CHAPTER 27 "Team RARA vs Team Thomas"

3.2K 78 25
                                    

A/N: Guys nag hahanap pa po kami ng mga gustong maging operator sa account ng mga TCS Characters! Tweet me @Lhaieoffcial or @TCSZANECREED si Zane kasi nag aasikaso ng mga accounts!

Gusto ko lang pasalamatan lahat ng mga operators ng mga characters ko, sana makumpleto na kayo soon hehe ayun iloveyou po! Please naman wag nyo na iag damot ang comment ha! COMMENT NYO NAMAN ANG DAMDAMIN NYO SA KWENTO Nyhahahaha! okay okay? game na

-------------------

THOMAS POV


Pag uwi ko ng bahay, naabutan ko si RARA sa unit ko. Hindi ako galit sakanya dahil sa ginawa nya na kwinento ni Zane, kaibigan parin ang tingin ko sakanya.

"Ohh bro?" bungad ko sakanya, nasa may sala sya ng unit ko, umupo ako malapit sakanya, katahimikan lang ang sinagot nya saakin, pinakiramdaman ko mabuti ang prinsensya nya, may hawak syang coins at pinag lalaruan nya yun. Sa pag kakakilala ko sakanya sa tingin ko ay nag iisip sya. Si Rara ay kabalikataran ko, madalas hindi ko na iniisip ang magiging epekto sa iba ng mga bagay na ginagawa ko basta naisipan ko gagawin ko, bara bara kumbaga. Pero sya bawat detalye iniisip nya, kung sino ang maapektuhan, kung ano ang mangyayari at kung tama ba o mali yung gagawin nya.

Tunog lang ng dalawang barya na pinag lilipat lipat nya ng pesto sa kaliwang kamay nya ang naririnig saming dalawa, kanina ko pa gustong mag salita para mabasag ang katahimikan saming dalawa pero hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin sakanya.

