CHAPTER 30

3.9K 84 31
                                    

A/N: mag comment kayo ha! ang di mag comment mawawalan ng lovelife o hindi mag kaka lovelife! Hahahahaha! Ang di mag comment walang makukuhang gift sa pasko! hahahaha Game UD na!

-----

THOMAS POV

Mabilis lumipas ang araw at naging busy si Zane sa pag aasikaso sa debut nya, pero kahit na ganun lagi nya parin naman akong kasama. Ayaw kong may ma missed na kahit anong bagay basta tungkol sakanya. Habang tinitignan ko sya na sinusukat yung mga gowns na susuotin nya, na iimagine ko ganyan din kaya sya ka excited kapag yung gown na sa kasal ang isusukat nya. Ang cute nya tignan habang pumipili sya ng bulaklak at cake tapos iniisip ko ganyan din siguro sya ka busisi sa bawat detalye kung sa kasal na namin nya yun gagawin? Hindi ko maiwasan na hindi mag imagine, naiimagine ko yung future kasama sya, yung future na kami ang mag kasama.

Nasa bahay ako ngayon at nag aayos dahil mamaya ay susunduin ko si Zane after ng sinasabi nila Dad na pag uusapan namin. Bukas na ang debut ni Zane at handa na ang lahat ng kailangan, pero gusto ko na ako yung kasama nya habang nag cocountdown, gusto ko na ako yung unang babati sakanya at ako yung unang mag reregalo sakanya. Ito yung unang birthday nya na ako yung kasama nya kaya gusto kong maging special ang lahat.

Bago bumaba ng kwarto ay tinawagan ko muna si Zane

Dialing Mahal Ko...

"Hello mahal ko?" sabi nya sa kabilang linya

"Hi mahal, nag lunch ka na ba?" tanong ko

"Oo kakatapos lang, kasabay ko si Skye at Max wala si Kristina e sabi nya may importante daw silang lakad nila Sarah. Ikaw mahal ko kumain ka na ba?" tanong nya

"Brunch lang kanina, pero mamaya bababa na ko may pag uusapan daw kami ni dad e" sabi ko naman

"Ay akala ko naman papunta ka na dito" sabi nya sa kabilang linya

"Saglit lang yun mahal ko tapos didirecho na ko dyan" sabi ko naman "Nasa kwarto ka ba?" tanong ko

"Oo bakit?" sagot naman nya

"Baba ka naman o" sabi ko

"Bakit?" sagot naman nya

"Basta baba ka lang" sabi ko sakanya, at narinig ko ang pag bukas ng pinto nya at yabag ng paa nya pababa

"Ohh Zanie! sa sobrang ganda mo may isang patay na patay sayo at nag pa deliver nito!" dinig kong sabi ni Skye sa kabilang linya, bago pa ako tumawag kay Zane ay tinext na ako nila Skye na dumating na yung delivery na pina deliver ko "At sa sobrang ganda mo besty oh ayan! Puno na ng bulaklak ang buong bahay!" dinig kong sabi din ni Max sa kabilang linya "At sa superie duperie ganda mo Zanie! may 18 gifts ka din ayan o!" sabi ulit ni Skye

"Mahal ko? nagustuhan mo ba?" tanong ko kay Zane

"Hindi!" sagot nya at humihikbi hikbi na "Sobrang gustong gusto ko!" sabi nya. Nag padala ako ng madaming klase ng bulaklak at iba iba ang pag kaka arranged, Tapos 18 kinds ng gifts na sana magustuhan nya "Bakit ang dami ng bulaklak?" tanong nya

"Bayad yan sa mga utang kong bulaklak nung panahon na wala pa ako sa tabi mo" sabi ko naman

"Eh bat ang dami ng regalo? Alam mo naman na ikaw lang at yung wish ko yung gusto ko e" sabi nya

That Crazy Stalker Where stories live. Discover now