CHAPTER 1

13.2K 261 24
                                    

"If love is blind, anong katarantaduhan ang LOVE AT FIRST SIGHT?"

-------

Gusto kong libangin ang sarili ko para makalimutan ang ex boyfriend ko kaya pumunta ako sa bookstore. Its been a year but still, may mga panahon na namimiss ko parin sya, yung mga pinag samahan namin, yung away, tampuhan, at lambingan. Minsan hindi ko parin mapigilan na hindi tignan yung mga old pictures namin at maging ang pag tambay ko minsan sa wall nya sa facebook just to see how happy he is with his new girlfriend. Ganun naman ata talaga, kahit na alam mong masasaktan ka hindi mo parin kayang alisin sa daily routine mo ang katangahan. Napaka hampas hangin na katangahan at nahagip pa ako!

Sometime I wonder, kamusta na kaya sya? Mas masaya kaya sya sakanya? Mas minahal nya ba yung latest nya? Mga tanong na hanggang sa sarili mo nalang pwedeng tanungin dahil wala ka ng karapatan malaman pa ang sagot. Ang napaka marupok kong ex na bigla nalang akong pinagpalit porket ata mas maganda, sexy at malaki ang boobs sakin nung cheerleader na yun! Hampas tubig silang dalawa! Malunod sana sya sa gatas nung babaeng papaya na yun!! (¬‿¬)

hanap... hanap.... hanap.... hanap...

Hindi ko alam kung anong klase ba talaga ng libro ang bibilhin ko, actually hindi ko naman ini-scan yung libro na hinahawakan ko. Wala lang kukuha lang ako ng libro kunwari nakatingin sa likod at binabasa yung nakasulat pero ang totoo nakatingin lang ako sa libro tapos, ayan! kinakausap ko yung sarili ko

Bumili kaya ako ng libro ng pang gagayuma? Baka sakali naman na bumalik sakin yung Ex ko? O kaya mag hanap ako ng effective way para maging papaya din yung pasas ko? Pampa sexy kaya? Or books how to move on?

Lakad . .  hanap . .  lakad 

yan ang kanina ko pa ginagawa dito sa bookstore, siguro kalahating oras na.

"babe lets buy this book oh!" sabi ng babae sa likod ko na nag hahanap din ng libro kasama ang boyfriend nya. 

"ok babe" sagot naman nung lalakeng kasama nya. sa isip isip ko, edi kayo na ang babe! Mga hampas hangin na hindi manlang mag bigay galang sa mga single na kagaya ko! Babe, babe pang nalalaman! 

"mag brebreak din kayo" pabulong na sabi ko at saka lumipat ng ibang bookshelf, and this time totoong nag hahanap na ako ng libro at binabasa ko na yung nasa likod nila.

Hanap . . . Basa . . . Hanap . . . Abot ng libro

("plook!" insert sound fx here haha XD) 

Nakakainis namang libro to! Libro nalang pa hard to get pa! Iritable akong yumuko at pupulutin na sana ang libro pero may nauna sa akin

"ito oh!" sabay abot sa akin ng mala John Lloyd na kumuha ng libro, humarap sya sa akin at napakurap ako ng tatlong beses! Ilang taon nga ako ulit nag pakatanga kay Ziggy? At ilang taon. buwan, linggo, araw, oras, minuto at segundo akong hindi naka move on sakanya at parang ngayon ko lang na realized na hindi lang si Ziggy ang lalake sa mundo? O.A na ba? Pero karapat dapat naman talagang maging OA sa ganitong kahampas lupang gwapong lalake na kaharap ko ngayon! 

"salamat" sagot ko at saka nag smile sakanya, pero hindi natinag ang blankong expression ng muka nya. Walang Hi, Hello o kahit Walang Anuman na sagot mula sakanya basta nalang sya umalis!

Muli akong kumurap pero this time apat na beses na, bilang na bilang ko e! Grabe lang talaga, naranasan nyo na ba yung meron kayong nakita na feeling nyo para sya sa inyo? Yung palagay nyo kayo ang nakalaan sa isat isa! Napaka hampas tubig pakinggan pero yun talaga ang nararamdaman ko!

That Crazy Stalker Where stories live. Discover now