"Galit ka ba?" tanong ko, si Rara ang pinaka malapit kong kaibigan. At umaasa ako na hindi matatapos ang pag kakaibigan namin na to ng dahil sa pag aagawan namin sa iisang babae. Hindi parin sya sumasagot. Bumuntong hininga ako, isinandal ko ang ulo at tumitig sa kisame saka nag salita ulit "Alam mo bang noon pa lang sobrang ingit na ingit na ako sayo?" tanong ko sakanya, naramdam ko ang pag tigil nya sa pag lalaro ng mga barya na hawak nya at tumingin sakin "Sobrang ingit na ingit ako nun sayo kasi pakiram ko nun nasayo na ang lahat" pag papatuloy ko sa sinabi ko, naalala ko noong mga bata kami, ako yung batang anino lang ni Rara, lagi lang akong nasa likod nya, sya yung laging pinupuri at ako yung laging hindi napapansin. Nanatili syang tahimik pero ramdam kong inalis nya na ang tingin nya sakin, itinigil na din nya ang pag lalaro ng coins, hudyat na gusto nyang ituloy ko ang sinasabi ko. Sinariwa ko ang mga alala ng ingit mula sa nakaraan. "Bata palang tayo, ikaw na yung pinaka gwapo, ikaw na yung matalino at ikaw na yung mabait. Ako yung laging pangalawa, ibig sabihin saakin lahat ng tira tira mo." mapait na ngumiti ako habang nakatingin sa kisame at patuloy na inalala ang mga kinaiingitan ko kay Rara. Mr and Ms United Nation noon gusto kong ako ang maging Mr. Korea noon dahil gusto ko yung costume naisusuot, pero pinilit ng lahat si Rara dahil nga sya ang pinaka gwapo sa school e mas bagay daw sakanya at hindi ko naman daw kasya ang costume, tapos ako Mr. Japan. Pinalakas nya naman yung loob ko nun, sabi nya halos pareho lang naman daw yun at saka wala naman daw yun sa costume or sa bansa na i rerepresent namin basta galingan lang daw. Hindi national costume ng japan ang ipinasuot saakin noon kundo yung pang SUMO, dahil nga siguro sa mataba ako noon. Halos pag tawanan ako ng lahat noon bukod kay Rara, nasa stage kami noon at halos sigawan ni Rara lahat ng nanonood na tumatawa, naisip ko noong una na napaka bait ng kaibigan ko kasi hindi nya hinayaan na pag tawanan ako ng iba. Pero sa kabilang banda, may ingit sa loob loob ko noon. Dahil sa ginawa ni Rara mas dumami ang humanga at nakipag kaibigan sakanya. Hindi sya snobero noon, lahat pinapansin nya at nag tampo ako nung dumating yung time na pakiramdam ko nakalimutan na nyang kaibigan nya ko. Nung nalaman nya yun, hindi na nya pinansin ang ibang bata, puro nalang ako at ang kapatid nyang si Reaker, doon nag simula ang pagiging masungit at snabero nya. "Naalala mo ba? minsan na kitang natalo sa Quiz Bee noon? Pero ikaw parin yung hinangaan at pinuri nila, samantalang ako na nanalo ni hindi manlang nila napansin,  hindi ko alam kung sobrang mabait ka ba talaga o naawa ka lang sakin kasi ikaw lang naman kaibigan ko kaya hindi mo ko maiwan. Kahit na pinalilibutan ka ng maraming tao at pinupuri ka, lumapit ka parin sakin para batiin ako na AKO yung nanalo." pag papatuloy ko ng kwento, alam kong malakas maka bakla pero totoo lahat ng yun na naranasan at naramdaman ko nung bata ako. Ako yung batang binubully noon, yung wala naman akong ginawa pero sa iba ang presensya ko ay nakakainis na. Wala naman akong sakit pero akala mo pinandidirihan ako at ayaw tabihan at kaibiganin, kumpulan ng kutcha at tawa ang halos araw araw na nararanasan ko noon, samantalang si Rara puro papuri. Si rara sobrang bait kahit hindi naman sila tinutulungan samantalang ako, ako na nag linis ng buong classroom pero hindi parin napansin, si Rara matalino pero nung natalo ko sya, sa mata nila si Rara parin ang matalino, si Rara talented kahit na pag kanta lang naman ang alam nya samantalang ako kaya ko kumanta at sumayaw. Pero walang nakapansin sakin. "Namatay si mommy, sobrang lungkot ko nun, kasi sya nalang nga yung taong nakaka appreciate sakin tapos nawala pa sya. Sobrang ingit na ingit ako sayo kasi ikaw lagi kayong kumpleto ng pamilya mo. Naiingit din ako kasi kapatid mo si Reaker, iniisip ko noon, siguro kung may kapatid din ako mas masaya siguro ako? Bakit ganun? Lahat nalang ng bagay nasayo? Sobrang ingit na ingit ako sayo nun" pag papatuloy ko sa pag sasalita ko. Alam kong masama yung ingit na nararamdam ko para sakanya, samantalang sya puro kabaitan lang ang pinapakita sakin."Hanggang nakilala natin si Zane, pero ikaw parin yung napapansin nya noon. Anino mo parin ako" masakit sa pakiramdam, bakit hindi nalang pantay pantay pinanganak ang tao? Pero sa kabilang banda naalala ko ang usapan namin ni Rara, kinailangan namin pumunta ng tatay ko papunta sa america para maka moveon sa pag kawala ni Mommy. Doon pumayag si Rara na babalikan namin si Zane kapag patas na ang lahat, kapag kaya ko ng lumaban at kapag kahit konti e mapantayan ko manlang si Rara, pero mukang ako ang hindi naging patas sakanya ng nag lihim ako sakanya nung nalaman ko na si Zane ang hinahanap namin at hindi si Quinn. Sakto naman na may itatayo branch dun ang pamilya ko at nila Rara kaya sumunod din sila, doon mas lumala ang pagiging weird ni Rara nung nasa America kami, parang biglang nawala yung cool na Rara na hinahangaan ng karamihan, naunang bumalik sila Rara ar Reaker sa pinas pero ilan taon din ang lumipas ay naka sunod din ako sa kanila at saka kami nag aral sa Graham. Ibang Thomas na ako nun naka balik ako ng Pinas, dahil hindi ko pinantayan si Rara, hinigitan ko sya. Hinigitan ko sya sa lahat ng aspeto. Madami ng nakikipag kaibigan at pumapansin sakin noon. Naging ka year din namin si Ziggy dahil ilan taon syang nag stop sa pag aaral, ang sabi nya kinailangan nya daw kasing mag pagamot sa ibang bansa noon kaya nag stop sya. Maganda ang naging unang taon ng pag aaral ko noon pag balik sa pinas, kasama si rara at reaker at pati ang dati naming kaibigan na si Ziggy. Pero ilang taon ang nakalipas ay ayun nga atnag bago si Ziggy.

That Crazy Stalker Where stories live. Discover now