All

12.7K 160 23
                                    

 

Naomi’s POV

At that moment, right after Zack’s introduction, there was no doubting the betrayal being shown in Adrian’s eyes.

Siguradong-sigurado talaga ako, nung mga oras na iyon, may namumuong galit at poot na sa puso niya. Galit at poot na sigurado akong nakadirekta sa akin. Pero yung problema lang talaga, hindi ko magawang magpaliwanag sa kanya nung mga oras na iyon. Hindi ko magawang depensahan ang sarili ko. At hindi ko magawang masabi sa kanya ang totoo.

Because the mere fact that Zack was here already reduced my mind into mush.

Ni hindi nga ako makapag-isip nang maayos nung mga sandaling iyon. Sadyang gulung-gulo talaga ang utak ko. Even my body and voice became unresponsive. It’s as though I suddenly got paralyzed in that instant. Kaya wala na akong ibang magawa kundi ang manatili na lang sa kinatatayuan ko, nakatitig sa dalawang kalalakihang nasa harapan ko.

Nakita kong binigyan ng isang pilit na ngiti ni Adrian si Zack.

“Ah, ganun ba? Nice to meet you din.” He said, shaking hands with my supposed-to-be fiancé.

Mamaya-maya’y itinuon naman niya sa akin ang tingin niya, at agad na bumigat ang dibdib ko dahil sa sobrang panghihinayang. With full certainty, I was definite that he was furious. Absolutely and completely furious.

And I can’t really blame him for feeling that way.

“Sige, una na ako Naomi.” Ang nagmamadaling paalam niya, sabay pasok sa loob ng kotse niya.

And as if by instinct, bigla na lang nanumbalik ang kontrol ko sa katawan ko, at agad-agad naman akong tumakbo papunta sa direksyon niya.

“Teka, Adrian! Let me explain! Please!” Pagmamakaawa ko sa kanya, already so desperate that I was already banging on the driver’s side window just to get his attention.

But he just ended up ignoring me, and he drove away without any hesitation.

Plano ko sanang habulin pa siya, kahit alam kong wala naman iyong patutunguhan kahit gawin ko pa man yun, pero hinila ako pabalik ni Zack.

“Let me go!” Sigaw ko sa kanya, ilang beses na sinubukang pumiglas, pero sadyang malakas talaga ang hawak niya sa akin.

“Your attempt is futile, so just stop this already Naomi. Alam mo namang hindi siya makikinig sa’yo kahit maabutan mo pa man siya.” Ang walang alinlangang sumbat niya sa akin.

Tumigil na ako sa pagmamatigas, at humarap ako sa kanya. Agad ko naman siyang sinampal nang sobrang lakas, tuluyan na talagang nag-uumapaw ang galit na nararamdaman ko.

“You liar!” Sigaw ko, sobrang sama ang tingin na ibinibigay sa kanya. “Bakit mo yun sinabi kay Adrian? Ni hindi naman talaga kita fiancé! I NEVER agreed to that damn engagement! Kayo lang naman ni Dad ang may pakana ng lahat ng iyon!” Ilang beses ko pa siyang pinaghahampas pagkatapos, at nang di inaasaha’y nag-umpisa na naman akong lumuha dahil sa sobrang galit.

Oo. Zack and I are engaged. Wait, correction. I was FORCEFULLY engaged to Zack. Ni wala nga akong kaalam-alam tungkol sa set-up na yun eh. Nagulat na lang ako nang biglang ipaalam sa akin ni Dad ang plano nila ng dad ni Zack.

Dahil ang Montenegro Corporations ang main business partner ng kumpanya namin, naisipan ng napakagaling kong ama na i-arranged marriage kami para mas lalong lumago ang trading. Siyempre, wala na rin kasing ibang magmamana ng kumpanya kundi ako lang. Sadyang napakamalas ko talaga dahil only child lang ako. Kaya sa akin ipinagpupumilit ni Dad ang responsibilidad na ipagpatuloy ang family business.

The business management? That I can handle. But the arranged marriage? A definite NO. Kaya nga pinakiusapan ko si Zack na tumutol din sa engagement namin. At nung una talaga, akala ko kamping-kampi siya sa akin. He even arranged a private meeting with my dad regarding the issue. But after the talk, he unexpectedly changed sides and decided to betray me.

At dahil dun, umalis ako. Dahil hinding-hindi talaga ako papayag na maging sunud-sunuran lang nila. After all, I had a right to make my own decisions. Especially if it involved a very important part of my future. And I’m going to continue to fight for that right no matter what it takes.

Even if it means I have to confront my dad head-on.

“Naomi, will you please listen to me first?!” Ang biglaang pagsigaw naman ni Zack, sabay hawak sa parehong kamay ko.

Nagmatigas pa ako nang ilang sandali, pero pwersahan niya akong ipinaharap sa direksyon niya kaya wala na akong ibang magawa kundi ang tumigil na lang at sumunod sa kanya. Nakita kong seryosong-seryoso ang ekpresyon sa mukha niya.

“You have to come back to America with me.” Sabi niya.

Agad namang kumulo muli ang dugo ko nang marinig ko ang pahayag niya.

“Pagkatapos ng ginawa niyo sa akin?” Sabat ko. “There is definitely no way that I would ever do that! Bahala na kayo ni Dad!”

Mas lalo lang niyang hinigpitan ang hawak niya sa akin, at hindi ko mapigilang maudlot nang maramdaman ko ang unti-unting namumuong sakit malapit sa pulso ko.

Buti naman at namalayan niyang nasasaktan na pala ako, kaya niluwagan niya ang hawak niya sa akin, hanggang sa bitawan na rin niya ako sa wakas. Pero mamaya-maya’y bigla naman siyang nagbuntong-hininga nang sobrang lalim. And I swear I saw hopelessness in his eyes at that moment.

“Please Naomi.” Pagmamakaawa niya sa akin, tinititigan ako sa mata. “Tito Carlos needs you more than ever now. You have to come to America with me. Please.”

Hindi ko alam kung bakit, pero bigla na lang may namuong kaba sa dibdib ko nang marinig ko ang mga sinabi niya.

“B-bakit? Anong nangyari kay Dad?” Ang nag-aalinlangang tanong ko.

Muli na namang nagbuntong-hininga si Zack, at alam kong puro katotohanan lang ang sinasabi niya nung mga oras na iyon.

“Tito Carlos has leukemia, and he’s already in a critical state. He’s got only a few months to live Naomi. May taning na ang buhay niya.”

My Sweet RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon