EPILOGUE

4.1K 77 30
                                    

A/N: Ito na talaga ang Finale! Kung ano man ang naging desisyon ko kung paano ko tatapusin ang story na to sana ay irespeto nyo ng konti, haha kahit konti lang. Alam kong may kanya kanya na kayong Team pero, sa ganitong way ko talaga gustong tapusin ang TCS dahil kung hindi edi wala ng TCEG Hahahahaha! Sa dulo nito dun ko sasabihin kung ano ang meaning ng TCEG. At sa dulo nito may sneak peak sa book 2. Ohh di na oakwood noh? Be prawn of me guys okay? Hahahahaha! Game.

--------

ZANE CREED POV 

Araw ng kasal ko ngayon. Sabi nila ito daw ang pinaka inaabangan ng mga babae, ang araw ng kasal kung saan masasabi nilang sa wakas dumating na ang lalakeng makakasama nila habang buhay. Sa edad kong ito marami na agad akong naranasan at natutunan sa buhay pag ibig. Narealize ko na simple lang naman talaga ang relasyon, dalawang bagay lang ang pwedeng kahinatnan nito. Either you get married or you break up. Tayo at ang mga tao sa paligid lang naman natin ang nag papa komplikado nito. Sa amin ni Thomas we end up breaking up. Maybe we just meant to fall for each other but we didnt meant to be together, 

Nung una, akala ko kakayanin naming ayusin ang lahat. Akala ko kakayanin naming lumaban hanggang dulo basta mag kasama kami. Pero hindi pala ganun kadali yun, minsan kailangan pala talaga muna nating isipin yung mga tao na masasaktan at mahihirapan kesa sa magiging kasiyahan mo.

Ayaw ko sanang i give up si Thomas, pero ayaw ko din naman na mahirapan ang pamilya ko at ang mga tao na umaasa sa amin, yung mga taong tumulong sa pamilya ko at naging dahilan kung nasaan kami ngayon.

Kahapon kahit masakit sa akin ay pumunta ako sa kasal ni Thomas at Kristina, pero wala pa man ako sa kalahatian ng seremonya ay hindi ko na kinaya, kaya umalis din agad ako. Hindi ko kayang makita na ikakasal sya sa iba, at mas lalong hindi ko kayang makita na mag bigay sya ng vow, hindi ko kayang marinig na ang mga pangarap at pangako namin noon ay tutuparin na nya sa iba ngayon.

Maraming plano ang Diyos na  hindi ko naiintindihan sa ngayon pero alam kong para ito sa ikabubuti ko at naming lahat.

Si Max, Skye at ang kaibigan ni Rara na si Kaye ang mga abay sa kasal ko, kasama sila Reaker, Sean at ang pinsan ni Rara na si Cyrus.

Noon, malaman ko palang na makikita ko si Rara sobrang excited na ako pero ngayon ikakasal na kami pakiramdam ko isa lang itong ordinaryong araw sa buhay ko. Isa itong patunay na mabilis mag bago ang panahon, dahil noon sya ang gusto kong makasama pero ngayon si Thomas lang ang hinihiling ko. At sa sobrang bilis ng panahon dati mahal lang namin ni Thomas ang isa't isa pero ngayon kasal na sya at may mamahalin na syang iba.

"Besty tara na" tawag ni Max sakin ng sunduin nya ako sa hotel room. Ngumiti lang ako sakanya at tumango. Garden Wedding ang kasal namin ni Rara, kasabay kong bumaba ng hotel si Max dahil sa baba lang naman nito ang venue. Wala akong kalakas lakas sa bawat hakbang ko, walang kahit anong excitement sa katawan ko. "Iwan na kita besty ha?" sabi ni Max pero hinawakan ko ang braso nya ng mahigpit

"Ayaw ko pa, Max dito ka lang muna" pag mamakaawa ko sakanya

"Kailangan ng simulan ito besty, magiging okay ang lahat pangako" pangako? Ilang pangako na ba ang nasabi sakin ng mga taong malalapit sa akin ang hindi natupad? Ilang pangako na ba ang pinaasa lang ako. Wala na akong nagawa at pumunta na si Max sa pwesto nila Skye.

Nag simula na ang kasal at dahan dahan na akong nag lakad papunta sa atlar at nakita ko sa dulo nito si Rara, nakangiti sya pero ang lungkot ng mga mata nya. Kagaya ko din ba sya na nag papanggap lang na masaya?

Hindi ko na namalayan na nakarating na ako sa altarsa lalim ng iniisip ko, nag simula ang siremonya. Wala akong anuman na maintindihan sa sinasabi ng pari. Naramdaman ko ang pag hawak ni Rara sa kamay ko kaya tumingin ako sakanya

That Crazy Stalker Where stories live. Discover now